Miss Universe Philippines

Ang Miss Universe Philippines ay isang patimpalak ng kagandahan at organisasyon na pumipili ng opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.[1]

The Miss Universe Philippines
Motto"Confident, beautiful, and empowered Filipinas"
PagkakabuoDisyembre 2019; 5 taon ang nakalipas (2019-12)
Uri
Punong tanggapanBonifacio Global City, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Kinaroroonan
Kasapihip
Miss Universe
Wikang opisyal
Franchise Holder
Empire Philippines Holdings, Inc.
National Director
Ariella Arida
Creative Director
Jonas Gaffud
Director of Communications
Voltaire Tayag
Websitewww.missuniverseph.com

Kasaysayan

baguhin

Mula 1952 hanggang 1963, ang prangkisa ng Miss Universe ng Pilipinas ay hawak ng Miss Philippines. Ang mga nagwagi mula 1952 hanggang 1955 ay idineklara sa pamamagitan ng mga balota, at hindi naganap ang kompetisyon mula 1960 hanggang 1961.[2]

Miss Universe Philippines sa ilalim ng Binibining Pilipinas

baguhin

Mula 1964 hanggang 2019, ang Binibining Pilipinas ang may hawak ng prangkisa para sa Miss Universe, kung saan responsable ito sa pagpili ng mga Pilipinang kakatawan sa Pilipinas at sasabak sa taunang Miss Universe pageant.[3] Sa ilalim ng Binibining Pilipinas, ang mga kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant ay kinoronahan sa ilalim ng titulong Binibining Pilipinas mula 1964 hanggang 1971, at Binibining Pilipinas-Universe mula 1972 hanggang 2011.[4] Noong 2012, pinalitan ang titulong Binibining Pilipinas Universe sa Miss Universe Philippines. Unang ibinigay ang titulo kay Janine Tugonon noong Binibining Pilipinas 2012, at mula 2013 hanggang 2019, ibinibigay ang titulo sa nagwagi sa kompetisyon.[5]

Noong Enero 2019, inanunsyo ng dating gobernador ng Ilocos Sur at negosyanteng si Luis "Chavit" Singson na nasa kanya na ang prangkisa ng Pilipinas para sa Miss Universe. Gayunpaman, nanatili pa rin ang titulong Miss Universe Philippines sa ilalim ng Binibining Pilipinas.[6][7] Ang Binibining Pilipinas 2019 ang tanging edisyon ng Binibining Pilipinas kung saan nagtulungan ang bagong tatag na Miss Universe Philippines Organization sa ilalim ng LCS Group at ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI).[7]

Paghihiwalay mula sa Binibining Pilipinas

baguhin

Noong Disyembre 2019, opisyal na ipinagkaloob ang prangkisa ng Miss Universe sa Pilipinas sa isang bagong organisasyon kasama ang Binibining Pilipinas-Universe 2011 at Miss Universe 2011 3rd runner-Up na si Shamcey Supsup-Lee bilang pambansang direktor at ang Binibining Pilipinas-Universe 2006 na si Lia Andrea Ramos bilang Women Empowerment Chair, na nagbibigay daan para sa paglikha ng bagong Miss Universe Philippines Organization. Sa ilalim ng bagong organisasyon, isang hiwalay na pageant ang responsable para sa pagpili ng mga kokoronahan bilang Miss Universe Philippines mula noong taong 2020.[8][9]

Nanatili si Supsup-Lee bilang pambansang direktor hanggang sa taong 2023 nang palitan siya ni Jonas Gaffud bilang pambansang direktor para sa taong 2024 ng Miss Universe Philippines. Noong 16 Pebrero 2025, sa kasagsagan ng press presentation para sa Miss Universe Philippines 2025, inanunsyo si Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida bilang ang bagong pambansang direktor ng Miss Universe Philippines.[10]

