Malayang software

(Idinirekta mula sa Free software)

Ang malayang software (Ingles: free software) ay ang kalayaan ng isang manggagamit ng software na paganahin o patakbuhin, kopyahin, ipamahagi, pag-aralan, palitan, at pag-igihin ang software. Sa mas tiyak na diwa, tumutukoy ito sa apat na uri ng kalayaan, para sa mga tagagamit ng sopwer:

  • Ang kalayaang paganahin (run) ang program, para sa anumang kadahilanan (kalayaan 0).
  • Ang kalayaang pag-aralan (study) kung ano ang nagagawa ng program, at iayon ito sa iyong mga pangangailangan (kalayaan 1). Kailangan dito ang pagkakaroon ng akseso sa pinanggalingang code o source code.
  • Ang kalayaang muling maipamahagi (redistribute) ang mga kopya para makatulong kayo sa inyong mga kapitbahay (kalayaan 2).
  • Ang kalayaang pag-igihin (improve) pa ang programa, at ibigay sa publiko ang mga pag-papaiging inyong isinagawa, upang ang buong komunidad ay makinabang (kalayaan 3). Kailangan dito ang pagkakaroon ng akses sa pinanggalingang kodigo o source code.

Mga kilalang halimbawa

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kompyuter at Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.