Francisco Santos
Hindi sapat ang kontekstong binibigay ng artikulong ito para sa mga hindi pamilyar sa paksa. Tumulong pagbutihin ang artikulo sa pamamagitan ng mabuting istilo ng panimula. |
Si Dr. Francisco O. Santos (1892 – 1983) ay kinilala dahil sa kanyang malasakit at kontribusyon sa nutrisyon ng mga Pilipino. Siya ang nagsimula at nagbigay diin sa Kamoteng Baging. Siya ay pinarangalan bilang Pambansang Siyentipoko noong 1983.
Francisco Santos | |
---|---|
Kapanganakan | 3 Hunyo 1892 |
Kamatayan | 19 Pebrero 1983 |
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | siyentipiko |
Ipinanganak siya sa Calumpit, Bulacan noong Hunyo 3, 1892. Nagtapos ng Bachelor of Arts (1912) at Masters of Science (1919) sa Unibersidad ng Pilipinas. Noong 1922, tinapos niya ang kanyang doctorate degree mula sa Unibersidad ng Yale sa larangan ng Biochemistry.
Kinilala siyang Pambansang Siyentipiko dahil sa kanyang kontribusyon sa pantaong nutrisyon at agrikultura. Hindi siya malilimutan dahil sa kanyang malaking malasakit para sa kalusugan ng mga Pilipino partikular na mula sa kinakain, lalo na para sa mga ordinaryong manggagagawa at mga lugar na salat sa pangangalaga.
Si Dr. Santos ang nakadiskubre sa kakayahan ng kamoteng baging (sweet potato) bilang anti-beriberi at siyang nagpahayag ng kahalagahan nito. Isa siya sa nagpasimuno ng paghahalaman sa tahanan ng mga prutas at gulay upang mapagkunan ng mga bitamina. Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.