R'Bonney Gabriel
Si R'Bonney Nola Gabriel (ipinanganak noong 20 Marso 1994) ay isang Amerikanang modelo, fashion designer, at beauty pageant titleholder na nanalo bilang Miss USA 2022, at kalaunan bilang Miss Universe 2022.[1][2] Si Gabriel ang kauna-unahang Miss USA na may lahing Pilipino, at ikasiyam na Amerikana at ang pinakamatandang nanalo bilang Miss Universe.
R'Bonney Nola Gabriel | |
---|---|
Kapanganakan | R'Bonney Nola Gabriel 20 Marso 1994 |
Edukasyon | University of North Texas (BFA) |
Trabaho |
|
Tangkad | 170 cm (5 tal 7 pul) |
Titulo | Miss Texas USA 2022 Miss USA 2022 Miss Universe 2022 |
Beauty pageant titleholder | |
Hair color | Brown |
Eye color | Hazel |
Major competition(s) | Miss Texas USA 2021 (1st runner-up) Miss Texas USA 2022 (Nanalo) Miss USA 2022 (Nanalo) Miss Universe 2022 (Nanalo) |
Buhay at pag-aaral
baguhinIpinanganak si Gabriel sa Houston, Texas sa isang Pilipinong ama na si Remigio Bonzon "R. Bon" Gabriel at isang inang Amerikana na si Dana Walker. Lumaki siya sa Lungsod ng Missouri, at kalaunan ay lumipat sa Friendswood kasama ang kaniyang tatlong nakakatandang kapatid na lalaki.[3][4] Ipinanganak ang kaniyang ama sa Maynila, at kalaunan ay nandayuhan sa estado ng Washington sa edad na 25. Siya ay nakakuha ng degree sa sikolohiya sa Unibersidad ng Houston, at nagtatag ng isang talyer.[5] Ang kanyang ina ay ipinanganak sa Beaumont, Texas.[6]
Nagtapos si Gabriel sa University of North Texas kung saan siya ay nakakuha ng degree sa fashion design na may minor sa fibers.[7][8] Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang fashion designer at isang modelo.[9]
Mga paligsahan ng kagandahan
baguhinNagsimulang sumali sa mga patimpalak ng kagandahan si Gabriel noong 2020 nang siya ay sumali sa Miss Kemah USA 2020 at nagtapos bilang isa sa mga limang pinalista.[10] Lumahok siya sa Miss Texas USA 2021 bilang Miss Harris County at nagtapos bilang first runner-up kay Miss McAllen Victoria Hinojosa.[11] Kalaunan ay lumahok si Gabriel sa Miss Texas USA 2022 at nagwagi. Siya ang kauna-unahang Miss Texas USA na may lahing Pilipino.[12]
Miss USA 2022
baguhinBilang Miss Texas USA, si Gabriel ang kumatawan sa Texas sa Miss USA 2022.[12] Naganap ang Miss USA 2022 pageant sa Grand Sierra Resort sa Reno, Nevada noong 3 Oktubre 2022.[13] Mula sa limampu't-isang kandidata, napabilang si Gabriel sa Top 16 na sumabak first impressions, at sa Top 12 na sumabak sa swimsuit at evening gown competition.
Pagkatapos ng evening gown competition, napabilang si Gabriel bilang isa sa limang pinalista na lumahok sa question and answer round. Itinanong ni Soo Yeon Lee kay Gabriel: "Global studies indicate that women are increasingly seen as more vulnerable to the impacts of climate change. You are asked to create a task force to help address this issue, what is your first priority?", kung saan ipinarating niya:
"Yes, well I think there [are] ways we can implement, addressing climate change within our careers or our lifestyle. It's as easy as adding a recycle bin to your house, everybody can do that, or being creative in ways you can also implement it in your job. I am a fashion designer, I actually made the outfit I'm wearing, and I upcycle pieces and recycle different clothing to be more sustainable in my industry because I feel it's like my duty. So I think that's something we can all look for ways in our certain industries or [in] our homes to be sustainable as well."
