Gỏi cuốn

sariwang lumpiya ng Biyetnam

Ang gỏi cuốn,[1] (IPA[ɣɔj˧˩ kuən˧˦]) o nem cuốn ay isang lumpiyang Biyetnames na binubuo, ayon sa tradisyon, ng baboy, hipon, gulay, bún (bihon), at iba pang sangkap na nakabalot sa bánh tráng (de-galapong na pambalot).[2][3] Di-tulad ng iba pang uri ng lumpiya, na pinaniniwalaang nagmula sa Tsina, isang pambansang likha ang ang gỏi cuốn ng Biyetnam gamit ang bánh tráng.[4][5]

Gỏi cuốn
Gỏi cuốn na sinabayan ng: tương (sawsawan) at sariwang sili
Ibang tawagNem cuốn
KursoPampagana
LugarBiyetnam
Ihain nangTemperatura ng silid
Pangunahing Sangkap
  • Baboy
  • hipon
  • gulay
  • bún
  • bánh tráng

Inihahain nang sariwa ang gỏi cuốn, hindi kagaya ng mga ibang lumpiya na piniprito, tulad ng chả giò na mula rin sa Biyetnam.[6] Inihahain ang mga ito sa temperatura ng silid (o malamig) at hindi iniluluto ang panlabas nito.

Paghahanda

baguhin
 
Isang plato ng gỏi cuốn

Ibinababad ang bánh tráng (papel de-bigas) sa tubig, at inilalatag sa isang plato. Inilalagay sa ibabaw nito ang ninanais na dami ng sangkap. Ang sariwang gỏi cuốn ay inilululon at handa nang kainin. Maaaring ipares sa gỏi cuốn ang tương xào (kilala rin bilang sarsang hoisin), na binubuo ng giniling na tương (tương đen o tương xay) at sabaw ng buko, bago igisa sa bawang at kaunting asukal. Pagkatapos, binubudburan ito ng pinulbos na sili at giniling na mani. Bilang kapalit nito, maaaring ipares ang gỏi cuốn sa anumang sarsang mani o iba pang mga sawsawan sa lutuing Biyetnames, tulad ng nước chấm, isang kondimento na nakabatay sa sarsa ng isda.[7]

Sa Biyetnam at iba pang bahagi ng Timog-silangang Asya, makikita ang mga Biyetnames na gumagawa ng bánh tráng (papel de-bigas) gamit ang kanilang mga kamay at nilalagay nila ang mga ito sa mga hugis-parihaba na tray na de-kawayan sa kani-kanilang mga bahay. Kinaugaliang kainin ang gỏi cuốn kapag marami ang kumakain sa bahay.[8][9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Thaker, Aruna; Barton, Arlene, mga pat. (2012). Multicultural Handbook of Food, Nutrition and Dietetics [Multikultural na Hanbuk ng Pagkain, Nutrisyon at Diyetetika] (sa wikang Ingles). Wiley-Blackwell. p. 171.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Nguyen, Andrea. Into the Vietnamese Kitchen: Treasured Foodways, Modern Flavors [Sa Kusinang Biyetnames: Mga Pinahahalagahang Gawi sa Pagkain, Mga Modernong Lasa] (sa wikang Ingles). p. 32.
  3. Le, Ann. The Little Saigon Cookbook: Vietnamese Cuisine and Culture in Southern California's Little Saigon [Ang Panlutong Aklat ng Munting Saigon: Biyetnames na Lutuin at Kultura sa Munting Saigon ng Timog California] (sa wikang Ingles). p. 56.
  4. Beyond Egg Rolls: 9 Spring Rolls Everyone Should Know About [Higit pa sa Egg Rolls: 9 Lumpiya na Dapat Malaman ng Lahat], Thrillist
  5. VIETNAM: Gỏi Cuốn Vietnamese Spring Rolls are Fresh! (Recipe) [BIYETNAM: Sariwa ang Gỏi Cuốn na Lumpiya ng Biyetnam] (sa wikang Ingles), Will Fly for Food
  6. "Vietnamese Spring Rolls – A Taste for Any Season" [Lumpiyang Biyetnames – Isang Lasa para sa Anumang Panahon]. Vietnam Talking Points (sa wikang Ingles). 2010-07-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2016-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Herman, Michael (2012-03-25). "Vietnamese Summer Rolls - Gỏi Cuốn". New York Food Journal (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Clements, Miles (2010-10-07). "The Find: Dat Thanh in Westminster" [Ang Nahanap: Dat Thanh sa Westminster]. Los Angeles Times (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Jacobson, Max (1997-09-25). "A Real Meal for Under $4? It's True" [Tunay na Ulam na Mas Mura sa $4? Totoo 'To]. Los Angeles Times (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)