Kompetisyon

baguhin
 
Ang mga kandidata ng Miss Universe Philippines 2022

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

2020-2023

baguhin

Noong 25 Enero 2020, inilunsad ng Miss Universe Philippines Organization ang Accredited Partner Programme, kung saan maaaring magpadala ng isang kandidata ang bawat lalawigan at lungsod sa pamamagitan ng isang accredited partner.[11][12] Tinatanggap pa rin ang mga walk-in na kandidata na siyang dadaan sa final screening. Ang mga kandidatang nakapasok sa final screening ay kukupkupin ng isang accredited partner bilang kandidata ng isang lokalidad.[11][13] Ginamit pa rin ang Accredited Partner Programme sa mga sumunod na edisyon, ngunit hindi na ito gaanong isinakatuparan. Noong 14 Hulyo 2021, isang bagong pormat ang inilunsad ng organisasyon kung saan isang-daang kandidata ang sasabak sa iba't-ibang mga hamon kung saan ang mga ito ay mababawasan mula sa pitumpu't-lima, limampu, at hanggang sa tatlumpu na lamang ang matitira. Ang tatlumpung kandidata lamang ang lumahok sa paunang kompetisyon at sa gabi ng koronasyon. Kaparehas din ang nangyari sa sumunod na taon kung saan limampu kandidata ang napili upang sumabak sa iba't-ibang hamon upang matukoy ang tatlumpu't-dalawang kandidata na magpapatuloy sa pinal na kompetisyon.

Tinanggal ang ganitong klase ng eliminasyon noong 2023 kung saan lahat ng apatnapung kandidatang inanunsyo ay siyang didiretso na rin sa pinal na kompetisyon. Sa kaparehong edisyon din unang tinanggap ang mga ina, at mga babaeng kasal na upang lumahok sa kompetisyon.

2024-kasalukuyan

baguhin

Ilang pagbabago sa pagpili ng mga kandidata ang inanunsyo noong 11 Abril 2023 sa isang press presentation para sa Miss Universe Philippines na ginanap sa Marquis Events Hall sa Taguig. Ipinakilala sa kaganapang ito ang bagong Accredited Partners Program kung saan iba't-ibang mga accredited partner mula sa iba't-ibang mga lokalidad sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang mabibigyan ng prangkisa upang magsagawa ng kanilang lokal na Miss Universe Philippines pageant. Ang magwawagi sa lokal na kompetisyon ay awtomatikong magiging kandidata sa Miss Universe Philippines.[14][15] Ito ay kaiba sa Associated Partners Program na inilunsad noong 2020 kung saan tumatanggap dadaan pa sa isang final screening ang mga kandidatang kinoronahan o niluklok ng mga Associated Partner.[16]

Bukod pa rito, noong Setyembre 2023, sa kasagsagan ng Tanner Fletcher show sa New York Fashion Week, inanunsyo ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel na napagdesisyunan ng Miss Universe Organization na tanggalin na ang age restriction para sa mga kandidatang edad 18 pataas simula sa ika-73 edisyon ng Miss Universe.[17][18] Dahil dito, maaari na ring lumahok ang mga kandidatang edad 18 pataas sa Miss Universe Philippines, pati na rin ang mga babaeng kasal na o may anak na.

