Si Frank McKinney (Nobyembre 3, 1938 – Setyembre 11, 1992) ay isang manlalangoy ng langoy na patalikod (backstroke) mula sa Estados Unidos. Sa paglaon, siya ay naging isang tagapangasiwa o ehekutibo ng isang bangko.

Talambuhay

baguhin

Si McKinney ay ang anak na lalaki ni Frank E. McKinney, dating tserman o tagapangasiwa ng Demokratikong Pambansang Lupon at dating may-ari ng Pittsburgh Pirates ng NL. Si McKinney, ang manlalangoy, ay ang pinakabatang kasapi ng pangkat ng Estados Unidos na nagtakda ng isang rekord na pangdaigdig sa 4x100m na medley relay sa Palarong Pan Amerikano ng 1955. Ang estudyante sa hayskula na noon ay 16 na taon ang gulang ay nanalo rin ng isang medalyang ginto sa 100m na paglangoy na patalikod.

Ipinanganak sa Indianapolis, Indiana, nagsagawa si McKinney ng pagpapakilala ng makabagong mga teknika sa paglangoy sa pamamagitan ng backstroke. Bilang kasunod ni Yoshi Oyakawa bilang pangunahing backstroker ng Estados Unidos, si McKinney ang tagapanimula ng modernong mga paglalangoy na patalikod na nakabaluktot ang mga bisig, kahit na si Oyakawa ay naging ang pinakahuli sa mga gumagamit ng pamamaraan ng paglangoy na may tuwid na bisig. Si McKinney ang pinuno ng isang kahangahangang pangkat ng mga kabataan na nagwagi ng U.S. Nationals for the Indianapolis Athletic Club sa piling nina Mike Troy, Bill Barton, Bill Cass at Allan Sommers. Sa lumaon, lahat sila ay lumangoy sa ilalim ng pangangasiwa ng coach na si Doc Counsilman.

Nagkamit si McKinney ng isang medalyang tanso sa pang-200m na backstroke noong Pangtag-araw na Olimpiko ng 1956 sa Melbourne, Australia,[1] at pagkatapos ay pumasok sa Pamantasan ng Indiana.

Noong Pangtag-araw na Olimpiko ng 1960, nagwagi si McKinney ng medalyang pilak sa pang-100 na metrong backstroke at bahagi siya ng pangkat na pangmedalyang ginto para sa medley relay na may distansiyang 4 x 100m.[1]

Sa kalaunan ng buhay

baguhin

Nagretiro si McKinney mula sa kumpetisyon pagkaraang magtapos ng pag-aaral mula sa Indiana noong 1961 at pumasok sa larangan ng pagbabangko. Siya ang pangulo ng Bank One ng Indiana (dating American Fletcher National Bank), na may pangunahing tanggapan sa Indianapolis kung kailan siya namatay, sa edad na 53, sa pagbabanggaan ng dalawang salimpapaw habang nasa ere noong 1992. Si McKinney ay naglalakbay noon papunta sa Columbus, Ohio na may kasamang 3 pang mga pinunong sibiko, na pumanaw din kasama ang mga piloto ng dalawang sasakyang panghimpapawid.[2][3] Siya ay nakalibing sa Sementeryo ng Crown Hill sa Indianapolis.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Frank McKinney". sports-reference.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-31. Nakuha noong 26 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Indiana plane crashes". Indianapolis Star. 2002-05-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-17. Nakuha noong 2008-06-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Thomas, Robert (13 Setyembre 1992). "Frank McKinney, 53, Ex-Olympic Swimmer, Dies". New York Times. Nakuha noong 26 Abril 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)