Franc ng Cambodia
Ang franc ay ang pera ng Cambodia sa pagitan ng mga taong 1875 at 1885. Ito ay katumbas ng Pranses na franc at katulad nito ay nahahati sa 100 sentimo . Ginamit ito kasabay ng piastre (katumbas ng Mexican peso ) na may 1 piastre = 5.37 franc. Pinalitan nito ang tical at napalitan naman ng piastre . Walang namang inilabas na perang papel.
Franc ng Cambodia | |
---|---|
Franc | |
User(s) | Cambodia |
Superunit | |
5.37 | piastre |
Subunit | |
1/100 | centime |
Perang barya | |
Bihirang ginagamit | 1, 5, 10, 25, 50 centimes, 1, 2, 4 francs, 1 piastre |
Mga barya
baguhinAng mga barya ay inilabas sa mga denominasyon ng 5, 10, 25 at 50 sentimo, 1, 2 at 4 na mga franc at 1 piastre. Ang 5 at 10 sentimo ay gawa sa tanso, at ang ilang piraso naman ay sa pilak. Ang lahat ng mga barya ay may petsa ng 1860 ngunit naihulma (karamihan sa Belgium ) noong 1875. Lahat ng ito ay may larawan ni Haring Norodom . Noong mga taong 1900, ang ilan sa mga pilak na barya ay muling ginawa ngunit sa humigit-kumulang na nabawasan ng 15% ang mga timbang.
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- Jean Lecompte (2000) Monnaies et Jetons des Colonies Françaises. ISBN 2-906602-16-7
- Krause, Chester L.; Clifford Mishler (1991). Standard Catalog of World Coins: 1801–1991 (18th ed.). Krause Publications. ISBN 0873411501.
- Pick, Albert (1994). Standard Catalog of World Paper Money: General Issues. Colin R. Bruce II and Neil Shafer (editors) (7th ed.). Krause Publications. ISBN 0-87341-207-9.