Ang K-pop (Koreyano: 가요, Gayo) (daglat ng Korean pop) ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop, rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Ang K-pop ay naging popular sa kultura ng mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng mga Koreyano at mga mang-aawit. Sa pamamagitan ng mga Facebook fan pages, iTunes, Twitter, at music videos sa Youtube, ang abilidad ng K-pop na maiparating sa mga dati’y hindi ma-abot-abot na mga tagapakinig sa pamamagitan ng Internet ay naging mas madali. Ang mga ito ay naging daan upang ang K-pop maging isang tampok at popular na kategorya ng musika.

Sa ngayon, ang Timog Korea ay isa sa mga pinakamalaking tagalikha ng contemporary music o pangkasalukuyang musika sa Pasipiko. Ang kanilang popular na kultura ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa contemporary music sa Pasipiko, lalong lalo na sa China, Hong Kong, Japan, Taiwan, at Vietnam. And K-pop ay unti-unting nagkakaroon ng posisyon sa rehiyon, katulad ng posisyon ng musika ng mga Amerikano sa Europa at ng ibang parte ng Kanluran, hanggang sa mga taon ng 1990’s.

Kasaysayan

baguhin

1990s: Pagkabuo at Pagsikat

Ang paglabas ng Seo Tai-ji & Boys sa taong 1992 ang nagsimula ng popular na musika ng Timog Korea, na may pinaghalong rap rock at techno. Popular din noong 1990s ang mga Hiphop duos kagaya ng Deux. Ang pagkabuo ng pinakamalaking industriya ng talento ng Timog Korea, ang S.M. Entertainment, noong 1995 ng isang Koreyanong negosyante na si Lee Soo Man, ay naging daan upang mabuo ang kauna-unahang ¬grupo ng mga babaeng mang-aawit at pati na rin ng mga lalaking mang-aawit. Sa mga huling taon ng 1990s, ang YG Entertainment, DSP Entertainment, at JYP Entertainment ay biglang sumulpot sa industriya at naglabas sa publiko ng madaming-madaming mga bagong talento. Ang mga grupo tulad ng S.E.S., Fin K.L, H.O.T, Sechs Kies, G.o.d., Fly to the Sky at Shinhwa ay naging matagumpay noong 1990s. Sa dekada ring ito sumikat ang hip hop at R&B sa Korea, na nagdulot ng Kasikatan ng mga mang-aawit katulad ng Drunken Tiger.

2000s:Globalisasyon

Ngayon, ang paghubog ng mga talento ang ginagawang estratehiya para sumikat ang mga girl groups, boy bands at solo artists sa industriya ng K-pop. Para masigurado ang mataas na posibilidad ng pagsikat ng isang talent, may mga ahensiyang tumutulong as kanila na nagbabantay at nag-aalaga ng kanilang career, na halos gumagastos ng mahigit $400,000 para lamang makapag-hubog at makapaglabas ng bagong talent sa industriya. Sa pamamagitan ng apprenticeship na ito na umaabot ng dalawang taon o mahigit, gumaganda ang mga boses ng mga talentong ito, natututo sila ng iba’t ibang sayaw, napapaganda ang kabuuan at hugis ang kanilang katawann, at nakakapag-aral ng iba-ibang wika na parang nag-aaral lamang sa paaralan.

Madami na sa mga pinakasikat na mga grupo ng K-pop katulad ng BoA, TVXQ, SS501, BIGBANG, KARA, Girls' Generation, BEAST, MBLAQ, 2PM, Super Junior, SHINee, 2NE1, BTS at EXO, ang nagsismulang pasukin ang industriya ng musika sa Japan. Ang mga kasapi ng mga grupong ito ay nakikipanayam at kumakanta na din ng Hapones.

Ang impluwensiya ng K-pop ay lumalabas na rin sa Asya, katulad ng Amerika, Canada, at Australia. Noong 2001, si Kum Bum Soo ang naging kauna-unahang Koreyanong mang-aawit na nasali sa U.S Billboard Hot 100 Chart sa kanyang kantang “Hello Goodbye Hello”. Noong 2009, ang Wonder Girls, isa sa mga pinakamatagumpay sa industriya ng musika sa Asya, ay napasama din sa Billboard Hot 100 Singles Chart sa kanilang mga kantang “Tell Me”, “So Hot” at “Nobody”. Upang mas mapalaki ang mundo ng K-pop, madami na sa kanila ang nakikipagtrabaho na din sa mga artista ng ibang bansa. Marami ang mga pumupunta sa United States, at kumakanta o sumasayaw kasama ang mga artista ng United States katulad ng Jonas Brothers. Bukod pa rito ay mayroon ding mga nakikipag-usap at nakikipag-kontrata sa mga producers na tulad nina Kanye West, Teddy Rilet, Diplo, Rodney Jerkins, Ludacris, at Will.i.am.

Sa taong 2011, ang K-Pop ay naging popular na sa Hapon, Malaysia, Polonya, Mehiko, Pilipinas, Indonesia, Thailand, Taiwan, Singapore, Pransya, Irlanda, Tsina, Canada, Brazil, Tsile, Colombia, Arhentina, Rusya, Espanya, Alemanya, Suwesya, Romania, Kroasya, Australia, Vietnam, United Kingdom at Estados Unidos.

(Isinalin sa tagalong mula sa: K-pop)

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Mga kaugnayang panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.