Si Richard Matthew Stallman (RMS; ipinanganak noong Marso 16, 1953) ay isang Amerikanong siyentipiko at aktibistang nagtatag ng kilusan para sa malayang software, ang proyektong GNU, ang Free Software Foundation, at ang Liga para sa Kalayaan ng Programming. Siya ang nagimbento ng kaisipang copyleft upang ipagsanggalang ang mga mithiin ng kilusang ito, at panatilihin ang kaisipan nito sa malawakang paggamit ng GNU General Public License (GPL) para sa software.

Richard Stallman sa LibrePlanet 2019

Bilang isang natatanging programmer, isinulat niya ang maraming software kabilang ang GNU Emacs, GNU C Compiler, at GNU Debugger. Nagsimula siya sa GNU Project noong Enero 5 1984 at itinatag niya ang Free Software Foundation noong Oktubre 1985.

Sumasalungat siya sa di-malayang software, at nagsasalita alang-alang sa malayang software.

Marunung siya ng wikang Ingles, Pranses, Espanyol, at kaunting Indonesian.

Mga panlabas na kawing

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.