Ang Funimation ay isang estasyon ng telebisyon at kompanyang Amerikano na namamahagi ng mga anime at pelikulang Silangang Asyano na nakabase sa Flower Mound, Texas. Ang istudyo ay naging pinakamalaking tagapamahagi ng anime at ibang mga banyagang palabas sa Hilagang Amerika hanggang sa nakahabol ang ibang mga kompanya, tulad ng Sentai Filmworks. Ang kanilang pinakasikat na seryeng palabas ay ang Dragon Ball Z na ginawa ng Toei Animation, kung saan nagkaroon ng matagumpay na pagpapalabas sa block ng Cartoon Network na Toonami mula 1998 hanggang 2003, at muling ipinalabas sa DVD at Blu-ray nang ilang beses. Nagsimula ang Funimation noong Mayo 9, 1994 na itinatag ni Gen Fukunaga at ang kanyang asawa na si Cindy bilang Funimation Productions, kung saan pino-pondohan ito ni Daniel Cocanougher at ng kanyang pamilya, na naging mamumuhunan ng kompanya. Ibinenta ang Funimation sa Navarre Corporation noong Mayo 11, 2005 at pinalitan ang pangalan ng kompanya bilang Funimation Entertainment. Noong Abril 2011, ibinenta ng Navarre ang Funimation sa isang grupo ng mga mamumuhunan kabilang na si Fukunaga sa halagang $24 milyon.[3] Sa parehong taon, ang tatak ng kompanya na bola, bituin at bughaw na baras ay tinanggal mula sa logo at pinalitan ang pangalan bilang Funimation.[4] Noong Mayo 2013, isinama ng Funimation ang lahat ng kanilang dibisyon sa ilalim ng bagong kompanya na Group 1200 Media. Ang Funimation ay ang pinagsamang salitang Ingles na "fun" at "animation".

Funimation
UriPribado
Sabsidyari ng Group 1200 Media[1]
IndustriyaMultimedyang libangan
DyanraAnime
Hapones/Asyanong Sinehan
Banyagang libangan
etc.
ItinatagMayo 9, 1994 bilang Funimation Productions[2]
NagtatagGen Fukunaga
Cindy Fukunaga
Punong-tanggapan,
Pinaglilingkuran
Hilagang Amerika
Pangunahing tauhan
Gen Fukunaga Pangulo/CEO
Mike DuBoise EVP/CCO
MagulangIndependente (1994-2005, 2011-2013)
Navarre Corporation (2005-2011)
Group 1200 Media (2013-kasalukuyan)
SubsidiyariyoGiant Ape Media
GameSamba
Websitefunimation.com

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang kompanya noong Mayo 9, 1994 ng isang negosyanteng Hapones na si Gen Fukunaga.[5] Ang tito ni Fukunaga ay isa sa mga tagagawa ng sikat na seryeng anime na Dragon Ball; nilapitan niya si Gen tungkol sa pagdala ng serye sa Amerika. Pinalagay niya na kung gagawa ng isang kompanyang produksyon si Fukunaga at kumita ng sapat na pera, lilisensyahan ng Toei Animation ang kanilang karapatan para palabasin ang palabas. Nakipagkita si Fukunaga kay Daniel Cocanougher kung saan ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang mill sa [[:en:Decatur, Texas]|Decatur, Texas] at kinumbinsi ang pamilya ni Cocanougher na ibenta ang kanilang negosyo at magsilbing mamumuhunan para sa kanyang kompanya. Ang kompanya ay orihinal na tinatag sa Silicon Valley, California bilang Funimation Productions noong 1994, pero sa bandang huli lumipat din sa Flower Mound, Texas, malapit sa Fort Worth.[6] Nakipagtulungan din sila sa ibang mga kompanya tungkol sa Dragon Ball, katulad ng BLT Productions, Saban Entertainment at Pioneer. Noong 1998, pagkatapos mabigo ng dalawang beses na dalhin ang Dragon Ball na prankisa sa mga manunood ng Estados Unidos, nakahanap naman ito ng tagumpay sa block ng Cartoon Network na Toonami, at mabilis na nakilala ang Dragon Ball sa loob ng Estados Unidos katulad din ng ibang lugar. Dito nagsimulang maglisensya ng ibang anime ang Funimation sa U.S.