Mga korona

baguhin
Ang koronang Filipina, na suot ni Miss Universe Philippines 2021, Beatrice Gomez (kaliwa) at ang koronang La Mer en Majesté, na suot ni Miss Universe Philippines 2024, Chelsea Anne Manalo (kanan)
  • Filipina (2020-2021) - Angkop na pinangalanan bilang Filipina, isang pambabaeng anyo ng salitang "Filipino", ang korona ay ginawa ng pamilyang Villarica mula sa Bulacan, isang sikat na pamilyang Pilipino ng mga alahero na kilala sa kanilang sikat na Villarica Pawnshop Chain. Ang mga elemento ng korona ay sumasalamin sa mga katangian, adhikain, pagpapahalaga, at simbolo ng mga Pilipino. Ang pag-ikot ng mga dahon ay kumakatawan sa bawat babaeng naglalayong magtagumpay sa "iba't ibang anyo" ngunit pinananatili pa rin ang "mga pagpapahalagang Pilipino sa kanilang mga puso"; ang brilyanteng nakabaon sa bawat dahon ay nagpapahiwatig ng "kislap" sa buhay ng mga tao na nakakaharap ng bawat babae; ang mga gintong South Sea pearls ay kumakatawan sa apat na kahalagahan ng pagkamalikhain, katalinuhan, optimismo, at takot sa Diyos; ang sapiro, rubi, at topasyo ay may uliran sa bughaw, pula, at dilaw na kulay ng watawat ng Pilipinas.[19][20]
  • La Mer en Majesté (2022-) - Angkop na isinalin na "The Sea in Majesty", habang ang korona ay nagbibigay pugay sa dagat para sa "siya ang reyna ng mga elemento". Nakabaon sa korona ang mga gintong South Sea pearls, ang pambansang hiyas ng Pilipinas, na kumakatawan sa "isang maningning na simbolo ng maayos na relasyon sa pagitan ng tao at kalikasan, na kumukuha ng diwa ng mga Pilipino". Ang korona ay ginawa ng Pranses-Pilipinong mang-aalahas na Jewelmer.[21]

Mga may hawak ng titulo

baguhin
Taon Lokalidad Kandidata Edad[a] Pagkakalagay Mga espesyal na parangal
2020 Lungsod ng Iloilo Rabiya Mateo[22][23] 24 Top 21
2021 Lungsod ng Cebu Beatrice Luigi Gomez[24][25] 26 Top 5
2022 Pasay Silvia Celeste Cortesi[26][27] 25
2023 Makati Michelle Daniella Dee[28][29] 28 Top 10
  • Best National Costume
  • Voice For Change (Gold Winner)
  • Spirit of Carnival Award
  • Fan Vote Winner
2024 Bulacan Chelsea Anne Manalo[30][31] 24 Top 30
  • Best National Costume
  • Miss Universe Asia

