Faya-Largeau
Ang Faya-Largeau[2] (kilala rin bilang Faya,[3] Arabe: فايا لارجو o فايا) ay ang pinakamalaking lungsod sa hilagang Chad at dating kabisera ng rehiyon ng Bourkou-Ennedi-Tibesti.[4] Ito ay nasa (at kabisera ng) rehiyon ng Borkou ngayon, na itinatag noong 2008 mula sa Departamento ng Borkou ng dating rehiyon ng Bourkou-Ennedi-Tibesti.
Faya-Largeau فايا لارجو | |
---|---|
Mga koordinado: 17°55′01″N 19°7′0″E / 17.91694°N 19.11667°E | |
Bansa | Chad |
Rehiyon | Borkou (mula noong 2008) |
Departmento | Borkou |
Sub-Prepektura | Faya-Largeau |
Taas | 245 m (804 tal) |
Populasyon (2012)[1] | |
• Kabuuan | 48,090 |
Sona ng oras | +1 |
Kasaysayan
baguhinUnang tinawag na Faya ay bayan, na binago sa Largeau na mula kay Koronel Étienne Largeau ng Pransiya.[3] Nang nakamit ng Chad ang kasarinlan mula Pranses, ginamit nito ang pangalang Faya-Largeau. Nakuha ito ng Libya nang kinuha nila ang Aouzou Strip noong 1975, ngunit muling kinuha ito ng mga hukbo ni Hissène Habré noong 1980.[5] Muling nakuha ng Libya ang Faya-Largeau noong 1983, subalit umatras sila noong 1987.[5]
Klima
baguhinAng Faya-Largeau ay may subtropikal na mainit na klimang disyerto na kumákatawán sa rehiyon ng Borkou at nasa pusod ng Disyerto ng Sahara. Ang katamtamang pinakamataas na mga temperatura sa Faya-Largeau ay hindi nagbabagong higit sa 39 °C (102 °F) mula Abril hanggang Setyembre, at umaabot ito sa pinakamataas nitong 42.1 °C (107.8 °F) sa Hunyo. Ang pinakamalamig na mga buwan ay Disyembre at Enero na may katamtamang pinakamataas na temperatura na 26.4 °C (79.5 °F). Ang taunang presipitasyon ay nasa 11.7 millimetro (0.46 pul) at karaniwang nagaganap mula Hunyo hanggang Setyembre lamang, bagamat may ilang mga taon na walang tag-ulan. Ang tagal ng sinag ng araw sa lungsod ay isa sa pinakamatagal na natuklasan sa mundo na may humigit-kumulang 3,800 oras ng matinding sinag ng araw taun-taon, at nakatatanggap ang bawat taon ng katamtamang haba ng sinag ng araw na higit sa 290 oras.[6][7][8]
Datos ng klima para sa Faya-Largeau (1961–1990) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 26.4 (79.5) |
29.4 (84.9) |
33.6 (92.5) |
39.1 (102.4) |
41.0 (105.8) |
42.1 (107.8) |
41.0 (105.8) |
40.2 (104.4) |
39.8 (103.6) |
36.5 (97.7) |
31.1 (88) |
27.6 (81.7) |
35.7 (96.3) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 20.0 (68) |
22.2 (72) |
26.0 (78.8) |
30.8 (87.4) |
33.0 (91.4) |
34.1 (93.4) |
33.4 (92.1) |
33.1 (91.6) |
32.7 (90.9) |
29.5 (85.1) |
24.5 (76.1) |
21.0 (69.8) |
28.36 (83.05) |
Katamtamang baba °S (°P) | 13.6 (56.5) |
15.0 (59) |
18.4 (65.1) |
22.4 (72.3) |
25.0 (77) |
26.1 (79) |
25.8 (78.4) |
26.0 (78.8) |
25.9 (78.6) |
22.5 (72.5) |
17.9 (64.2) |
14.4 (57.9) |
21.1 (70) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 0.0 (0) |
0.0 (0) |
0.0 (0) |
0.1 (0.004) |
0.4 (0.016) |
0.3 (0.012) |
3.0 (0.118) |
7.0 (0.276) |
0.8 (0.031) |
0.1 (0.004) |
0.0 (0) |
0.0 (0) |
11.7 (0.461) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) | 0 | 0 | 0 | 1 | 1 | 1 | 2 | 3 | 1 | 1 | 0 | 0 | 10 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 25 | 20 | 18 | 18 | 17 | 20 | 27 | 33 | 22 | 25 | 23 | 25 | 23 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 306.9 | 291.2 | 306.9 | 309.0 | 344.1 | 333.0 | 334.8 | 319.3 | 312.0 | 319.3 | 309.0 | 306.9 | 3,792.4 |
Arawang tamtaman ng sikat ng araw | 9.9 | 10.4 | 9.9 | 10.3 | 11.1 | 11.1 | 10.8 | 10.3 | 10.4 | 10.3 | 10.3 | 9.9 | 10.4 |
Sanggunian #1: World Meteorological Organization (temperatures and precipitation days)[6] | |||||||||||||
Sanggunian #2: NOAA (sun and humidity),[7] Annales de Géographie[8] |
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1993 | 9,867 | — |
2008 | 14,123 | +43.1% |
Reperensiya:[9] |
Ekonomiya
baguhinDahil sa maraming suplay ng tubig mula sa bukal ng lupa sa lungsod, ang pangunahing industriya ay agrikultura, habang tatlong mga lawa ay nasa hilaga mismo ng Faya-Largeau. Pinaglilingkuran ang bayan ng Paliparaj ng Faya-Largeau IATA: FYT, ICAO: FTTY[10] na may patag na patakbuhan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "World Gazetteer". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Atlas of the World (ika-Eighth (na) edisyon). Washington, D.C., United States: National Geographic Society. 2005.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Faya". Encyclopædia Britannica. Encyclopædia Britannica, Inc. Nakuha noong 2007-01-01.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Circonscriptions administrative" (PDF). Archive du Ministère de l’Administration du territoire. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-03-16. Nakuha noong 2007-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Libyan Intervention in Chad, 1980-Mid-1987". GlobalSecurity.org. Nakuha noong 2007-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "World Weather Information Service–Faya-Largeau". World Meteorological Organization. Nakuha noong Hunyo 24, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 "Faya–Largeau Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Hunyo 24, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Mainguet, Monique (1968). "Le Borkou. Aspects d'un modèle éolien". Annales de Géographie (sa wikang Pranses). 77 (421): 296–322.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ World Gazetteer: Chad
- ↑ "Faya-Largeau". Falling Rain Genomics, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-18. Nakuha noong 2007-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Gabay panlakbay sa Faya-Largeau mula sa Wikivoyage