Mestisong Pilipino
Ang mga mestisong Pilipino (Kastila: mestizo filipino; Inggles: Filipino mestizo) ay mga Pilipinong may pinagmulang iba’t ibang lahi.
Naipakita ng makabagong pananaliksik sa henetika Naka-arkibo 2011-05-11 sa Wayback Machine. na ang uring panlahi ng populasyong Pilipino, na bumubuo ng pinakakaramihang bahagi ng bansa, ay naitatag noong pre-kasaysayan ng mga katutubong Taywanes na nagsasalita ng inang-wikang Awstronesyo, na sunod-sunurang dumayo sa Pilipinas noong mga 3000 BK, ang karamihan na nakipaghalo rin sa mga manaka-nakang dayo mula sa mainland o kontinenteng Asya (ngayo’y timog Tsina).
Gayumpaman, madalas tumutukoy ang mestisong Pilipino sa mga partikular na kakaunting pamayanang may pinaghalong kanunununuan ng mga katutubong Pilipino at mga banyaga, kolonisador, o settler sa kakaraan lamang na kasaysayan, tulad ng mga Intsik at Arabong mangangalakal at settler, mga Kastila noong panahong kolonyal, mga Amerikano at Hapon noong pananakop, at pati na rin ng mga indibidwal na dumayo o tumakas sa Pilipinas (mga Britaniko, Koreano, Vietnamese, atbp.) Tangi ang mga pamayanang mestiso ito sa karaniwang populasyon pagdating sa pagkakakilanlang etniko, katayuang panlipunan, mga kaugaliang pangkultura, at madalas sa pamanang pangwika, bagaman tinuturing nila ang kanilang sarili bilang mga tunay na Pilipino.
Buhat ng nakasulat sa itaas, karamihan sa mga kasalukuyang Pilipino ay nagdadala ng mga southern Chinese genetic marker, bagaman hindi maituturing ang puspos na pinakakaramihang bahagi bilang mga “Intsik-Pilipino” sapagkat naipagkaloob ang mga marker na ito noong pre-kasaysayan pa noong pagbubuo ng karaniwang populasyong “katutubong Pilipino”.
Mga apat sa bawat 100 Pilipino, o 3.6% ng populasyon, ang nagtataglay ng kanunununuang Yuropeo, bagaman hindi nabanggit kung gaano kalaki ang karaniwang pagkahalong Yuropeo sa kanila. Itong mga Pilipino ay matatawag na mestiso sapagkat:
- naiambag ang pagka-Yuropeong ito sa kamakailan lamang na kasaysayang pantao ng kapuluan,
- hindi ito isang karaniwang pangyayari sa pangkalahatang populasyon, at
- ang pamayanang bumunga mula sa paghahalong ito ay kapansin-pansing naging tangi pagdating sa pagkakakilanlang etniko, katayuang panlipunan, mga kaugaliang pangkultura, at madalas sa pamanang pangwika.
Karamihan sa kanila, kasama ng mga di-Awstronesyong Pilipino, ay nagpapanatili ng mga pamantayan at ugaliing pangkulturang tangi sa pangkalahatang populsayon; kapansin-pansin din ang kanilang pagsasarili pagdating sa pagkakakilanlang etniko, pananaw sa daigdig, katayuang panlipunan, at pamanang pangwika.
Hindi dapat ipagkamali ang mestisong Pilipino sa Tisoy, na kolokyal na tumutukoy sa sinumang Pilipinong may maputing balat mapaanuman ang lahi.
Tingnan din
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.