Francisco Arcellana
Si Francisco "Franz" Arcellana (ipinanganak na Zacarias Eugene Francisco Quino Arcellana; 6 Setyembre 1916 – 1 Agosto 2002) ay dating Pilipinong manunulat, makata, peryodista, kritiko at guro. Isa siyang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng Panitikan.
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas Francisco Arcellana | |
---|---|
Kapanganakan | 6 Setyembre 1916 |
Kamatayan | 1 Agosto 2002 | (edad 85)
Nasyonalidad | Pilipino |
Nagtapos | Unibersidad ng Pilipinas, University of Iowa |
Parangal | Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas |
Personal na buhay
baguhinPang-apat si Arcellana sa 18 magkakapatid na mag-anak ni Jose Arcellana y Cabaneiro at Epifanio Quino. Nagsimula siyang mag-aral sa Tondo at namulat sa pagsusulát habang nag-aaral sa Tondo Intermediate School; ngunit nahasa lamang ito nang siya'y nag-aral na sa Manila West High School (ngayo'y Mataas na Paaralang Florentino Torres) nang sumanib sa pahayagan ng kanilang paaralan ang The Torres Torch.[1] Pinagpatuloy niya ang kaniyang pagsusulat habang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ikinasal siya kay Emerenciana Yuvienco at nagkaroon ng anim na anak. Ang kaniyang anak na si Juaniyo ay isa ring manunulat at makata.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "The Biography of Francisco Arcellana". PoemHunter.com. Nakuha noong 6 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.