Harnaaz Sandhu

Si Harnaaz Kaur Sandhu (ipinanganak noong ika-3 ng Marso 2000) ay isang modelo, aktres at beauty pageant titleholder na Indiyano na kinoronahan bilang Miss Universe 2021. Si Sandhu ang ikatlong babaeng Indiyan at ang kauna-unahang Sikh na nanalo bilang Miss Universe.[1]

Harnaaz Kaur Sandhu
Sandhu graces Vineet Jain’s Miss Universe 2021 success bash.jpg
Harnaaz Sandhu
Kapanganakan
Harnaaz Kaur Sandhu

(2000-03-03) 3 Marso 2000 (edad 22)
Gurdaspur, Punjab, Indiya
Trabaho
  • Modelo
  • aktres
Tangkad1.76 m (5 ft 9 in)
TituloFemina Miss India Punjab 2020
Miss Diva Universe 2021
Miss Universe 2021
Beauty pageant titleholder
Hair colorItim
Eye colorKayumanggi
Major
competition(s)
Femina Miss India 2019
(Top 12)
Miss Diva 2021
(Miss Diva Universe 2021)
Miss Universe 2021
(Nanalo)

Si Sandhu ay nakoronahan din bilang Femina Miss India Punjab noong 2019, at naging isang semifinalist sa Femina Miss India noong 2019.[2]

Buhay at pag-aaralBaguhin

Ipinanganak si Sandhu sa nayon ng Kohali sa distrito ng Gurdaspur sa mga magulang na sina Pritampal Singh Sandhu, isang rieltor, at si Rabinder Kaur Sandhu, isang gynecologist.[3] Lumaki si Sandhu sa isang pamilyang Jat Sikh.[4]

Noong 2006, lumipat ang pamilya ni Sandhu sa Inglatera, bago bumalik sa Indiya makalipas ang dalawang taon. Sila ay nanirahan sa Chandigarh kung saan lumaki si Sandhu, at nag-aral sa Shivalik Public School at sa Post Graduate Government College for Girls. Natamo ni Sandhu ang kanyang Bachelor's Degree sa Information Technology at sa kasalukuyan, siya ay kumukuha ng Master's Degree sa pampublikong administrasyon. Siya ay isa ring masugid na tagapagtanggol ng mga hayop, at tagapagtaguyod ng mga karapatan ng kababaihan. Si Sandhu ay matatas sa Punjabi, Hindi, at Ingles.[5][6]

Mga paligsahan ng kagandahanBaguhin

Nagsimulang sumali sa mga patimpalak ng kagandahan si Sandhu bilang isang dalaga, at nanalo ng mga titulo tulad ng Miss Chandigarh 2017 at Miss Max Emerging Star India 2018.[2] Noong una, hindi sinabi ni Sandhu sa kanyang ama nang siya ay nagpa-rehistro para sa kanyang unang beauty pageant, at ipinaalam lang sa kanya pagkatapos niya manalo; sa kabila nito, tinanggap ng kanyang ama ang kanyang desisyon na magpatuloy sa pageantry.[3]

Matapos mapanalunan ang titulong Femina Miss India Punjab 2019, kumalahok si Sandhu sa Femina Miss India, kung saan siya ay nagtapos bilang isa sa Top 12.[7]

Miss Diva 2021Baguhin

Noong ika-16 ng Agosto 2021, na-shortlist si Sandhu bilang isa sa Top 50 semifinalist ng Miss Diva 2021. Kalaunan ay nakumpirma siya bilang isa sa 20 pinalista na sasabak sa Miss Diva na ipapalabas sa telebisyon noong ika-23 ng Agosto. Sa paunang kompetisyon na ginanap noong ika-22 ng Setyembre, iginawad kay Sandhu ang parangal na Miss Beautiful Skin at naging pinalista para sa mga parangal na Miss Beach Body, Miss Beautiful Smile, Miss Photogenic, at Miss Talented.[8]

Sa opening statement round ng Miss Diva 2021 noong ika-30 ng Setyembre 2021, ipinahayag ni Sandhu bilang isa sa mga semifinalist na:[9]

"From a young girl with fragile mental health who faced bullying and body shaming to a woman who emerged like a phoenix, realising her true potential. From an individual who once doubted her own existence to a woman who is aspiring to inspire the youth. Today, I stand proudly in front of the Universe as a courageous, vivacious and a compassionate woman who is all set to lead a life with a purpose, and to leave behind a remarkable legacy."

