Gomburza

(Idinirekta mula sa GOMBURZA)

Ang Gomburza ay isang daglat – o pinagsama-samang piniling mga bahagi ng pangalan – para sa tatlong martir na paring Pilipinong sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote na wala man lamang abugado noong Pebrero 17, 1872 ng mga Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Nag-iwan ang kanilang pagkabitay ng mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino, lalo na kay Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Inihandog ni Rizal ang kaniyang nobelang El Filibusterismo para magsilbing alaala sa tatlong paring ito.[1]

Ang mga paring Pilipinong sina Mariano Gómez, José Burgos at Jacinto Zamora.
Tanda kung saan hinatulan ang Gomburza sa Liwasang Rizal

Mga sanggunianBaguhin

  1. "Nationalista Party History". Tinago mula sa orihinal noong 2007-06-27. Nakuha noong 2007-07-30.




    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.