Bangko

Imbakan at hiraman ng yaman.
(Idinirekta mula sa Pagbabangko)

Ang bangko o banko ay isang institusyong pampananalapi na tumatanggap ng mga deposito at ginagamit ang mga ito sa mga pagpapautang; na maaaring tuwirang pagpapautang o hindi tuwirang pagpapautang gaya ng sa merkado ng mga kapital. Ang bangko ang nag-uugnay sa mga kliyente o mga namumuhunan na may kakulangang sa puhunan o kapital, at mga kliyente na may labis na puhunan.

1970
Para sa bangko bilang kasangkapan, tingnan ang upuan.

Dahil sa impluwensiya ng mga bangko sa isang sistemang pananalapi at sa ekonomiya, ang mga bangko ay mahigpit na pinamamahalaan sa karamihan ng mga bansa. Karamihan sa mga bangko ay pinapatakbo sa ilalim ng sistemang tinatawag na fractional reserve banking kung saan ay humahawak lang sila nang maliit na reserba ng pondong deposito at ipinauutang ang lahat para sa tubo. Halos lahat ng bangko ay kailangan makamit ang pinakamababang pangangailangang puhunan o kapital na nakabatay sa pandaigdigang pamantayan ng kapital upang kilalanin bilang isang lehitimong bangko, na kilala ngayon bilang Bassel Accords.

Ginagamit din ng mga bangko ang salapi mula sa mga deposito upang mamuhunan sa mga negosyo at magkaroon na mas maraming pang salapi.

Sa karamihan sa makabagong mundo, tinutuos ng pamahalaan ang isang bangko ngunit malaya sa administratibong pagpipigil ng estado sa kung gaano kadaming salapi ang ilalabas sa tinakdang panahon. Tinatawag na pambansang bangko o bangko sentral ang mga ganoong uri ng bangko. Nagpapalabas ang pambansang bangko ng mga karaniwang mga salaping papel at/o mga barya. Sa ibang mga bansa, gawain ng pamahalaan ang pagpapalabas ng salapi.

Nagmula ang salitang "bangko" mula sa Italyanong salita na banca, na hinango mula sa wikang Aleman na nangangahulagang upuan dahil sa simula, nangangalakal ang mga taga-Hilagang Italya na nangungutang ng salapi sa mga bukas na lugar, o malalaking bukas na silid, kasama ang mga nagpapautang na nagtratrabaho sa kanyang sariling mga upuan o mesa. Ang pinakamatandang bangko na hanggang sa kasalukuyan na bukas parin ay itinatag noong 1472.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Jucca, Lisa; Emilio Parodi; Gavin Jones; Sophie Sassard (Marso 9, 2013). "Special Report: Downfall of the world's oldest bank". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Mayo 2013. Nakuha noong 13 Hulyo 2013. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.