Fernando VI
Si Fernando VI (Ingles: Ferdinand; 23 Setyembre 1713 – 10 Agosto 1759), tinatawag din bilang ang Matalino (el Prudente) at ang Patas (el Justo), ay ang Hari ng Espanya mula 9 Hulyo 1746 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang ikatlong pinuno ng dinastiyang Kastilang Borbon. Siya ang anak ng nakaraang monarkiya, si Felipe V, at kanyang unang asawang si Maria Luisa ng Saboya.
Fernando VI | |
---|---|
Kapanganakan | 23 Setyembre 1713
|
Kamatayan | 10 Agosto 1759
|
Mamamayan | Espanya |
Trabaho | ruler |
Magulang |
|
Pamilya | Carlos III ng Espanya |
Pirma | |
Maagang buhay
baguhinIpinanganak sa Real Alcázar ng Madrid, tiniis ni Fernando ang malumbay na pagkabata. Ang kanyang madrasta, ang dominanteng si Elisabeth Farnese, ay walang pagmamahal maliban sa kanyang sariling mga anak, at nakikita si Fernando bilang isang hadlang sa kanilang kayamanan. Ang hipokondriya (o labis na pag-alala sa pagkakaroon ng seryosong karamdaman) ng kanyang ama ay nag-iwan kay Elisabeth na maging maybahay ng palasyo.[1]
Kasal
baguhinIkinasal si Fernando noong 1729 kay Infanta Barbara ng Portugal, anak nina John V ng Portugal at Maria Anna ng Austrya.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 dominyong publiko na ngayon: Chisholm, Hugh, pat. (1911). "Ferdinand VI. of Spain". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 10 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 267.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles) Ang artikulong ito ay nagsasama ng teksto mula sa isang lathalatin na nasa