Si Faustino S. Aguilar (ipinanganak noong 15 Pebrero 1882 sa Malate, Maynila) ay isang Pilipinong nobelista, mamamahayag at rebolusyonaryo. Nasa kainitan ng kabataan si Faustino Aguilar nang dumating dito at sakupin tayo ng mga Amerikano.

Faustino Aguilar
Kapanganakan15 Pebrero 1882
  • (Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan1955
MamamayanPilipinas
Trabahomamamahayag

Nasaksihan niya at nadama ang pagmamalabis ng mga dayuhan sa mga manggagawang Pilipino. Istrikto ang mga Amerikano sa pagpapasunod sa mga batas ng paggawa subalit kulang naman ang mga manggagawa sa mga kagamitan. Nakita niyang apingapi ang maliliit na manggagawa. Wala silang mga karapatan at dignidad bilang tao sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano.

Ito ang nagtulak kay Faustino Aguilar upang maisulat ang nobelang Pinaglahuan. Sa nobelang ito binuhay ni Aguilar ang pagdurusa ng kaluluwa. Naging tagapaglahad siya ng katotohanan at tagamungkahi ng kalutasan. Sinasabing si Faustino Aguilar ang kauna-unahang sumulat ng nobelang panlipunan. Ang ilan pang mababanggit na mga nobelang sinulat ni Aguilar ay "Lihim ng Isang Pulo, Busabos ng Palad, Nangalunod sa Katihan, at Patawad ng Patay.

Siya binawian ng buhay noong taong 1955.

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.