Gabi (panahon)
Ang gabi ay ang oras ng kadiliman sa paligid mula sa paglubog hanggang pagsikat ng araw[1] sa panahon ng bawat 24-oras ng isang araw, nang ang Araw ay nasa baba ng horisonte. Nagsisimula at nagtatapos ang gabi depende sa lokasyon at nag-iiba sa buong taon, batay sa mga kadahilanan tulad ng pana-panahon at latitud.
Maari gamitin din ang salita sa isang kahulugang panlipunan bilang ang oras sa pagitan ng oras ng pagtulog at umaga. Sa karaniwang komunikasyon, isa itong paalam (kadalasang pinapahaba bilang "magandang gabi"), na kadalasang sinasabi kapag matutulog na o aalis.[2]
Araw ang kabaligtaran ng gabi (tinatawag ang araw na may liwanag bilang daytime sa wikang Ingles, upang ipagkaiba ito sa "araw' na tumutukoy sa panahong 24-oras). Tinatawag na "bukang-liwayway" o "madaling araw" ang panahon ng gabi pagkatapos sumikat ang araw, samantalang, tinatawag na "takipsilim" o "pag-aagaw-dilim" ang panahon ng gabi pagkatapos ng paglubog ng araw. Sa mga panahong ito, lumiliwanag pa rin ang Araw sa kalangitan kapag nasa ibaba ng horisonte. Sa kahit anumang binigay na oras, may liwanag ng araw ang isang banda ng Daigdig, habang ang kabilang banda ay nasa kadiliman na nangyayari sa pagharang ng Daigdig ng liwanag ng araw. Ang pinakagitnang bahagi ng anino ay tinatawag na umbra (o pusikit na anino), kung saan pinakamadilim ang gabi.
Tinatawag na magdamag ang buong gabi na maghapon ang kabaligtaran na tumutukoy sa buong araw.
Epekto sa buhay
baguhinPanlipunan
baguhinIpinamalas ang unang di-nagbabagong bombilya (o elektrikong liwanag) noong 1835.[3] Habang napabuti ang artipisyal na liwanag, lalo na pagkatapos ng Rebolusyong Industriyal, tumaas ang aktibidad tuwing gabi at naging bahagi na ng ekonomiya sa karamihan ng mga lugar. Maraming mga establisamiyento, tulad ng mga nightclub, bar, convenience store (kumbiyenteng tindahan), restawrang fast-food (mabilisang pagkain), gasolinahan, pasilidad sa pamamahagi, at istasyon ng pulis ay tumatakbo na ngayon ng 24 oras o bukas hanggang sa 1 o 2 a.m. Kahit walang artipisyal na liwanag, ang liwanag ng buwan ay kadalasang ginagawang posible ang paglakbay o pagtrabaho sa labas tuwing gabi.
Ang nightlife (o buhay sa gabi) ay isang kolektibong katawagan para sa paglilibang na mayroon at pangkalahatang mas popular sa gabi hanggang sa mga unang oras ng umaga.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ibinatay mula sa The Scribner-Bantam English Dictionary, Revised Edition (Ang Diksiyunaryong Ingles ng Scribner-Bantam, Edisyong May-Pagbabago), Edwin B. Williams (general editor [patnugot-panlahat]), Bantam Books (Mga Librong Bantam), Setyembre 1991, may 1078 na mga dahon, ISBN 0553264966 (sa Ingles)
- ↑ "Definition of good night". merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-12-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Matulka, Rebecca; Wood, Daniel (Nobyembre 22, 2013). "The History of the Light Bulb". Department of Energy. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-25. Nakuha noong 25 Mayo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nightlife – Definition of nightlife by Merriam-Webster". merriam-webster.com (sa wikang Ingles).