Gaara
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Marso 2007)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
'Si Gaara ay isang kathang-isip na tauhan sa anime at manga series na Naruto. Mas kilala siyang bilang Gaara of the Sand sa Viz translation, Gaara of the Desert sa English anime, at Sabaku no Gaara (砂瀑の我愛羅, Gaara of the Sand Waterfall) sa Wikang Hapon. (Sabaku 砂瀑 ibig sabihin "Buhangin", pero mas kilala siyang bilang Hari ng mga taga-Disyerto.)
Gaara | |
---|---|
Unang paglitaw |
Kabanata 35 ng Naruto manga |
Binosesan ni |
Hapon Akira Ishida[1] Ingles Liam O'Brien[2] |
Profile | |
Mga kamag-anak | Temari (sister) Kankuro (kapatid na lalaki) |
Ranggo ng Ninja |
Genin sa Unang Bahagi Ikalimang Kazekage sa Ikalawang Bahagi |
Pangkat ng Ninja |
Anak na lupa sa Unang Bahagi |
Ang kakayahan o kapangyarihan ni Gaara ay napapalibot sa paggamit ng buhangin. Kaya niyang pagkilusin ang buhangin sa kahit anong direksiyon. Laging daladala ni Gaara ang kanyang higanteng gourd kung saan nakatago ang buhangin na kanyang madalas gamitin sa pakikipaglaban. Nabasbasan na ng kanyang chakra ang mga buhanging ito kung kaya't masmabilis niya itong nakokontrol. Maliban sa kapangyarihang buhangin,taglay din ni Gaara ang halimaw na nagtataglay ng isang buntot o ang tinatawag na Shukaku. Tulad ni Uzumaki Naruto,nakakulong ito sa kanyang katawan at dati ring nagdulot ng kaguluhan sa mga bayan ng ninja. Ipinakulong ito ng kanyang ama sa tulong ni Chiyo, upang gamitin sa pakikipaglaban sa ibang mga bayan ng ninja. Ngunit nang malaman ng ama ni Gaara na siya'y maaaring bumaligtad at magdulot ng kapahamakan sa sariling bayan,lingid siyang ipinapatay. Hindi nagtagumpay ang nais ng amang Kazekage at nagdulot ng masamang hangarin kay Gaara ang plano ng ama kaya ganuon na lamang ang galit nito sa mundo at sa ibang mga tao. Sa pagsusulit ng Chuunin,nagtuos sina Uzumaki Naruto at Gaara. Dito naipamalas ng dalawa ang taglay nilang mga kapangyarihan. Sabay silang bumagsak sa labanan ngunit dito naipahiwatig ni Naruto ang kahalagahan ng isang samahan at ng pagmamahal. Mula noon,sinikap ni Gaara na makilala bilang isang karapat-dapat na tagapagmana ng kanyang amang Kazekage. May nakasulat na salitang-tsino sa may noo ni Gaara na ang ibig-sabihin ay Pagmamahal. Mayroon ding dalawang kapatid si Gaara na sina Kankuro at Temari. Sila ang gumagabay at tumutulong kay Gaara sa pakikipagsapalaran.
Sa Ikalawang yugto ng serye o kilala sa tawag na Naruto:Shippuuden, si Gaara ang pumalit sa kanyang ama(na ipinapatay ni Orochimaru) bilang Kazekage ng Bayan ng Buhangin(Sand Village).
Talababa
baguhin- ↑ Studio Pierrot (27 Pebrero 2003). "名乗れ!現れた強敵たち!!". Naruto. Episode 21. TV Tokyo.
{{cite episode}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Studio Pierrot (28 Enero 2006). "Identify Yourself: Powerful New Rivals". Naruto. Episode 21. Cartoon Network.
{{cite episode}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.