Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?

Ang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? ay isang romantiko, pangmusikang pelikulang Pilipino na napanalunan ng mga gawad mula sa FAMAS at Gawad Urian na nasa ayos ng kapanahunan ng pananakop ng Kastila. Ito ay nasa direksiyon ni Eddie Romero, ang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula noong 1977 at gumanap sina Christopher De Leon at Gloria Diaz.

Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?
DirektorEddie Romero
PrinodyusDennis Juban
SumulatEddie Romero
Roy C. Iglesias
Itinatampok sinaChristopher De Leon
Gloria Diaz
MusikaLutgardo Labad
SinematograpiyaJusto Paulino
In-edit niBen Barcelon
TagapamahagiHemisphere Pictures, Inc.
Inilabas noong
25 Disyembre 1976 (1976-12-25)
Haba
125 minuto
BansaPilipinas
WikaFilipino

Ito ay isang pelikulang pangkapanahunan na naghahayag ng katanungan ng kakilanlan ng Pilipino sa panahon ng dalawang digmaan—laban sa Espanya at laban sa Amerika.[1]

Mga tauhan

baguhin

Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagsiganap Ginampanan bilang
Christopher De Leon Nicolas 'Kulas' Ocampo
Gloria Diaz Diding
Eddie Garcia Don Tibor
Leopoldo Salcedo
Dranreb Belleza Bindoy
Jaime Fabregas
Rosemarie Gil
E.A. Rocha Padre Gil
Tsing Tong-Tsai Lim
Johnny Vicar

Ang barong-barong na naging bahay ni Kulas (De Leon) ay nasunog dahil sa ito ay kanyang napabayaan. Nang siya ay mapilitang lisanin ang bukid upang maghanap ng pansamantalang matitirhan, nakatagpo siya ng isang paring Kastila (Rocha) na may mga pinagtataguang magnanakaw. Nagkakilala ang dalawa. Matapos isakdal ng pari si Kulas at mapalatiguhan ito, nakipagbati ang pari kay Kulas at nakiusap na hanapin ang kanyang anak sa labas na si Bindoy (Belleza) sa Maynila. Matapos magawa ito at sa kanilang daan patungo sa lungsod ay nakatagpo sina Kulas at ang bata ng isang naglalakbay na samahan ng mga gumaganap sa dula. Napaibig si Kulas sa punong tauhan na si Diding (Diaz) datapwa't hindi niya naipahayag ang kanyang pag-ibig at kinakailangan na niya ring tumuloy sa Maynila para sa kasamang bata. Kailangan na ring humayo ng pangkat.

Sa tulong ng nakilala niyang Intsik na mangangalakal na si Lim (Tsing), nadala ni Kulas ang bata sa Maynila na sakay ng bangka. Pinatnubayan din siya ni Lim sa paglibot ng bayan. Matapos mahatid ang bata ay naligaw siya hanggang sa makatagpo niya uli si Diding na kasal na noon sa isang mestisong Kastila na si Don Tibor (Garcia).

Napagkamalan si Kulas ng mga tanod na Kastila na siya ay isang tulisan. Ikinulong siya nguni't nakatakas sa tulong ng kapwa bilanggo na nahatulan ng pagkabitay. Ang Maynila naman ay nagkakagulo simula ng dumating ang mga Amerikano. Naalis ang pamamahala ng Kastila at napagpasiyahan ni Kulas na makita uli si Diding sa huling pagkakataon. Nang ito ay matupad ay umalis si Kulas at inilahad ang kanyang hinaharap at pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.[1]

Mga gawad

baguhin

Gawad FAMAS

baguhin
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1977
Nanalo
Pinakamahusay na Aktor
Christopher De Leon

Pinakamahusay na Musika
Lutgardo Labad

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Leopoldo Salcedo
Nanomina
Pinakamahusay na Direktor
Eddie Romero

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon
Laida Lim-Perez
Peque Gallaga

Pinakamahusay na Pelikula

Gawad Urian

baguhin
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1977
Nanalo
Pinakamahusay na Direksiyon
Eddie Romero

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon
Laida Lim-Perez
Peque Gallaga

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula
Eddie Romero
Roy C. Iglesias

Pinakamahusay na Pelikula
Nanomina
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor
Christopher De Leon

Pinakamahusay na Editing
Ben Barcelon

Pinakamahusay na Sinematograpiya
Justo Paulino

Pinakamahusay na Musika
Lutgardo Labad

Pinakamahusay na Tunog
Demetrio de Santos

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Dranreb Belleza

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
E.A. Rocha

Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila

baguhin
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1976
Nanalo
Pinakamahusay na Aktor
Christopher De Leon

Pinakamahusay na Direksiyon sa Sining
Laida Lim-Perez
Peque Gallaga

Pinakamahusay na Direktor
Eddie Romero

Pinakamahusay na Musika
Lutgardo Labad

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula
Eddie Romero
Roy C. Iglesias

Pinakamahusay na Pelikula

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 L. Sicat, CCP Encyclopedia of Phil. Art, Vol. VIII (Phil. Film), p. 156

Mga panlabas na kawing

baguhin
  • Ganito kami noon... paano kayo ngayon? sa Datobaseng Pelikula ng Internet
  • Database of Philippine Movies: Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon
  • The Cubao Post: Ganito Kami Noon…Paano Kayo Ngayon
  • Hernando, Mario A (27 Hulyo 2011). "25 Most Memorable Films". The Philippine Star. Nakuha noong 28 Hulyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]