New Orleans

Ang New Orleans ( /ˈɔːrl(i)ənz,_ɔːrˈlnz/,[2] lokal /ˈɔːrlənz/;[3] Pranses: La Nouvelle-Orléans [la nuvɛlɔʁleɑ̃]  (Speaker Icon.svg pakinggan)) ay isang pinagsama-samang parokyang-lungsod sa Ilog Mississippi sa timog-silangang rehiyon ng estado ng Estados Unidos ng Louisiana. May isang populasyon na 383,997 sang-ayon sa senso noong 2020 ng Estados Unidos,[4] ito ang pinakamataong lungsod sa Louisiana. Nagsisilbing isang pangunahing daungan, tinuturing ang New Orleans bilang isang ekonomiko at pangkomersyong sentro para sa mas malawak na rehiyong Baybaying Gulpo ng Estados Unidos.

New Orleans
Lungsod
New Orleans skyline-02.jpg
Watawat ng New Orleans
Watawat
Eskudo de armas ng New Orleans
Eskudo de armas
Palayaw: 
NOLA, The Big Easy, Crescent City
Orleans Parish Louisiana Incorporated and Unincorporated areas New Orleans Highlighted.svg
Mga koordinado: 30°00′N 90°06′W / 30°N 90.1°W / 30; -90.1Mga koordinado: 30°00′N 90°06′W / 30°N 90.1°W / 30; -90.1
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonOrleans Parish, Louisiana, Estados Unidos ng Amerika
Itinatag1718
Ipinangalan kay (sa)Philippe, Duke of Orléans, Regent of France
Pamahalaan
 • Mayor of New OrleansLaToya Cantrell
Lawak
 • Kabuuan906.099114 km2 (349.846824 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Hulyo 2013, estimation process)[1]
 • Kabuuan378,715
 • Kapal420/km2 (1,100/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC−06:00
Websaythttp://www.cityofno.com

Kilala ang New Orleans sa buong mundo sa kakaibang musika nito, natatanging diyalekto, lutuing Kreolo, at taunang pagdiriwang at pista nito, pinakakilala ang Mardi Gras. Ang Kuwadrang Pranses ang makasaysayang sentro ng lungsod na tanyag sa arkitekturang Kreolong Kastila at Pranses at masiglang panggabing buhay sa may Kalye Bourbon. Naisalarawan ang lungsod bilang ang "pinakakakaiba" sa Estados Unidos,[5][6][7][8] malaking bahagi nito sa pamanang salungatang-kalinangan at maramihang-wika.[9] Karagdagan pa nito, unti-unting nakikilala ang New Orleans bilang ang "Hollywood sa Timog" dahil sa prominenteng pagganap nito sa industriya ng pelikula at sa popular na kultura.[10][11]

Itinatag noong 1718 ng kolonistang Pranses, minsan naging pangteritoryong kabisera ng Louisianang Pranses bago naging bahagi ng Estados Unidos noong 1803 sa Pagbili ng Louisiana. Pangatlong pinakamataong lungsod ang New Orleans noong 1840 sa Estados Unidos,[12] at ang pinakamalaking lungsod sa Amerikanong Timog mula sa panahon ng Antebellum hanggang sa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kasaysayan, napakamadaling bahain ang lungsod, dahil sa mataas na antas ng pag-ulan, mababang elebasyon, hindi magandang likas na paagusan, at pagiging malapit nito sa anyong tubig. Naglagay ang mga awtoridad ng Estado at pederal ng mga kumplikadong sistema ng levees at mga pambombang paagusan sa isang pagsisikap na ipagsanggalang ang lungsod.[13][14]

Mga sanggunianBaguhin

  1. United States Census Bureau; http://www.census.gov/popest/data/counties/totals/2013/files/CO-EST2013-Alldata.csv.
  2. New Orleans. Merriam-Webster. (sa Ingles)
  3. Romer, Megan. "How to Say 'New Orleans' Correctly". About Travel (sa Ingles). about.com. Tinago mula orihinal hanggang Oktubre 16, 2015. Kinuha noong Enero 31, 2015.
  4. "QuickFacts: New Orleans city, Louisiana". United States Census Bureau (sa Ingles). Agosto 10, 2021. Kinuha noong Agosto 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  5. Institute of New Orleans History and Culture Naka-arkibo 2006-12-07 sa Wayback Machine. at Gwynedd-Mercy College (sa Ingles)
  6. "Hurricane on the Bayou – A MacGillivray Freeman Film". Hurricane on the Bayou (sa Ingles). Tinago mula orihinal hanggang Enero 15, 2016.
  7. David Billings, "New Orleans: A Choice Between Destruction and Reparations", The Fellowship of Reconciliation, Nobyembre/Disyembre 2005 (sa Ingles)
  8. Damian Dovarganes, Associated Press, "Spike Lee offers his take on Hurricane Katrina", MSNBC, Hulyo 14, 2006 (sa Ingles)
  9. "The Founding French Fathers" (sa Ingles). Kinuha noong Abril 26, 2008.
  10. "Hollywood South: Why New Orleans Is the New Movie-Making Capital". ABC News (sa Ingles). Kinuha noong 2020-10-28.
  11. "Hollywood South: Film Production and Movie Going in New Orleans". New Orleans Historical (sa Ingles). Kinuha noong 2020-10-28.
  12. "Population of the 100 Largest Urban Places: 1840" (sa Ingles). United States Census Bureau. 1998.
  13. "About the Orleans Levee District". Orleans Levee (sa Ingles). Tinago mula orihinal hanggang Hunyo 25, 2018. Kinuha noong Hulyo 7, 2018.
  14. Jervis, Rick. "Fifteen years and $15 billion since Katrina, New Orleans is more prepared for a major hurricane – for now". USA TODAY (sa Ingles). Kinuha noong 2021-07-16.