Panloloko sa Pondo ng Pataba

(Idinirekta mula sa Fertilizer Fund Scam)

Ang Fertilizer Fund Scam o panloloko sa Pondo ng Pataba ay isang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga akusasyon na nilihis ng Ilalim na Kalihim ng Agrikultura na si Jocelyn Bolante ang P728 milyong piso ng mga fertilizer fund sa 2004 kampanya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ang perang ito ay ipapambili ng mga pataba (fertilizer) na ipapamahagi sa mga lokal na opisyal.

Noong Marso 2004, inakusahan ni Senador Panfilo Lacson si Pangulong Arroyo ng pagbili ng boto sa pamamagitan ng autorisasyon nito ng paglabas ng ₱728 milyon. Pagkatapos ng isang taon, inulat sa isang episode ng Probe Team na ang ilang mga magsasaka ay nag-angkin na hindi nila natanggap ang mga pataba mula sa mga pondo na inilabas ng Department of Agriculture. Nang pumutok ang kontrobersiya noong 2006, tumakas si Bolante sa Estados Unidos. Siya ay nadakip sa Los Angeles matapos kanselahin ang kanyang visa sa kahilingan ng Senado ng Pilipinas. Kanyang ginugol ang dalawang taon sa isang detention center sa Wisconsin. Noong Okubtre 28, 2008 ay ipinatapon ng Estados Unidos si Bolante sa Pilipinas. Sa kanyang pagdating sa Pilipinas, siya ay dinakip sa ilalim ng warrant ng Senado. Pagkatapos ng isang buwan, si Bolante ay humarap sa Senado at itinangging kanyang maling ginamit ang pera. Sinabi ng whistleblower ng Senado na si Jose “Boy” Barredo na si Ombudsman Merceditas Gutierrez at Arroyo ay dapat panagutin para sa kanilang mga papel sa P728 milyong pisong fertilizer fund scam. Si Barredo na nag-angkin na isang mababang lebel na runner sa fertilizer fund scam ay nagsabi sa Senado na kanyang tinulungang padaliin ang pagpapalabas ng mga milyong piso ng fertilizer fund tungo sa mga kaalyado ni Arroyo sa Sentral Luzon at Kanlurang Mindanao. Noong Pebrero 2009, ang Senate blue ribbon committee ay nagrekomiyenda ng pahahain ng plunder at ibang mga kaso laban kina Lorenzo, Bolante, dating asst. secretary ng Department of Agrcultura na si Ibarra Poliquit, DA Undersecretary Belinda Gonzales, DA Assistant Secretary Jose Felix Montes at lahat ng mga direktor pang rehiyon ng Department of Agriculture na lumahok sa lahat ng mga transaksiyong nauugnay sa P728-milyong fertilizer fund scam.