Gloria Diaz
Nangangailangan po ng karagdagang sanggunian ang talambuhay na ito para masiguro po ang katotohanan nito. (Enero 2023)
Malaking tulong po kung mapapabuti niyo po ito sa pamamagitan po ng pagdagdag ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad pong tatanggalin ang mga impormasyong walang kaakibat na sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni, lalo na po kung mapanirang-puri po ito. Binigay na dahilan: wala |
Si Gloria María Aspillera Díaz-Daza o mas kilala bilang si Gloria Diaz ay ang kauna-unahang babaeng Pilipina na naguwi ng korona ng Miss Universe noong 1969 na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong 19 Hulyo 1969. Siya rin ay isang sikat at matagumpay na aktres sa Pilipinas.
Gloria Diaz | |
---|---|
Kapanganakan | Gloria Maria Aspillera Diaz 4 Abril 1951 |
Trabaho | Aktres, modelo |
Aktibong taon | 1969–kasalukuyan |
Tangkad | 5 tal 5 pul (165 cm)[2] |
Titulo | Binibining Pilipinas Universe 1969 Miss Universe 1969 |
Kinakasama | Mike de Jesus [3] |
Anak | 3 [4] |
Beauty pageant titleholder | |
Hair color | Dark Brown |
Eye color | Brown |
Major competition(s) | Binibining Pilipinas 1969 (Winner- Binibining Pilipinas Universe 1969) Miss Universe 1969 (Winner) (10 Best in Swimsuit) |
Mula sa kanyang pagkapanalo, limang taon muna ang nakalipas bago niya naisipang pumasok sa mundo ng pag-aartista. Sa una niyang pelikula, ginampanan niya ang karakter ni Isabel sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1975. Ito ang kanyang pinakaunang pelikulang ginawa kasama sina Vic Vargas na kanyang katambal at si Elizabeth Oropesa bilang kontrabida.
Kapanganakan
baguhinIpinanganak sa Ilokos at kabilang sa 12 na anak nina Jaime Diaz at Teresa Aspillera. Si Rio Diaz na isa sa kanyang mga kapatid ay naging isa ring artista at minsan na ring lumaban sa patimpalak nang pagandahan. Nagkaroon ito ng kanser sa kolon at namatay matapos ang kanyang paglaban sa sakit.
Kapatid
baguhinPamangkin
baguhinPersonal na Buhay
baguhinSa kasalukuyan, mayroong dalawang anak na babae si Gloria Diaz kay Bong Daza na sina Isabelle Daza na isang sikat na aktres at si Ava Daza. Mayroon din silang kinupkop na lalaki na si Raphael at mayroon na silang dalawang apo dito.
Miss Universe 1969
baguhinNoong 19 Hulyo 1969, itinanghal si Gloria Diaz bilang kauna-unahang babaeng Pilipina na nagwagi at tanghaling Miss Universe. Ito'y ipinasa sa kanya ni Martha Vasconcellos ng Brasil, Miss Universe 1968. Ito'y ginanap sa Miami Beach Auditorium, Miami Beach, Florida, Estados Unidos na nilahukan ng 61 na kandidata mula sa iba't ibang panig ng daigdig.
Pilmograpiya
baguhinTelebisyon
baguhinPelikula
baguhinTaon | Titulo | Papel | Kompanya |
2019 | Unbreakable | Star Cinema | |
2013 | Kung Fu Divas | Charlotte's Adopted Mother | Star Cinema Reality Entertainment |
2012 | Sisterakas | Maria Laurel | Star Cinema Viva Films |
The Mommy Returns | Mabel | Regal Films | |
2008 | Ang Tanging Ina N'yong Lahat | Pres. Hillary Dafalong | Star Cinema |
2007 | Sakal, Sakali, Saklolo | Charito | |
2006 | Kasal, Kasali, Kasalo | ||
2005 | Nasaan Ka Man | Lilia | |
2004 | So Happy Together | Daisy | Regal Films |
2003 | Nympha | Nana Issa | |
2002 | Batang Westside | Hinabing Pangarap Jimon Productions | |
Milagro's Calling | Milagro | Chardonnay Films | |
2001 | Bakit 'Di Totohanin | Isabel | Star Cinema |
2000 | Bob, Verushka and the Pursuit of Happiness | Botanica Vendor | Angelina Productions |
1999 | Dahil May Isang Ikaw | Nanay Ruby | Viva Films |
1998 | Jose Rizal | Teodora Alonzo | GMA Films |
Miguel/Michelle | Tinang | Forefront Films | |
1997 | Kirot sa Puso | ||
Reputasyon | |||
1996 | Dyesebel | Banak | Viva Films |
1990 | Trese | ||
Love at First Sight | |||
Island of Desire | Regal Films | ||
Sagot ng Puso | Seiko Films | ||
1989 | My Pretty Baby | Chiara/Biata | Regal Films |
1988 | Sa Likod ng Kasalanan | ||
1987 | Working Girls 2 | Viva Films | |
1986 | Ang Daigdig ay Isang Butil na Luha | ||
Anomalya ni Andres de Saya | Matilde | Golden Lions Films Bukang Liwayway | |
1985 | Menudo't Pandesal | Essex Films | |
Sa Totoo Lang! | Amy | Viva Films | |
Lalakwe | Bea Vergo | Essex Films | |
1984 | Goatbuster | Lea Productions RVQ Productions | |
Moomoo | |||
May Daga sa Labas ng Lungga | Ellen Rivas | Essex Films | |
May Lamok sa Loob ng Kulambo | |||
1982 | Andres de Saya Mabagsik na Daw | Matilde | Golden Lions Films Bukang Liwayway |
Cinq et la Peau | Bancom Audiovision G.P.F.I. Les Films de l'Alma Forum Distribution | ||
1981 | Palabra de Honor | Victoria | Viva Films |
Uhaw na Dagat | Magda | Bancom Audiovision | |
1979 | Andres de Saya | Matilde | Golden Lions Films Bukang Liwayway |
Ikaw ang Miss Universe Nang Buhay Ko | |||
1977 | Sinong Kapiling? Sinong Kasiping? | Hemisphere Pictures | |
1976 | Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon | Diding | |
1975 | Andalucia | Dolores | LEA Productions |
Sa Pag-ikot ng Mundo | Roma Films | ||
Ang Nobya Kong Sexy | Lea Productions | ||
1974 | Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa | Isabel | Gemini Films |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Philippines, Manila, Civil Registration, 1899–1984 Image Philippines, Manila, Civil Registration, 1899–1984; ark:/61903/3:1:939F-VT9T-Z3 — FamilySearch.org". Nakuha noong Disyembre 30, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "(All Winners Bio & Height) All Winners of Miss Universe Since The Very Beginning of This Contest". fabweb.org. Nakuha noong Disyembre 25, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://www.pep.ph/news/local/71929/gloria-diaz-proud-of-21-year-relationship-with-her-partner
- ↑ https://www.rappler.com/entertainment/news/202584-gloria-diaz-isabelle-ava-daza-video
- ↑ "Did you know? Gloria Diaz will appear on Netflix show 'Insatiable'". ABS-CBN News. Mayo 3, 2019. Nakuha noong Mayo 3, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.