Fernando I ng Dalawang Sicilia
Si Fernando I (12 Enero 1751 - 4 Enero 1825), ay ang Hari ng Dalawang Sicilia mula 1816, pagkatapos ng kaniyang pagpapanumbalik kasunod ng tagumpay sa Digmaang Napoleoniko. Bago iyon, siya ay, mula noong 1759, si Fernando IV ng Kaharian ng Napoles at Fernando III ng Kaharian ng Sicilia. Siya rin ay Hari ng Gozo. Dalawang beses siyang pinatalsik mula sa trono ng Napoles: isang beses ng rebolusyonaryong Republikang Partenopea sa loob ng anim na buwan noong 1799 at muli ni Napoleon noong 1805, bago naibalik noong 1816.
Si Fernando ay ipinanganak sa Napoles at lumaki sa gitna ng marami sa mga monumento na itinayo doon ng kaniyang ama na makikita ngayon; ang mga Palasyo ng Portici, Caserta, at Capodimonte.
Mga sanggunianBaguhin
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2