Ang fettuccine (literal na "mga maliliit na laso") sa Italyano) ay isang uri ng pasta sa tanyag na lutuing Romano. Isa itong sapad na malapad na luglog na gawa magmula sa mga itlog at harina (karaniwang isang itlog para sa bawat 100 mga gramo ng harina), na mas malapad ngunit kahalintulad ng tagliatelle na karaniwan sa Bologna.[1] Karaniwan itong kinakain na kapiling ang sugo d'umido (ragù na mayroong karneng baka) at ragù di pollo (ragù na mayroong karneng manok).[1]

Fettuccine
Sariwang fettuccine
Ibang tawagFettuce, fettucelle
UriPasta
LugarItalya
Pangunahing SangkapHarina, mga itlog

Ang fettuccine nakaugaliang ginagawa nang sariwa (maaaring sa tahanan o pangkalakal) subalit ang tuyong fettuccine ay maaari ring mabili mula sa mga tindahan. Ang isang tanyag na putaheng may fettuccine sa Hilagang Amerika ay ang Fettuccine Alfredo. Ang spinach fettuccine ay gawa mula sa kulitis (espinaka), harina, at mga itlog.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Boni (1930), p. 44.

Talaaklatan

baguhin
  • Boni, Ada (1983) [1930]. La Cucina Romana (sa wikang Italyano). Roma: Newton Compton Editori.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Carnacina, Luigi; Buonassisi, Vincenzo (1975). Roma in Cucina (sa wikang Italyano). Milano: Giunti Martello.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.