Nakapasok si Sandhu sa sumunod na round ng kompetisyon. Sa huling question and answer round, ang limang pinalista ay binigyan ng iba't ibang paksang sasabihin sa pamamagitan ng isang draw. Napili ni Sandhu ang Global Warming and Climate Change, kung saan ipinarating niya:[10]

"One day, life will flash before your eyes, make sure it's worth watching. However, this is not the life you want to watch, where the climate is changing and the environment is dying. It is one of the fiasco that us humans have done to the environment. I do believe that we still have time to undo our irresponsible behaviour. Earth is all we have in common and our small acts as individuals when multiplied by billions can transform the whole world. Start now, from tonight, switch off those extra lights when not in use. Thank you."

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Adline Castelino si Sandhu bilang Miss Diva Universe 2021.[10]

Miss Universe 2021Baguhin

 
Harnaaz Sandhu, Miss Universe 2021, sa kanyang pagbalik sa Indiya.

Bilang Miss Diva 2021, si Sandhu ang kumatawan sa Indiya sa Miss Universe 2021. Ang kompetisyon ay ginanap noong ika-13 ng Disyembre 2021 sa Eilat, Israel.[11][12] Mula sa 80 kalahok, napabilang si Sandhu sa Top 16 na sumabak sa swimsuit competition at sa Top 10 na sumabak sa evening gown competition. Sinuot ni Sandhu para sa evening gown competition ang isang champaigne silver na see-through gown na dinisenyo ni Saisha Shinde, isang taga-disenyong transekswal na Indiyan.[13][14]

Pagkatapos ng evening gown competition, napabilang si Sandhu bilang isa sa limang pinalista na kakalahok sa question and answer round. Itinanong ni Steve Harvey kay Sandhu "Many people think climate change is a hoax. What would you do to convince them otherwise?", kung saan ipinarating niya:[15]

"Honestly, my heart breaks to see how nature is going through a lot of problems and it's all due to our irresponsible behavior. I totally feel that this is the time to take actions and talk less. Because each action could either kill or save nature. Prevent and protect is better than repent and repair and this is what I'm trying to convince you guys today."

Pagkatapos ng question and answer round, napabilang si Sandhu bilang isa sa tatlong pinalista na kakalahok sa final question round. Itinanong ni Steve Harvey kay Sandhu "What advice would you give tp young women watching on how to deal the pressures they face today?", kung saan ipinarating niya:[15]

"I think the biggest pressure the youth of today is facing is to believe in themselves. To know that you are unique, that's what makes you beautiful. Stop comparing yourselves with others and let's talk about more important things that's happening worldwide. This is what you need to understand. Come out, speak for yourself because you are the leader of your life, you are the voice of your own. I believed in myself and that's why I'm standing here today."

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Andrea Meza ng Mehiko si Harnaaz Sandhu ng Indiya bilang Miss Universe 2021. Ito ang pangatlong tagumpay ng Indiya sa kasaysayan ng kompetisyon, kasunod ni Sushmita Sen noong 1994, at Lara Dutta noong 2000.[16][17] Sa panahon ng kanyang katungkulan bilang Miss Universe 2021, nakapaglakbay si Sandhu sa Israel, iba't-ibang lungsod sa Estados Unidos, sa Pilipinas, Indonesya, Biyetnam, Timog Aprika, at ang kanyang sariling bansang Indiya.[18][19][20]

FilmographyBaguhin

 
Harnaaz Sandhu sa Grazia Millennial Awards noong 2022.

Mga pelikulaBaguhin

Taon Titulo Tungkulin Wika
2021 Yaara Diyan Poon Baran[21] Punjabi
2022 Bai Ji Kuttan Ge Punjabi

TelebisyonBaguhin

Taon Titulo Tungkulin Mga note
2019 Miss India 2019[22] Kanyang sarili/kalahok
2021 Udaariyaan[23] Kalahok Cameo role
Miss Diva Universe 2021[10] Kanyang sarili/kalahok/nagwagi Kompetisyong pambansa
Miss Universe 2021[24] Kanyang sarili/kalahok/nagwagi Kompetisyong internasyonal
Good Morning America Kanyang sarili Panauhin
2022 India's Got Talent Kanyang sarili Panauhin
Miss Universe Vietnam 2022[25] Kanyang sarili Hurado

Mga music videoBaguhin

Taon Titulo Mga mang-aawit Label
2019 Tarhthalli The Landers[26] Sony Music India