Pagbili ng Navarre Corporation

baguhin

Noong Mayo 11, 2005, binili ang Funimation ng Navarre Corporation, na ngayo'y wala na, sa halagang US$100.4 milyon at 1.8 milyong shares ng ari-arian ng Navarre. Bilang parte ng pagbili, ang presidenteng si Fukunaga ay ibinaba mula sa posisyong ulo ng kompanya, patungo sa posisyong CEO, at pinalitan ang pangalan ng kompanya mula Funimation Productions patungong Funimation Entertainment.[7][8]

Noong 2007, lumipat ang Funimation mula North Richland Hills, Texas patungong Flower Mound; dinoble ng pasilidad ang espasyong maaaring magamit ng kompanya, na noo'y nakikihati lamang sa ibang mga nangungupahan.[9] Lumipat ang Funimation sa Lakeside Business District na merong sampung taong pangungupahan.[10]

Pagbili ng Geneon at mga lisensyang ADV

baguhin

Ayon sa isang panayam noong Pebrero 2008 sa CEO ng Navarre Corporation na si Cary Deacon, ang Funimation ay nasa maagang estado ng pakikipagsundo para makakuha ng mga titulo na lisensyado ng Amerikanong debisyon ng Geneon, na itinigil ang lahat ng kanilang operasyon noong Disyembre 2007.[11] Noong Hulyo 2008, kinumpirma ng Funimation na nakakuha sila ng karapatan na ipamahagi ang ilang mga titulo na ginawa ng Geneon, kabilang na ang mga hindi nila natapos pagkatapos nilang itigil ang kanilang operasyon.[12]

Sa Anime Expo noong 2008, inanunsyo ng Funimation na nakakuha sila ng 30 titulo mula sa katalogong Sojitz na dating nakalisensya sa ADV Films.[13]

Noong 2009, ang Funimation ay nakakuha ng karapatan mula sa Toei Animation na ipalabas ang ilan nitong mga seryeng anime online sa pamamagitan ng Funimation website, at Hulu.[14]

Pagbenta ng Navarre, pagsasama ng Nico Nico at ang pagkaka-ayos sa pamamahagi

baguhin

Sa unang kwartel ng 2010, ini-uri ng Navarre Corporation ang Funimation bilang isang "operasyong diskuwento" at sinimulang ihanda ang kompanya para ibenta. Nagpalabas ng isang pahayag ang Navarre noong Abril 2011 na kinukumpirma na ibinenta na nila ang Funimation sa isang grupo ng mga mamumuhunan, kasama ang orihinal na may-ari na si Gen Fukunaga, sa halagang $24 milyon.[3] Ipinagkwentuhan nga na binenta ang Funimation sa mababang halaga (kung saan orihinal itong binili sa halagang $100 milyon ng pera at $15 milyon ng ari-arian noong 2005) kase gusto ng Navarre na mamahagi ng mga gamit na may relasyon sa kanilang produkto, kaso ayaw nila sila'ng gumagawa. Ipinagpatuloy ng Navarre ang pamamahagi ng mga titulo ng Funimation hanggang 2013, kung saan nagsarado ang kompanya.

Noong Oktubre 14, 2011, inanunsyo ng Funimation ang isang permanenteng pagsasama sa Niconico, ang wikang Ingles na bersyon ng Nico Nico Douga, upang mabuo ang tatak na 'Funico' para sa paglisensya sa anime na pang-stream at home video release. Simula sa puntong ito, lahat ng titulong ipinapalabas ng Niconico ay nakuha na ng Funimation.[15]

