Miss Universe
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Nobyembre 2019)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Ang Miss Universe ay isáng taunang pandaigdigang patimpalak ng kagandahan na pinamamahalaanan ng Miss Universe Organization.[1] Kasama ng Miss World, Miss International, at Miss Earth, ang Miss Universe ay isá sa apat na pinakamalaking patimpalak ng kagandahan sa mundo, na may tinatayang may mahigit 500 milyong manonood sa mahigit 190 teritoryo.[2] Ang Telemundo ay may karapatan sa paglilisensya upang ipalabas ang kompetisyon hanggang 2023, at ipinapalabas din ang kompetisyon sa NBC at Telemundo.[3]
![]() Logo ng Miss Universe pageant | |
Motto | Beautifully Confident |
---|---|
Pagkakabuo | 28 Hunyo 1952 |
Uri | Beauty pageant |
Punong tanggapan | New York City, New York |
Kinaroroonan | |
Wikang opisyal | Wikang Ingles |
Mahahalagang tao |
|
Parent organization | JKN Global Group |
Kaugnayan | JKN Metaverse Inc. |
Badyet | US$100 million (annually) |
Website | MissUniverse.com |
Kasalukuyang pagmamay-ari ng JKN Global Group ang Miss Universe Organization.[4][5] Ang adbokasiya ng patimpalak ay "mga suliraning pantao at isang boses na magdudulot ng positibong pagbabago sa daigdig". Ang kasalukuyang Pangulo ng Miss Universe Organization ay si Paula Shugart, at ang kasalukuyang CEO ng organisasyon ay si Amy Emmerich.[6]
Ang kasalukuyang Miss Universe ay si R'Bonney Gabriel ng Estados Unidos, na kinoronahan noong Enero 14, 2023 sa New Orleans, Estados Unidos.[7][8]
Kasaysayan Baguhin
Ang titulong "Miss Universe" ay unang ginamit sa International Pageant of Pulchritude noong 1926. Ginaganap taon-taon ang kompetisyong ito hanggang 1935 nang dumating ang Matinding Depresyon at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagamat nagsilbing modelo at inspirasyon ang patimpalak na ito sa kasalukuyang Miss Universe pageant, ang kasalukuyang pageant ay walang direktang kaugnayan sa naunang Miss Universe.[9][10]
Ang kasalukuyang Miss Universe pageant ay itinatag noong 1952 ng Pacific Knitting Mills, isang kumpanya ng damit na nakabase sa California na siyang tagagawa ng Catalina Swimwear. Isponsor ng Miss America pageant ang kumpanya hanggang 1951, noong tumangging mag-pose para sa publicity picture si Miss America 1951 Yolande Betbeze habang suot ang kanilang damit panlangoy.[11][12] Ginanap sa Long Beach, California ang kauna-unahang Miss Universe Pageant na may 30 kalahok.[13] Ito ay napalanunan ni Armi Kuusela ng Pinlandiya, na binitawan ang kanyang titulo, bagama't hindi opisyal, upang magpakasal sa negosyanteng Pilipino na si Virgilio Hilario, ilang linggo bago matapos ang kanyang panunungkulan bilang Miss Universe.[14][15] Mula 1952 hanggang 1958, ang titulo ng Miss Universe ay nakapetsa sa taon pagkatapos ng paligsahan, kaya ang titulo ni Kuusela noon ay Miss Universe 1953. Kalaunan ay nakuha ng Kayser-Roth Corporation ang kompetisyon mula sa Pacfic Knitting Mills.[16]
Unang ipinalabas sa telebisyon ang pageant noong 1955. Noong 1960, sinimulang ipalabas sa CBS ang pinagsamang Miss USA at Miss Universe pageant, at noong 1965 bilang magkahiwalay na paligsahan. Kalaunan, binili ng Gulf+Western Industries ang Kayser-Roth noong 1975 na siyang naging may-ari ng Miss Universe hanggang 1991 noong binili ito ng Procter & Gamble.[16] Noong Oktubre 24, 1996, binili ng negosyanteng Amerikano na si Donald Trump ang Miss Universe mula sa ITT Corp. na siyang nagmamay-ari ng Miss Universe mula noong Mayo ng kaparehong taon.[17][18] Noong 1998, pinalitan ang pangalan ng Miss Universe Inc. sa Miss Universe Organization, at inilipat ang punong-tanggapan nito mula sa Los Angeles sa Lungsod ng New York. Nagpatuloy ang CBS sa pagsasahimpapawid ng mga kompetisyon hanggang 2002 noong pumasok si Trump sa isang joint venture kasama ang NBC, na siyang nilagpasan ang iba pang mga merkado para sa karapatang isahimpapawid ang mga pageant sa ilalim ng Miss Universe Organization.[19] Isinahimpapawid ng NBC sa Estados Unidos ang pageant mula 2003 hanggang 2014.
