G-Dragon
Si Kwon Ji Yong (Korean: 권지용; 18 Agosto 1988), mas kilala bilang G-Dragon (Korean: 지드래곤) ay isang Timog Koreanong rapper, mang-aawit, manunulat ng kanta, mananayaw, producer, modelo, endorser, at fashion icon. Sa edad na 8, siya ay nasa ilalim ng kontrata ng SM Entertainment, ngunit nagpasyang magpalit ng record label. Pagkatapos ng 6 taon bilang trainee ng record label YG Entertainment, siya ay opisyal na nagdebut bilang leader at isa sa mga rapper ng grupong Koreano na Big Bang. Si G-Dragon ay sumusulat ng kanta para sa grupo kabilang ang "Lies", "Last Farewell", at "Haru Haru".
G-Dragon 권지용지드래곤 | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Kwon Ji Yong |
Kilala rin bilang | G-Dragon, GD |
Kapanganakan | Seoul, Timog Korea | 18 Agosto 1988
Genre | Hip hop, K-pop |
Trabaho | Rapper, mang-aawit at manunulat ng awit, prodyuser ng rekord, mananayaw, modelo, nagdidisenyo |
Taong aktibo | 2001–kasalukuyan |
Label | YG Entertainment |
G-Dragon | |
Hangul | 권지용 |
---|---|
Hanja | 權志龍 |
Binagong Romanisasyon | Gwon Ji-yong |
McCune–Reischauer | Kwŏn Chiyong |
Pangalan sa entablado | |
Hangul | 지드래곤 |
Binagong Romanisasyon | Ji deuraegon |
McCune–Reischauer | Chi Tŭraegon |
Kanyang inilabas ang kanyang solo album, Heartbreaker (2009) na naging number one. Ito ay naging isa sa pinakamatagumpay na album ng taon na naibenta ng higit 200,000 kopya at nanalo ng Mnet Asian Music Awards for Album of the Year. Ang Heartbreaker ay pinagbintangan na kinopya lamang mula sa iba. Pagkatapos ng halos isang taonng pamamahinga, sina G-Dragon at T.O.P ay nagcollaborate sa album na GD & TOP (2010). Noong 2012, inilabas ni G-Dragon ang kanyang ikalawang solo album, "One of a Kind," na may mga hit single na "One of a Kind," "Crayon," at That XX." Noong 2013, inilibas niya ang kanyang ikalawang full album sa apat na taon na years Coup D'Etat.
Siya lamang ang napili bilang isa sa "50 Reasons Why Seoul is the Best City" by CNN.[1]
Noong Abril 2013, inilabas niya ang bagong kantang '미치GO' sa LINE. Si G-Dragon ang naging ikalawang miembro ng Big Bang na nagkaroon ng solo debut sa Japan pagkatapos ng solo concert tour ni Daesung. Siya ay nagkaroon ng unang worldwide tour bilang solo artist kabilang ang four-dome tour in Japan.[2]
sanggunian
baguhin- ↑ Frances Cha, Lucy Corne (2011-05-25). "50 reasons why Seoul is the world's greatest city". CNN Go.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Julie Jackson (2013-04-02). "G-Dragon to release debut Japanese solo album". The Korea Herald. Nakuha noong 2 Abril 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)