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Elle Smith si Gabriel bilang Miss USA 2022.[14] Matapos makoronahan bilang Miss USA, lumitaw ang mga alegasyon na ang kumpetisyon ay nilinlang para manalo si Gabriel. Sinasabing naglakbay si Gabriel sa Nizuc Resort and Spa sa Cancún ilang linggo matapos makoronahan si Gabriel bilang Miss Texas USA at nakapag-shoot ng mga promotional material, na na-post ng Instagram account ng resort nang wala pang dalawampu't-apat na oras pagkatapos ng kompetisyon.[15] Isa ang Nizuc sa mga isponsor ng Miss USA noong naging national director ng Miss USA at Miss Teen USA si Miss USA 2008 Crystle Stewart noong taong 2020. Parehas na hindi nakadalo sa retreat ng mga kandidata ng Miss USA 2022 sa Cancún sina Gabriel at Miss Colorado USA 2022 Alexis Glover dahil hindi pa nakokoronahan ang dalawa nang maganap ang nasabing retreat.[16] Sa isang panayam ng E! News, pinabulaanan ni Gabriel ang mga haka-hakang may daya ang kompetisyon.[17]
Miss Universe 2022
baguhinBilang Miss USA 2022, si Gabriel ang kumatawan sa Estados Unidos sa Miss Universe 2022. Ang kompetisyon ay ginanap noong 14 Enero 2023 sa New Orleans, Louisiana sa Estados Unidos.[18][19] Mula sa walumpu't-tatlong kalahok, napabilang si Gabriel sa Top 16 na sumabak sa swimsuit competition at sa evening gown competition.[20] Sinuot ni Gabriel para sa evening gown competition ang isang itim na deep neckline shoulder gown na dinisenyo ni Rian Fernandez, isang taga-disenyong Pilipino.[21]
Pagkatapos ng evening gown competition, napabilang si Gabriel sa limang pinalista na lalahok sa question and answer round. Ang tinanong sa kanya ay "Miss Universe recently made an inclusive change allowing mothers and married women to compete this year. What's another change you'd like to see and why?", kung saan ipinarating niya:[22]
"For me, I would like to see an age increase because I am 28 years old and that is the oldest age to compete. And I think it's a beautiful thing. My favorite quote is, ‘If not now then when.’ Because as a woman, I believe age does not define us. It's not tomorrow, it's not yesterday, but it's now. The time is now that you can go after what you like."
Pagkatapos ng question and answer round, napabilang si Gabriel sa tatlong pinalista na lalahok sa final question round. Ang tinanong sa kanya ay “If you win Miss Universe, how would you work to demonstrate this as an empowering and progressive organization?”, kung saan ipinarating niya:[23]
"Well, I would use it to be a transformational leader. As a very passionate designer, I’ve been sewing for 13 years, I use fashion as a force for good. In my industry, I’m cutting down on pollution through recycling materials when I make my clothing. I teach sewing classes to women that have survived from human trafficking and domestic violence. And I say that because it is so important to invest in others, invest in our community and use your unique talent to make a difference. We all gave something special, and when we plant those seeds to other people in our life, we transform them and we use that as a vehicle for change."
