Federico I, Tagahalal ng Brandeburgo

Si Federico (Gitnang Mataas na Aleman: Friderich[1], Estandardisadong Aleman: Friedrich; Setyembre 21, 1371 – Setyembre 20, 1440) ay ang huling Burgrabe ng Nuremberg mula 1397 hanggang 1427 (bilang Federico VI), Margrabe ng Brandeburgo-Ansbach mula 1398, Margrabe ng Brandeburgo-Kulmbach mula 1420, at Elektor ng Brandeburgo (bilang Federico I) mula 1415 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang naging unang miyembro ng Dinastiyang Hohenzollern na namuno sa Margrabyato ng Brandeburgo.

Federico I, Elektor ng Brandeburgo
Kapanganakan21 Setyembre 1371 (Huliyano)
  • (Middle Franconia, Baviera, Alemanya)
Kamatayan20 Setyembre 1440 (Huliyano)
  • (Fürth, Middle Franconia, Baviera, Alemanya)
MamamayanMargrabyato ng Brandenburgo
Trabahomilitary personnel
OpisinaPrinsipeng-tagahalal ()
AnakFederico II, Tagahalal ng Brandeburgo
Alberto III Aquiles, Tagahalal ng Brandeburgo

Talambuhay

baguhin
 
Burgrave Frederick, larawan mula noong ika-15 siglo

Ipinanganak si Federico sa Nuremberg, ang pangalawang anak na lalaki ni Burgrabe Federuci V (1333 – 1398) at ang prinsesa ng mga Wettin na si Isabel ng Meissen. Maaga siyang pumasok sa paglilingkod sa kaniyang bayaw, ang Habsburgong duke na si Alberto III ng Austria. Pagkamatay ni Alberto noong 1395, nakipaglaban siya sa panig ng hari ng Luxembourg na si Segismundo ng Unggarya laban sa pagsalakay sa mga puwersang Otomano. Siya at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Juan, asawa ng kapatid ni Segismundo na si Margarita ng Bohemia, ay nakipaglaban sa 1396 Labanan sa Nicopolis kung saan sila ay dumanas ng isang mapaminsalang pagkatalo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Anon. (1506). Was mein gnediger herre Margraf Friderich zu Brandenburg etc. vber die von Nurmberg dreyer artigkel der stock ploch hewser vnd glaitehalben vor de pund zu Thunawerd hat lassen furpringen vnnd die von Nurmberg zu anttwort geben auch die punds Rethe dorinn gehandelt haben Egidij Anno etc. VI. Nürnberg: Hieronymus Höltzel. p. 1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga pinagmumulan

baguhin
  • Mast, Peter: Die Hohenzollern - Von Friedrich III. kay Wilhelm II., Graz, Wien, Köln 1994