Noong Hunyo 2015, kinansela ng NBC ang lahat ng mga pakikipagsosyo nito kay Trump at sa Miss Universe Organization kasunod ng mga kontrobersyal na pahayag ni Trump tungkol sa mga iligal na imigrante mula sa Mehiko na tumawid sa hangganan ng Estados Unidos.[20][21] Bilang bahagi ng legal na kasunduan, binili ni Trump ang 50% tulos ng NBC sa kumpanya noong Setyembre 2015. Pagkalipas ng tatlong araw, ibinenta niya ang buong kumpanya sa WME/IMG.[22][23] Kasunod ng pagbabago ng pagmamay-ari, ang Fox at Azteca ay inanunsyo bilang mga opisyal na tagahimpapawid ng Miss Universe at Miss USA.[24] Sa kasalukuyan, ang pangulo ng Miss Universe Organization ay si Paula Shugart, na hawak ang posisyong ito mula noong 1997. Noong Enero 2022, itinalaga si Amy Emmerich bilang CEO ng Miss Universe Organization.[6][25]
Mga nagwagi kamakailan Baguhin
Taon | Bansa/Teritoryo | Nagwagi | Pambansang Titulo | Lokasyon | Bilang ng Kandidata |
---|---|---|---|---|---|
2022 | Estados Unidos | R'Bonney Gabriel | Miss USA | New Orleans, Estados Unidos | 83 |
2021 | Indiya | Harnaaz Sandhu[26] | Miss Diva | Eilat, Israel | 80 |
2020 | Mehiko | Andrea Meza[27] | Mexicana Universal | Hollywood, Estados Unidos | 74 |
2019 | Timog Aprika | Zozibini Tunzi | Miss South Africa | Atlanta, Estados Unidos | 90 |
2018 | Pilipinas | Catriona Gray | Miss Universe Philippines | Bangkok, Taylandiya | 94 |
Mga tala Baguhin
Mga sanggunian Baguhin
- ↑ Tadena, Nathalie (2 Hulyo 2015). "Donald Trump's Miss USA Pageant Lands on Reelz Cable Channel". The Wall Street Journal (sa wikang Ingles). ISSN 0099-9660. Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ Chandran, Rina (12 Disyembre 2018). "Transgender, indigenous contestants in historic Miss Universe pageant". Reuters (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ Villafañe, Veronica (3 Nobyembre 2019). "Miss Universe Returns To Telemundo After 5-Year Absence". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ Bundel, Ani (17 Disyembre 2018). "Miss Universe is the only major beauty pageant worth watching. Here's why". NBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ "JKN Global Group acquires Miss Universe Organization from IMG". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 26 Oktubre 2022. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
- ↑ 6.0 6.1 Bracamonte, Earl D. C. (15 Agosto 2022). "Romania vows to return in 2023 after Miss Universe 2022 pull out". Philippine Star. Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ "Miss USA R'Bonney Gabriel crowned Miss Universe 2022". NBC News (sa wikang Ingles). 15 Enero 2023. Nakuha noong 15 Enero 2023.
- ↑ "USA's R'Bonney Gabriel is Miss Universe 2022". Rappler (sa wikang Ingles). 15 Enero 2023. Nakuha noong 15 Enero 2023.
- ↑ Kim, Soo (16 Disyembre 2021). "Miss World and Miss Universe are not the same—beauty pageants explained". Newsweek (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ Leighton, Heather (15 Mayo 2017). "A look back when Galveston hosted the International Pageant of Pulchritude in the 1920-30s". Houston Chronicle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ "Miss America who wouldn't appear in swimsuit is finally in from the cold". Toledo Blade (sa wikang Ingles). 14 Setyembre 1995. pa. 6. Nakuha noong 5 Disyembre 2022.
- ↑ Roberts, Sam (26 Pebrero 2016). "Yolande Betbeze Fox, Miss America Who Defied Convention, Dies at 87". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ Lo, Ricky (30 Setyembre 2016). "The first (1952) Miss U pageant". Philippine Star. Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ Lo, Ricky (28 Hunyo 2006). "A misty-eyed look at Armi Kuusela, the 1st Miss Universe". Philippine Star. Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ Santos, Aries (27 Enero 2017). "A brief history of the Miss Universe pageant". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.
- ↑ 16.0 16.1 "Trump's Miss Universe Gambit". The New Yorker (sa wikang Ingles). 19 Pebrero 2018. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
- ↑ Roura, Phil; Siemaszko, Corky (23 Oktubre 1996). "Trump seducing beauty contests". Daily News (sa wikang Ingles). pa. 247. Nakuha noong 3 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ Davis, Mark (24 Oktubre 1996). "Trump says he bought beauty pageants". The Philadelphia Inquirer (sa wikang Ingles). pa. 24. Nakuha noong 3 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ Rutenberg, Jim (22 Hunyo 2002). "Three Beauty Pageants Leaving CBS for NBC". The New York Times (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong 11 Oktubre 2016. Nakuha noong 3 Enero 2023.
- ↑ Stanhope, Kate (29 Hunyo 2015). "NBC Cuts Ties With Donald Trump Over "Derogatory Statements," Pulls Miss USA and Miss Universe Pageants". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2017. Nakuha noong 3 Abril 2023.
- ↑ "NBCUniversal cuts ties with Donald Trump". CNN Money (sa wikang Ingles). 29 Hunyo 2015. Tinago mula sa orihinal noong 3 Abril 2023. Nakuha noong 29 Hunyo 2015.
- ↑ "Trump Sells Miss Universe Organization to WME-IMG Talent Agency". The New York Times (sa wikang Ingles). 15 Setyembre 2015. Tinago mula sa orihinal noong 4 Pebrero 2016. Nakuha noong 3 Abril 2023.
- ↑ Nededog, Jethro (14 Setyembre 2015). "Donald Trump sells the Miss Universe Organization". Business Insider (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong 6 Mayo 2016. Nakuha noong 3 Abril 2023.
- ↑ "Miss Universe and Miss USA Pageants to Air on Fox". TV Insider (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong 12 Pebrero 2016. Nakuha noong 3 Abril 2023.
- ↑ Foley, Emily L. (12 Enero 2023). "Meet the New Miss Universe Organization". InStyle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Abril 2023.
- ↑ "India's Harnaaz Sandhu wins Miss Universe 2021". NRI Affairs (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 26 Hunyo 2022.
- ↑ "Meet The New Miss Universe: Software Engineer Andrea Meza of Mexico". Bloomberg (sa wikang Ingles). 17 Mayo 2021. Nakuha noong 26 Hunyo 2022.