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Harnaaz Sandhu ng Indiya si Gabriel bilang Miss Universe 2022. Si Gabriel ang kauna-unahang Miss USA na may lahing Pilipino, ikasiyam na Amerikana, at ang pinakamatandang nanalo bilang Miss Universe sa edad na dalawampu't-siyam.[24] Siya rin ang ikalimang Miss Universe na may kaangkanang Pilipino.[25]
Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Miss Universe 2022, nakapaglakbay si Gabriel sa mga bansang Indonesya, Taylandiya, Malaysia, Biyetnam, Pilipinas, Guwatemala, Olanda, Timog Aprika, Honduras, Belis, Mehiko, Pransiya, El Salvador, at ang kanyang sariling bansang Estados Unidos.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "USA's R'Bonney Gabriel is Miss Universe 2022". Rappler (sa wikang Ingles). 15 Enero 2023. Nakuha noong 15 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Su, Amanda (4 Oktubre 2022). "For the first time, Texas represented by Asian American women in Miss USA and Miss America pageants". ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Oktubre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maines, Don (23 Setyembre 2022). "How R'Bonney Gabriel, first Filipina American to win Miss Texas, is readying for shot at Miss USA". Houston Chronicle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fountain, Ken (15 Enero 2023). "Missouri City native R'Bonney Gabriel named Miss Universe". Fort Bend Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Pebrero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vergara, Alex (15 Enero 2023). "Half-Filipino, half-American from Texas is new Miss Universe". PeopleAsia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Pebrero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maines, Don (23 Setyembre 2022). "How R'Bonney Gabriel, first Filipina American to win Miss Texas, is readying for shot at Miss USA". Houston Chronicle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "R'Bonney Gabriel, a UNT graduate, crowned as the new Miss Universe". The Dallas Morning News (sa wikang Ingles). 15 Enero 2023. Nakuha noong 19 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fashion Design alumna R'Bonney Gabriel wins Miss USA 2022". CVAD News & Views (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Perez, Mariane (15 Enero 2023). "R'Bonney Gabriel Wins Miss Universe 2022". Vogue Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maines, Don (31 Hulyo 2020). "Clear Falls cheerleader wins Miss Kemah Teen". Houston Chronicle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "McAllen native wins Miss Texas USA 2021 pageant". KVEO-TV (sa wikang Ingles). 6 Setyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2021. Nakuha noong 17 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 Diaz, John (4 Hulyo 2022). "First Filipina crowned Miss Texas USA". KHOU-11 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vulpo, Mike; Sobol, Beth (Hulyo 15, 2022). "How the Miss USA 2022 Pageant Will Honor Cheslie Kryst After Her Death". E! Online.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ramos, Jaleen (4 Oktubre 2022). "Fil-Am beauty queen crowned Miss USA 2022". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adams, Abigail (7 Oktubre 2022). "Miss USA 2022 R'Bonney Gabriel Denies Allegations That Pageant Was 'Rigged' in Her Favor". People (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Yahoo! News.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kato, Brooke (6 Oktubre 2022). "Contestants claim Miss USA 2022 pageant was 'rigged'". The New York Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss USA 2022 R'Bonney Gabriel Responds to Allegation Her Win Was "Rigged"". E! Online (sa wikang Ingles). 7 Oktubre 2022. Nakuha noong 19 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bracamonte, Earl D. C. (19 Setyembre 2022). "Miss Universe 2022 reveals date, venue; confirms moms, wives can join". Philippine Star. Nakuha noong 20 Setyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Requintina, Robert (20 Setyembre 2022). "Date and venue of 2022 Miss Universe Competition revealed!". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Setyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines' Celeste Cortesi finishes Miss Universe 2022 journey early". Rappler (sa wikang Ingles). 15 Enero 2023. Nakuha noong 15 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bravo, Frances Karmel S. (15 Enero 2023). "All the details of Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel's winning look". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Severo, Jan Milo (15 Enero 2023). "FULL TEXT: Miss Universe 2022 Top 5 Q&A portion". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lago, Amanda (15 Enero 2023). "TRANSCRIPT: Miss Universe 2022 Top 3 Q&A". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mixed-heritage Filipina winners of Miss Universe, from R'Bonney Gabriel to Pia Wurtzbach". The National News (sa wikang Ingles). 16 Enero 2023. Nakuha noong 29 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'We are very proud of you': Pia Wurtzbach, Catriona Gray send messages of support to Celeste Cortesi". The Philippine Star (sa wikang Ingles). 16 Enero 2023. Nakuha noong 29 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Parangal at Natanggap | ||
---|---|---|
Sinundan: Harnaaz Sandhu |
Miss Universe 2022 |
Susunod: Sheynnis Palacios |
Sinundan: Elle Smith |
Miss USA 2022 |
Susunod: Morgan Romano |