Noong Hunyo 22, 2015, Ang Funimation at ang Universal Pictures Home Entertainment ay nag-anunsyo ng higit sa isang taong pagsasa-ayos na mamahagi ng home video. Pinapayagan ng pagsasa-ayos ang UPHE na mamahala sa pamamahagi at pagbebenta ng mga titulo ng Funimation.[16] Sisimulan ng Universal na mamahagi ng mga titulo ng Funimation sa Oktubre.[17]

baguhin

Paghinto sa pamimirata

baguhin

Noong 2005, ang kagawarang legal ng Funimation ay naging agresibo na maprotektahan ang mga lisensyadong ari-arian ng kompanya, at nagsimulang magpadala ng mga "cease and desist" (C&D) letters sa mga sites na nagbibigay ng mga links sa mga fansubs ng kanilang mga titulo. Ang ganitong kilos ay pareho sa ginawa ng ngayo'y wala na, na ADV Films noon sa ilang mga sikat na torrent sites.

Ang kagawarang legal ng Funimation ay nagpadala ng mga C&D letters para sa mga seryeng hindi pa inanunsyong lisensyado, tulad ng Tsubasa: Reservoir Chronicle, Black Cat, at SoltyRei, kabilang na ang ilan sa mga sikat na seryeng sinabi sa sulat.[18] Nagpakita pa ang Funimation ng maraming lisenya noong Oktubre 6, 2006 pagkatapos nitong magpadala ng mga sulat sa mga torrent sites na nagdedemanda na ang pamamahagi ng mga seryeng xxxHolic, Mushishi, Ragnarok the Animation, at iba pang serye ay iligal.[19]

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.animenewsnetwork.com/news/2013-05-10/funimation-consolidates-divisions-under-group-1200-media-name
  2. "20 Years of the Best in Anime". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-19. Nakuha noong 2015-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Navarre Corporation Announces Sale Of FUNimation Entertainment". GLOBE NEWSWIRE. 2011-04-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-07. Nakuha noong 2011-04-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Navarre Sells Anime Studio FUNimation". Asia Pacific Arts. 2011-04-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-04-13. Nakuha noong 2015-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Interview with Gen Fukunaga, Part 1". ICv2. 2004-11-01. Nakuha noong 2008-02-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Animerica October 1995 - Sailor Moon Dragon Ball TV Edit News & scans". Practicemakesawesome.com. 2012-05-13. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-31. Nakuha noong 2012-08-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Navarre Corporation Acquires Funimation, and Provides Financial Update and Guidance" (Nilabas sa mamamahayag). Navarre Corporation. 2005-05-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-17. Nakuha noong 2006-07-08.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Navarre Completes Funimation Acquisition" (Nilabas sa mamamahayag). ICv2. 2005-05-12. Nakuha noong 2008-02-08.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Wethe, David (2007-06-07). "Funimation moving headquarters to Flower Mound". Fort-Worth Star Telegram. Nakuha noong 2007-06-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "FUNimation Entertainment scripts HQ move" (PDF). Dallas Business Journal. 2007-06-08. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-02-19. Nakuha noong 2008-06-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Navarre/FUNimation Interested in Some Geneon Titles". ICv2. 2008-02-08. Nakuha noong 2008-02-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "FUNimation Entertainment and Geneon Entertainment Sign Exclusive Distribution Agreement for North America" (Nilabas sa mamamahayag). funimation.com. 2008-07-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-07. Nakuha noong 2008-07-03.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Funimation Picks Up Over 30 Former AD Vision Titles" (Nilabas sa mamamahayag). animenewsnetwork.com. 2008-07-04. Nakuha noong 2008-07-04.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Funimation Adds Toei's Air Master, Captain Harlock - News". Anime News Network. 2009-04-03. Nakuha noong 2012-08-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Funimation, Niconico to Jointly License Anime". Anime News Network. 2011-10-14. Nakuha noong 2012-08-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Funimation and Universal Pictures Home Entertainment Enter Into Multi-Year Distribution Agreement". PR Newswire. 2015-06-22. Nakuha noong 2015-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. https://www.fandompost.com/2015/07/17/funimation-reveals-first-october-2015-anime-releases/
  18. "Funimation Enforces Intellectual Property Rights (ANN)". Nakuha noong 2006-10-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Funimation Sends out Cease & Desist Letters For Multiple Anime (ANN)". Nakuha noong 2006-10-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)