SanggunianBaguhin

  1. Jose, Jinta (4 Oktubre 2021). ""For years I have dreamt of being where I am today," says Harnaaz Sandhu". The Times of India. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.
  2. 2.0 2.1 "Who is Harnaaz Sandhu? All you need to know about Miss Universe 2021". The Times of India (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 8 Agosto 2022.
  3. 3.0 3.1 "Once a small-town girl, Miss Universe Harnaaz Sandhu capturing hearts across globe". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 14 Disyembre 2021. Nakuha noong 8 Agosto 2022.
  4. Rohtaki, Hina (14 Disyembre 2021). "'Harnaaz means everyone's pride, she proved that today'". The Indian Express (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Agosto 2022.
  5. Pallavi, Krishna Priya (13 Disyembre 2021). "Who is Harnaaz Sandhu? The Miss Universe 2021 from India". Hindustan Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Agosto 2022.
  6. "Who is Harnaaz Sandhu, Miss Universe 2021?". Rappler (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 11 Agosto 2022.
  7. "Harnaaz Kaur". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Agosto 2022.
  8. "Unveiling of LIVA Miss Diva 2021 Top 50 Contestants!". The Times of India (sa wikang Ingles). 16 Agosto 2021. Nakuha noong 8 Agosto 2022.
  9. "'Want to make India proud at Miss Universe 2021': Harnaaz Sandhu". The Indian Express (sa wikang Ingles). 11 Oktubre 2021. Nakuha noong 11 Agosto 2022.
  10. 10.0 10.1 10.2 "Chandigarh's Harnaaz Sandhu crowned winner of LIVA Miss Diva Universe 2021". The Tribune India (sa wikang Ingles). 1 Oktubre 2021. Nakuha noong 11 Agosto 2022.
  11. "Miss Universe 2021 to be held in Israel, Steve Harvey to return as host". USA Today (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 2021. Nakuha noong 11 Agosto 2022.
  12. Elbaum, Rachel (13 Disyembre 2021). "India's Harnaaz Sandhu wins 2021 Miss Universe pageant in Israel". NBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Agosto 2022.
  13. "Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu's winning gown was designed by this trans designer". WION (sa wikang Ingles). 15 Disyembre 2021. Nakuha noong 11 Agosto 2022.
  14. "India's Harnaaz Sandhu is crowned Miss Universe 2021". CNN (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021.
  15. 15.0 15.1 "READ: Miss Universe 2021 Q&A full transcript". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 11 Agosto 2022.
  16. Plaza, Marane A. (13 Disyembre 2021). "India's Harnaaz Sandhu wins Miss Universe 2021". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Agosto 2022.
  17. Yeung, Jessie (14 Disyembre 2021). "India's Harnaaz Sandhu is crowned Miss Universe 2021". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Agosto 2022.
  18. "Miss India wins Miss Universe held in Israel amid boycott calls". Al Jazeera (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 12 Agosto 2022.
  19. "Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu flies to the Philippines". GMA News Online (sa wikang Ingles). 24 Agosto 2022. Nakuha noong 12 Agosto 2022.
  20. "Harnaaz Kaur Sandhu arrives in Indonesia for grand finale of Puteri Indonesia 2022". The Times of India (sa wikang Ingles). 25 Mayo 2022. Nakuha noong 12 Agosto 2022.
  21. "Harnaaz Sandhu: 'Would love to be a part of, not just Bollywood, but Hollywood too'". The Indian Express (sa wikang Ingles). 14 Disyembre 2021. Nakuha noong 12 Agosto 2022.
  22. "It's so much more than just glamour, says Harnaaz Sandhu". Tribuneindia News Service (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-01-01.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  23. Keshri, Shweta (14 Disyembre 2021). "Did you know Harnaaz Sandhu had a cameo in Udaariyaan?". India Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  24. Rohtaki, Hina (14 Disyembre 2021). "'Harnaaz means everyone's pride, she proved that today'". The Indian Express (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Agosto 2022.
  25. "Hoa hậu Ấn Độ đến Việt Nam". VnExpress (sa wikang Biyetnames). 23 Hunyo 2022. Nakuha noong 12 Agosto 2022.
  26. "Must-watch movies and music videos of LIVA Miss Diva Universe 2021 Harnaaz Sandhu". The Times of India (sa wikang Ingles). 26 Oktubre 2021. Nakuha noong 12 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)

Panlabas na linksBaguhin

Mga Parangal at Natanggap
Sinundan:
  Andrea Meza
Miss Universe
2021
Kasalukuyan
Sinundan:
Adline Castelino
Miss Diva Universe
2021
Kasalukuyan
Sinundan:
Anna Kler
Femina Miss India Punjab
2019
Susunod:
Karuna Singh