Galeriya ng mga nagwagi

baguhin

Mga tala

baguhin
  1. Edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "New Miss Universe Philippines pageant launches 2020 search". ABS-CBN News. 16 Disyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Disyembre 2019. Nakuha noong 1 Setyembre 2021.
  2. Lo, Ricky (12 Pebrero 2010). "Misses RP for Miss U pageant, 1952-'63". Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2025. Nakuha noong 4 Oktubre 2022.
  3. "LOOK BACK: The Binibining Pilipinas legacy through the decades". Rappler. December 11, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 12, 2020. Nakuha noong Nobyembre 11, 2020.
  4. "Miss Universe Philippines crown no longer with Binibining Pilipinas". Rappler. 9 Disyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Disyembre 2019. Nakuha noong 10 Disyembre 2019.
  5. "Last year's runner-up crowned 2012 Bb Pilipinas Universe". Rappler. 15 Abril 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Nobyembre 2024. Nakuha noong 1 Setyembre 2021.
  6. "Chavit says PH franchise of Miss Universe already with him". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 13 Enero 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Enero 2025. Nakuha noong 28 Enero 2025.
  7. 7.0 7.1 "Chavit Singson 'excited' to work with Araneta Group in 'developing Miss Universe' in PH". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 25 Pebrero 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2025. Nakuha noong 28 Enero 2025.
  8. "Shamcey Supsup to lead 'fresh' Miss Universe PH organization". ABS-CBN News. December 9, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2024. Nakuha noong September 1, 2021.
  9. Villano, Alexa (30 Enero 2020). "What you need to know about the Miss Universe Philippines Organization". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2025. Nakuha noong 28 Enero 2025.
  10. Adina, Armin P. (16 Pebrero 2025). "Ariella Arida is new Miss Universe Philippines national director". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2025. Nakuha noong 20 Pebrero 2025.
  11. 11.0 11.1 "Now, Provinces and Highly Urbanized Cities Can Send Official Representatives to Miss Universe Philippines Through Accredited Partners". Miss Universe Philippines (sa wikang Ingles). 25 Enero 2020. Nakuha noong 4 Pebrero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Facebook.
  12. Villano, Alexa (30 Enero 2020). "What you need to know about the Miss Universe Philippines Organization". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2025. Nakuha noong 4 Pebrero 2024.
  13. "Miss Universe Philippines wraps up final screening for candidates". The Filipino Times (sa wikang Ingles). 2 Pebrero 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Pebrero 2024. Nakuha noong 4 Pebrero 2024.
  14. Adina, Armin P. (12 Abril 2023). "Miss Universe Philippines introduces new partnership programs". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Oktubre 2024. Nakuha noong 10 Hunyo 2023.
  15. Adina, Armin P. (16 Agosto 2023). "No more screenings for 2024 Miss Universe PH pageant". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2024. Nakuha noong 26 Agosto 2023.
  16. "LOOK: Miss Universe Philippines shares photo of beauty queen hopefuls during final screening". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2 Pebrero 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Nobyembre 2024. Nakuha noong 27 Enero 2024.
  17. Carballo, Charlie (12 Setyembre 2023). "Exclusive: Miss Universe R'Bonney Gabriel Announces the End of Age Restrictions for the Miss Universe Pageant at Tanner Fletcher's NYFW Show". Women's Wear Daily (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Disyembre 2024. Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  18. Alpad, Christina (13 Setyembre 2023). "Miss Universe pageant to remove age limit beginning 2024". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2024. Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  19. Madarang, Catalina Ricci (21 Oktubre 2020). "Yay or nay? Miss Universe Philippines 'Filipina' crown design thrills beauty pageant fans". Interaksyon. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Pebrero 2025. Nakuha noong 28 Enero 2025.
  20. "LOOK: Miss Universe Philippines reveals crown for 2020 pageant". GMA News Online (sa wikang Ingles). 20 Oktubre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2021. Nakuha noong 12 Marso 2025.
  21. Viernes (19 Abril 2022). "Miss Universe Philippines unveils its La Mer en Majesté crown". GMA News Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2025. Nakuha noong 25 Enero 2025.
  22. "Rabiya Mateo ends Miss Universe journey". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 17 Mayo 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Nobyembre 2021. Nakuha noong 1 Setyembre 2021.
  23. "Rabiya Mateo concludes Miss Universe 2020 journey in top 21". Rappler (sa wikang Ingles). 17 Mayo 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Mayo 2024. Nakuha noong 31 Marso 2022.
  24. "Beatrice Luigi Gomez bows out in the Top 5 of Miss Universe, fails to make Top 3". GMA Network (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Nobyembre 2024. Nakuha noong 13 Disyembre 2021.
  25. Lachica, Immae (13 Disyembre 2021). "Bea Gomez makes MU mark, ends in the top 5 with Pintados-inspired evening gown". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Nobyembre 2024. Nakuha noong 31 Marso 2022.
  26. "Pasay's Celeste Cortesi is Miss Universe Philippines 2022". Rappler (sa wikang Ingles). 30 Abril 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hulyo 2024. Nakuha noong 30 Abril 2022.
  27. "Philippines' Celeste Cortesi finishes Miss Universe 2022 journey early". Rappler (sa wikang Ingles). 15 Enero 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2024. Nakuha noong 15 Enero 2023.
  28. Adina, Armin P. (14 Mayo 2023). "Michelle Dee of Makati crowned Miss Universe Philippines 2023". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Pebrero 2024. Nakuha noong 14 Mayo 2023.
  29. Requintina, Robert (19 Nobyembre 2023). "PH bet Michelle Dee ends Miss Universe 2023 journey in the Top 10". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hulyo 2024. Nakuha noong 21 Nobyembre 2023.
  30. Iglesias, Iza (23 Mayo 2024). "Bulacan's Chelsea Anne Manalo wins Miss Universe Philippines 2024". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2025. Nakuha noong 23 Mayo 2024.
  31. "Chelsea Manalo named first Miss Universe Asia: 'Mabuhay ang Pilipinas'". GMA News Online. 17 Nobyembre 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Nobyembre 2024. Nakuha noong 12 Marso 2025.
baguhin