Farrell, Pennsylvania
Ang Farrell ay isang lungsod sa Kondado ng Mercer, Pennsylvania, Estados Unidos. Ang populasyon nito ay 5,111 katao ayon sa senso 2010. Bahagi ito ng Kalakhang Pook Pang-estadistika ng Youngstown-Warren-Boardman sa Ohio-Pennsylvania.
Farrell, Pennsylvania | |
---|---|
Unang Simbahang Batista sa Farrell | |
Pinagmulan ng pangalan: James A. Farrell | |
Kinaroroonan ng Farrell sa Kondado ng Mercer, Pennsylvania. | |
Mga koordinado: 41°12′42″N 80°29′39″W / 41.21167°N 80.49417°W | |
Bansa | Estados Unidos |
Estado | Pennsylvania |
Kondado | Mercer |
Itinatag | 1899 |
Sinapi (boro) | 1916 |
Sinapi (lungsod) | 1932 |
Pamahalaan | |
• Alkalde | Olive M. McKeithan |
Lawak | |
• Kabuuan | 2.27 milya kuwadrado (5.89 km2) |
• Lupa | 2.27 milya kuwadrado (5.89 km2) |
• Tubig | 0.00 milya kuwadrado (0.00 km2) |
Populasyon (2010) | |
• Kabuuan | 5,111 |
• Taya (2017)[2] | 4,687 |
• Kapal | 2,062.03/milya kuwadrado (796.02/km2) |
Sona ng oras | UTC-4 (EST) |
• Tag-init (DST) | UTC-5 (EDT) |
Kodigong postal | 16121 |
Kodigo ng lugar | 724 |
FIPS code | 42-25360 |
Websayt | http://www.cityoffarrell.com |
Kasaysayan
baguhinDating tinawag na "The Magic City," mistulang mabilis ang paglago ng Farrell nang itinayo ang isang pagawaan ng asero noong 1901 sa isang kapatagang hinahangganan ng Ilog Shenango, malapit sa Sharon, sa noo'y bahagi ng Hickory Township (lungsod ng Hermitage ngayon).
Sa simula tinawag itong South Sharon. Noong 1912, umabot ang populasyon sa 10,000. Sa mga panahong iyon bumoto ang mga residente upang baguhin ang pangalan sa Farrell, mula sa industriyalistang si James A. Farrell.[3]
Sinapi ang pamayanan bilang boro (bayan) ng South Sharon noong 1916; umabot nang higit sa 15,000 ang populasyon nito noong 1920 at binigyan ito ng katayuan na ikatlong-klaseng lungsod noong 1932.[3] Noong 1939, inatasan ang pintor na si Virginia Wood Riggs na magguhit ng miyural na Myths of Vulcan and Juno sa tanggapan ng koreo ng lungsod. Natakpan ito ng pintura noong 1966.[4]
Naging mahalagang puwersa ng lungsod ang pagawaan ng bakal, na paglaon ay naging Roemer Works ng Sharon Steel Corporation. Ngunit ito ay nilikida kasunod ng pagdeklara ng pagkabangkarote. Karamihan sa mga asset nito ay isinubasta sa Caparo Corporation ng Britanya at paglaon sa Duferco, isang tagagawa ng asero na nakabase sa Suwisa. Ang Duferco ay siyang nagpapatakbo ng planta hanggang sa kasalukuyan. Itinakda ng estado ng Pennsylvania ang Farrell bilang isang munisipalidad na nanlulumo sa pananalapi noong 1987.
Sa kabila ng maraming taon ng pagbaba ng bilang ng populasyon at paghina ng industriya, nakagawa ang Farrell ng pagsulong sa muling pagbangon nito dahil sa bagong mga pamumuhunan ng industriya sa lupang binabaan ang buwis at pagsisimula ng ilang mga bagong pabahay.
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1910 | 10,190 | — |
1920 | 15,586 | +53.0% |
1930 | 14,359 | −7.9% |
1940 | 13,899 | −3.2% |
1950 | 13,644 | −1.8% |
1960 | 13,793 | +1.1% |
1970 | 11,000 | −20.2% |
1980 | 8,645 | −21.4% |
1990 | 6,841 | −20.9% |
2000 | 6,050 | −11.6% |
2010 | 5,111 | −15.5% |
2017 (taya) | 4,686 | −8.3% |
Mga pinagkunan:[5][6][7][8] Pagtataya 2017: [2] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "2017 U.S. Gazetteer Files". United States Census Bureau. Nakuha noong Mar 24, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Population and Housing Unit Estimates". Nakuha noong Marso 24, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 (Farrell Golden Jubilee 1901-1951.)
- ↑ Park, Marlene and Gerald E. Markowitz, Democratic vistas: Post Offices and Public Art in the New Deal, Temple University Press, Philadelphia 1984
- ↑ "Number of Inhabitants: Pennsylvania" (PDF). 18th Census of the United States. U.S. Census Bureau. Nakuha noong 22 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pennsylvania: Population and Housing Unit Counts" (PDF). U.S. Census Bureau. Nakuha noong 22 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "American FactFinder". United States Census Bureau. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-09-11. Nakuha noong 2008-01-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Annual Estimates of the Resident Population". U.S. Census Bureau. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 19 Oktubre 2013. Nakuha noong 22 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)