Ang Gamergate, tinatawag din bilang GamerGate, pinauuna ng "#" upang makabuo ng isang hashtag, ay isang iskandalo na kinasasangkutan ng mga mundo ng larong bidyo. [1] Iba't-ibang pahayagan ay nagsasabi ng mga paratang ng pagkiling ng media at kawalan ng etika ng mga mamamahayag.[2] Sa partikular, ang alitan ng interes ay hindi masyadong naiuulat dahil sa ugnayan sa pagitan ng mga mamamahayag at mga bumubuo ng mga larong bidyo. Ilang mga personalidad sa labas ng mundo ng larong bidyo tulad nina Julian Assange[3] at Adam Baldwin[4] ay nagbibigay ng suporta para sa kampanya para sa integridad ng mga mamamahayag.

Nagsimula ang kontrobersya nang lumathala si Eron Gjoni ng mga akusasyon laban sa kanyang dating kasintahan na si Zoe Quinn, isang tagabuo ng larong bidyo. Inaakusa ni Gjoni si Quinn ng kawalan ng kaangkupan sa kanilang propesyonal na puwang kapalit ng publisidad para sa kanilang bagong laro, Depression Quest, na inilabas noong Agosto 11, 2014 sa pamamagitan ng Steam. Nailathala ni Gjoni ang kanyang mga pahayag sa The Zoe Post[5] limang araw pagkatapos ilabas ang Depression Quest. Kotaku, ang kompanya kung saan nagtatrabaho si Nathan Grayson (isa sa mga nasasangkot sa mga alegasyon), ay nagsiyasat ng mga salaysay tungkol kay Quinn at nagpahayag na hindi nangyari ang alitan ng interes. Pagkatapos nito, ang komunidad na gamer ay nagsimulang bumuo ng sama ng loob kaugnay sa etika at pamantayan ng ilang mga manunulat ng tanyag na mga website, na lumaki nung nalaman nila na ilan sa kanila ay nag-ambag ng pera sa mga tagabuo ng larong bidyo kung saan sila o ang mga laro nila ay ang kanilang paksa, kasama si Quinn.[6]

Kabilang sa iba pang mga paksa ng talakayan ay ang pinaghihinalaang pag-atake sa pagkakakilanlan ng 'gamer' bilang isang direktang resulta ng paglalathala ng isang serye ng mga artikulo na umaangkin na patay na ang kanilang pagkakakilanlan, at ang pagtaas ng pamumuwersa ng ilang pangkat na maka-panlipunang katarungan sa mga tagabuo ng larong bidyo at kanilang mga prosesong mapanlikha.

Mga sanggunian

baguhin

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Gamergate ng Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

  1. Erik Kain (Setyembre 4, 2014). "GamerGate: A Closer Look At The Controversy Sweeping Video Game". Forbes. Nakuha noong Setyembre 7, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Morris, Ricky (Setyembre 9, 2014). "Time is running out for console makers to clean up GamerGate". DigiTimes. Nakuha noong Setyembre 21, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Wikileaks wades into #GamerGate, says Nato as corrupt as video games journalism". New Statesman. Setyembre 16, 2014. Nakuha noong Setyembre 21, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Winnett, Sean (Setyembre 21, 2014). "Both Sides of the Screen: Adam Baldwin Talks #GamerGate". APGNation. Nakuha noong Setyembre 21, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Eron Gjoni. "thezoepost". Nakuha noong Setyembre 21, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Dulis, Noah (Setyembre 9, 2014). "GamerGate: Why Gaming Journalists Keep Dragging Zoe Quinn's Sex Life into the Spotlight". Breitbart. Nakuha noong Setyembre 21, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)