Chelsea Anne Manalo

Si Chelsea Anne Manalo (ipinanganak noong 14 Oktubre 1999) ay isang Pilipinang modelo at beauty pageant titleholder na kinoronahang Miss Universe Philippines 2024. Siya ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2024 pageant na gaganapin sa Mehiko.[1]

Chelsea Anne Manalo
si Manalo noong 2024
Kapanganakan
Chelsea Anne Manalo

(1999-10-14) 14 Oktubre 1999 (edad 25)
Meycauayan, Bulacan, Pilipinas
Trabaho
  • Modelo
  • beauty pageant titleholder
Tangkad1.70 m (5 ft 7 in)
TituloMiss Universe Philippines 2024
Beauty pageant titleholder
Hair colorItim
Major
competition(s)
Miss Universe Philippines 2024
(Nanalo)
Miss Universe 2024
(iaanunsyo)

Nauna na ring sumabak si Manalo sa Miss World Philippines 2017 kung saan siya nagtapos bilang isa sa mga labinlimang semi-finalist.[2]

Buhay at pag-aaral

baguhin

Ipinanganak si Manalo sa Meycauayan sa isang Amerikanong ama at isang Pilipinang ina na si Contessa Manalo. Matapos ang pagkamatay ng kanyang ama, siya ay pinalaki ng kanyang ina at amáng-panguman.[3] Nagsimulang magtrabaho si Manalo bilang isang modelo sa edad na labing-apat, at unang nagsimula ang kanyang karera sa pageantry bilang isang mag-aaral sa edukasyong sekundarya.[4][5] Natamo ni Manalo ang kanyang Bachelor's Degree sa Tourism Management sa De La Salle Araneta University.[6]

Mga paligsahan ng kagandahan

baguhin

Miss World Philippines 2017

baguhin

Noong 2017, lumahok si Manalo sa Miss World Philippines 2017 pageant.[7] Sa pagsisimula ng pageant, pinangalanan siya ng Rappler bilang isang kandidatang "dark horse", na nagbibigay ng papuri sa kanyang pagrampa.[5][8] Sa mga fast-track event, hinirang si Manalo bilang isang pinalista para sa Top Model challenge, na pinalanunan ni Cynthia Thomalla.[5][9] Sa gabi ng koronasyon na ginanap noong 3 Setyembre 2017, nagtapos si Manalo bilang isa sa mga labinlimang semi-finalist para sa korona, na napanalunan ni Laura Lehmann.[10]

Miss Universe Philippines 2024

baguhin

Noong 19 Pebrero 2024, ipinakilala si Manalo bilang isa sa limampu't-limang kandidata na lumahok sa Miss Universe Philippines 2024; siya ang kumatawan sa lalawigan ng Bulacan.[11] Kasunod ng kanyang pagpapakilala, pinangalanan siya ng Mega bilang isa sa sampung kandidata sa kompetisyon na "dapat abangan", na naglalarawan sa kanya bilang isang "kandidatang handang gumawa ng isang rebolusyon".[12] Sa pagsisimula ng komeptisyon, pinuna si Manalo online dahil sa pagsama ng construction site ng Paliparang Pandaigdig ng Bulacan sa kanyang tourism video para sa kompetisyon, na napapailalim sa problemang pangkalikasan.[13][14]

Sa gabi ng koronasyon, napabilang si Manalo sa limang pinalista, kung saan tinanong siya: "Maganda ka at may tiwala sa sarili. Paano mo gagamitin ang mga katangiang ito para bigyang kapangyarihan ang iba?". Siya ay tumugon: [15]

As a woman of color, I have always faced challenges in my life. I was told that beauty has standards. But for me, I have listened to always believe in my mother, to always believe in myself, and uphold the vows that I have. Because of these, I am already influencing a lot of women who are facing me right now. As a transformational woman, I have here 52 other delegates with me who have helped me to become the woman I am.[15]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Michelle Dee si Manalo bilang Miss Universe Philippines 2024.[16] Siya ang unang kandidatang Afro-American na Pilipinang napili para kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe.[17][18][19]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abad, Ysa (22 Mayo 2024). "Bulacan's Chelsea Manalo is Miss Universe Philippines 2024". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Meet Chelsea Manalo, Miss Universe Philippines 2024". PEP.ph (sa wikang Ingles). 23 Mayo 2024. Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Chelsea Manalo and mom overwhelmed after Miss Universe Philippines 2024 win". GMA Network (sa wikang Ingles). 23 Mayo 2024. Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Uson, Melanie (23 Mayo 2024). "Get to know Chelsea Manalo, a youth advocate who was crowned Miss Universe Philippines 2024". Philstar Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Umakyat patungo: 5.0 5.1 5.2 Villano, Alexa (2 Setyembre 2017). "Miss World Philippines 2017 predictions: Who will win the crown?". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hunyo 2023. Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Bulacan's Chelsea Manalo is first black Miss Universe Philippines". BusinessWorld Online (sa wikang Ingles). 23 Mayo 2024. Nakuha noong 24 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "LOOK: Miss World Philippines 2017 candidates officially announced". GMA News Online (sa wikang Ingles). 29 Hulyo 2017. Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Villano, Alexa (2 Setyembre 2017). "Miss World Philippines 2017 predictions : Who will win the crown?". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Tantiangco, Aya (3 Setyembre 2017). "Here are the fast track events winners of Miss World Philippines 2017". GMA News Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Abril 2023. Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Villano, Alexa (3 Setyembre 2017). "FULL LIST: Winners, Miss World Philippines 2017". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Nobyembre 2023. Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Jusay, Annalyn S. (19 Pebrero 2024). "Miss Universe Philippines 2024 presents 55 candidates". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Mayo 2024. Nakuha noong 23 Mayo 2024. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Castelo, Sean III (21 Pebrero 2024). "10 Miss Universe Philippines 2024 Candidates to Look Out For". MEGA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Villanueva, Angelica; Adriatico, Abigail (13 Abril 2024). "Miss Universe Philippines – Bulacan 2024 raises eyebrows for tourism video featuring airport development site in the province". Manila Standard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Abril 2024. Nakuha noong 22 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Garcia, Nechole Jayne (8 Abril 2024). "MUPH Bulacan faces backlash over tourism video featuring airport development site". Philstar Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Umakyat patungo: 15.0 15.1 Mallorca, Hannah (23 Mayo 2024). "TRANSCRIPT: Miss Universe Philippines 2024 Top 5 Q&A segment". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Afinidad-Bernardo, Deni Rose M. "'Bulacan Barbie' becomes first Filipino-Black American to win Miss Universe Philippines". Philstar.com. Nakuha noong 2024-05-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Iglesias, Iza (23 Mayo 2024). "Bulacan's Chelsea Anne Manalo wins Miss Universe Philippines 2024". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Afinidad-Bernardo, Deni Rose M. (23 Mayo 2024). "'Bulacan Barbie' becomes first Filipino-Black American to win Miss Universe Philippines". Philippine Star. Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Concepcion, Eton B. (23 Mayo 2024). "First Black Filipina crowned Miss Universe Philippines 2024". Manila Standard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)