Federico II ng Prusya
- Para sa politiko sa Pilipinas, pumunta sa Federico Sandoval II.
- Para sa ibang gamit, tingnan ang Federico II (paglilinaw).
Si Federico II ng Prusya (Ingles: Frederick II of Prussia, Aleman: Friedrich II.; 24 Enero 1712 sa Berlin – 17 Agosto 1786 sa Potsdam), kilala rin bilang Federico II (Frederick II sa Ingles) lamang, ay isang hari ng Prusya (1740–1786) mula sa Kabahayan ng Hohenzollern o Dinastiyang Hohenzollern.[1] Sa kanyang gampanin bilang prinsipeng tagahalal o prinsipe-elektor ng Banal na Imperyong Romano, siya si Federico IV (Ingles: Frederick IV, Aleman: Friedrich IV) ng Brandenburg. Sa unyong personal, siya ang namumunong prinsipe ng Prinsipalidad ng Neuchâtel. Nakilala siya bilang Federico ang Dakila (Ingles: Frederick the Great, Aleman: Friedrich der Große) at pinalayawang Matandang Fritz (Aleman: der alte Fritz, Ingles: "Old Fritz").
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ Si Federico ang ikatlo at huling "Hari ng Prusya"; simula noong 1772, ginamit niya ang pamagat na "Hari ng Prusya".
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.