Pritong manok

pritong manok
(Idinirekta mula sa Fried chicken)

Ang pritong manok (Ingles: Southern fried chicken o fried chicken lang mismo) ay isang ulam na binubuo ng mga hiwa ng manok na inilubog sa tinimplahang batter at ipiniprito. Malutong ang balat nitong ulam habang pinapanatili sa karne ang mga katas.

Pritong manok na may buttermilk

Ang pinakaunang ulam na kinikilalang ipinrito ay fritter, na sumikat sa Gitnang Kapanahunan sa Europa. Subalit, mga Eskoses ang naging unang taga-Europa na nagprito ng manok sa taba (ngunit walang panimpla). Samantala, ang iilang mga katao sa Kanlurang Aprika ay may mga tradisyon ng tinimplahang pritong manok (sa paglubog sa batter at pagluluto ng manok sa langis ng palma). Pinagsama-sama ang mga pamamaraan sa pagprito ng mga Eskoses at ang mga pamamaraan sa pagtimpla ng mga Kanluraning Aprikano ng mga inaliping Aprikano at Aprikanong-Amerikano sa Timugang Estados Unidos.

Paglalarawan

baguhin
 
Pritong manok sa Paschal's, Atlanta, Georgia

Inilalarawan ang pritong manok bilang "malutong" at "makatas".[1][2] Bilang karagdagang, sinasabing "maanghang" at "maalat" ang ulam na ito.[3] Paminsan-minsan, nilalagyan ito ng sili tulad ng paprika, o maanghang na sarsa para umanghang ang lasa nito.[4] Lalo nang karaniwan ito sa mga fast food restaurant chain tulad ng KFC.[5]

Kilala itong ulam sa pagiging mamantika, lalo na kapag nanggaling ito sa mga fast food outlet.[1] Sa katunayan, iniulat na ang mga ilan sa mga nasisiyahang kumain nito ay naglilimita sa kanilang sarili sa pagkakain nito ng iilang beses lamang sa isang taon, para mapanatiling mababa ang kanilang kinakaing taba.[6] Sa lahat ng mga bahagi ng hayop na ginagamit sa pritong manok, kadalasang pinakamarami ang taba sa mga pakpak, na halos 40 gramo (1.4 oz) ng taba sa bawat 100 gramo (3.5 oz).[7] Gayunman, ang karaniwang buong pritong manok ay naglalaman lamang ng halos 12% taba, o 12 gramo (0.42 oz) sa bawat 100 gramo (3.5 oz).[8] Bilang karagdagan, ang 100 gramo (3.5 oz) ng pritong manok ay karaniwang naglalaman ng halos 240 kaloriya ng enerhiya.[8]

Talaan

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Southern Living's Best Fried Chicken Recipe". NYT Cooking. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Mayo 2016. Nakuha noong 21 Mayo 2016. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Adobo-Fried Chicken Recipe". NYT Cooking. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 16, 2016. Nakuha noong Mayo 21, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Eats, Serious. "The Food Lab: The Best Southern Fried Chicken". www.seriouseats.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Mayo 2016. Nakuha noong 4 Hunyo 2016. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Spicy Fried Chicken With Honey and Pickles". Wall Street Journal. Enero 9, 2014. ISSN 0099-9660. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hunyo 2016. Nakuha noong 21 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Waxman, Olivia B. "KFC Introduces Nashville Hot Chicken". TIME.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Mayo 2016. Nakuha noong 21 Mayo 2016. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Galarneau, Andrew Z. (9 Marso 2011). "Chicken fried right ; When it's time to splurge, Buffalo has its share of restaurants serving crispy fried chicken". The Buffalo News  – via HighBeam (kailangan ang suskripsyon) . Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Oktubre 2016. Nakuha noong 4 Setyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Moisture and fat content Moisture and fat content of extra crispy fried of extra crispy fried chicken skin from breast, thigh, drum and wing" (PDF). ars.usda.gov. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2016. Nakuha noong 21 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 "Chicken, broilers or fryers, light meat, meat and skin, cooked, fried, flour". ndb.nal.usda.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hunyo 2016. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)