Sistemang pampag-anak ng babaeng tao

Ang sistemang pampag-anak ng babaeng tao (o sistemang panghenitalya ng babaeng tao) ay binubuo ng dalawang pangunahing mga bahagi: ang bahay-bata, na nagsisilbing lalagyan o silid ng namumuong sanggol, na lumilikha ng mga sekresyong pampuki at pambahay-bata, at nagpapasa ng esperma (tamud) ng lalaking tao palagos na papunta sa mga tubong palopyano; at ang mga obaryo, na lumilikha ng pang-anatomiyang mga selulang itlog ng babaeng tao. Ang mga bahaging ito ay panloob: nakakatagpo ng puki ang panlabas na mga organo doon sa bulba, na kinabibilangan ng labia, tinggil, at uretra. Ang puki ay nakakabit sa bahay-bata (utero) sa pamamagitan ng serbiks, habang ang bahay-bata naman ay nakakabit sa mga obaryo sa pamamagitan ng mga tubong palopyano. Sa ilang partikular na mga agwat (interbal), ang mga obaryo ay nagpapakawala ng isang itlog ng babae o obum, na dumaraan sa loob ng tubong palopyano papasok sa bahay-bata.

Sistemang pampag-aanak ng babaeng tao
Isang nakaguhit na paglalarawan ng sistemang reproduktibo ng babaeng tao.
Sistemang pampag-anak ng babaeng tao
Mga detalye
Latinsystema genitale femininum
Mga pagkakakilanlan
TAA09.1.00.001
FMA45663

Kung, sa paglalakbay na ito, nakatagpo ang itlog ng babae ng esperma, ang esperma ay sumusuot at tumatagos (penetrasyon) at sumasanib sa itlog ng babae, upang magsagawa ng pertilisasyon. Ang pagpapabubunga o pagpepertilisang ito ay karaniwang nagaganap sa loob ng mga obidukto, ngunit maaaring ring mangyari sa loob mismo ng bahay-bata. Matapos ang pertilisasyon, tinatawag na ang nagsanib na itlog ng babae at esperma bilang sigota. Pagkaraan, ang sigota ay itatanim ang sarili nito sa dingding ng bahay-bata, kung saan ito magsisimula ng proseso ng embriyohenesis at ng morpohenesis. Kapag sapat na ang kaunlaran nito upang makakaligtas sa labas ng sinapupunan, lumuluwang (dilasyon) ang serbiks at ang mga kontraksiyon (pag-iksi at pag-urong) ng bahay-bata ay nagtutulak sa namumuong sanggol o fetus papunta sa kanal ng pagluluwal (luwalan) o ang tinatawag na puki.

Ang itlog ng babae ay mas malaki kaysa sa esperma at nabuo na kapag sumapit na ang panahon ng pagluluwal o pagsilang ng isang babaeng tao. Tinataya na bawat buwan ay nagpapahinog, sa pamamagitan ng proseso ng oohenesis, ng isang itlog ng babae (obum) na ipadadala pababa sa tubong palopyano na nakadikit sa obaryo nito, bilang pag-aasam sa pertilisasyon o pagpapabunga. Kapag hindi napertilisahan, ang itlog ng babae ay pabugsong inilalabas mula sa sistema sa pamamagitan ng pagreregla.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.