Miss Universe 1969

Ang Miss Universe 1969 ay ang ika-18 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong Hulyo 19, 1969.[1]

Miss Universe 1969
Gloria Diaz, Miss Universe 1969
PetsaHulyo 19, 1969
Presenters
  • Bob Barker
  • June Lockhart
EntertainmentHal Frazier
PinagdausanMiami Beach Auditorium, Miami Beach, Florida, Estados Unidos
BrodkasterCBS
Lumahok61
Placements15
Hindi sumali
BumalikSuriname
NanaloGloria Diaz
Pilipinas Pilipinas
CongenialityZohra Boufaden
Tunisia Tunisya
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanSangduen Manwong
Thailand Taylandiya
PhotogenicCarole Robinson
New Zealand Bagong Silandiya
← 1968
1970 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Martha Vasconcellos ng Brasil si Gloria Diaz ng Pilipinas bilang Miss Universe 1969.[2][3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Pilipinas sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Harriet Eriksson ng Pinlandiya, habang nagtapos bilang second runner-up si Joanne Barret ng Australya.[4][5]

Mga kandidata mula sa 61 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikatlong pagkakataon, samantalang si June Lockhart ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[6][7]

Kasaysayan Baguhin

 
Miami Beach Auditorium, ang lokasyon ng Miss Universe 1969

Pagpili ng mga kalahok Baguhin

Ang mga kalahok mula sa 61 mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit Baguhin

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Malaysia 1969 na si Rosemary Wan bilang kandidata ng Malaysia matapos na pinili ni Miss Malaysia 1969 Sabrina Loo na hindi sumali dahil sa mga personal na dahilan.[8][9] Subalit, matapos inanunsyo ang desisyon ng Far East Beauty Congress na ipadala si Wan sa Miami sa halip na si Loo, nagbago ang isip ni Loo at nagprotesta ito laban sa desisyon ng kongreso.[10][11] Ayon sa kongreso, huli na noong pinalitan ni Loo ang kanyang desisyon kung kaya't si Wan ang kakatawan sa bansang Malaysia para sa Miss Universe.[12][13]

Mga pagbalik at pag-urong sa kompetisyon Baguhin

Bumalik ang bansang Suriname sa edisyong ito na huling sumali noong 1966. Hindi sumali ang mga bansang Hayti, Libano, Kapuluan Birhen ng Estados Unidos, Okinawa, at Timog Aprika sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga resulta Baguhin

Mga pagkakalagay Baguhin

Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 1969
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 15

Mga espesyal na parangal Baguhin

Parangal Kandidata
Miss Photogenic
Miss Congeniality
Best National Costume
Top 10 Best in Swimsuit

Kompetisyon Baguhin

Pormat ng kompetisyon Baguhin

Tulad noong 1966, 15 mga semifinalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Ang 15 mga semifinalist ay isa-isang tinawag sa pangwakas na kompetisyon sa walang partikular na pagkakasunud-sunod. Matapos banggitin ang kanilang bansa, isa-isang nakipanayam ang mga semifinalist kay Bob Barker. Pagkatapos nito, kumalahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang 15 mga semfinalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili Baguhin

  • David Merrick – Broadway producer[18]
  • Eileen Ford – Amerikanong modelo
  • Edilson Cid Varela – Brasilenyong mamamahayag
  • Dong Kingman – Intsik-Amerikanong pintor
  • Monique Van Vooren – Belhikanang aktres[15]
  • Yousuf Karsh – litra Kanadyanotista[18]
  • Sara Lou Carter – Guyanesang modelo
  • Chiyo Tanaka – taga-disenyong Hapones
  • Norma Nolan – Miss Universe 1962 mula sa Arhentina[18]
  • Earl Wilson – Amerikanong kolumnista

Mga kandidata Baguhin

 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 1969 at ang kanilang mga pagkakalagay.

61 kandidata ang lumahok para sa titulo.[18]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Alemanya Gesine Froese[19] 22 Baviera
  Arhentina Lidia Esther Pepe 23 Corrientes
  Aruba Jeannette Geerman[20] Paradera
  Australya Joanne Barret[21] 19 Sydney
  Austrya Eva Rueber-Staier[22] 18 Bruck an der Mur
  Bagong Silandiya Carole Robinson[23] 22 Auckland
  Bahamas Joan Bowe[24] 21 Georgetown
  Belhika Danièle Roels[25] 19 Hainaut
  Beneswela María José Yéllici[26] 24 Caracas
  Bermuda Maxine Bean[27] 20 Hamilton
  Bonaire Julia Nicolaas[28] 23 Kralendijk
  Brasil Vera Fischer[29] 18 Blumenau
  Bulibya Luz María Rojas[30] Cochabamba
  Ceylon Marlene Seneveratne[31] Colombo
  Curaçao Yvonne Wardekker[32] 21 Willemstad
  Dinamarka Jeanne Perfeldt[33] 21 Copenhague
  Ekwador Rosana Vinueza[34] 20 Guayaquil
  Eskosya Sheena Drumond[35] 18 Coatbridge
  Espanya Amparo Rodrigo[36] 19 València
  Estados Unidos Wendy Dascomb[37] 19 Danville
  Gales Shirley Jones[38] 22 Colwyn Bay
  Gresya Irene Diamantoglou 18 Atenas
  Guam Anita Johnston[39] 18 Agana
  Hamayka Carol Gerrow[40] Kingston
  Hapon Kikuyo Osuka[41] 18 Aichi
  Honduras Viena Paredes[42] 18 Choluteca
  Hong Kong Christine Tam 18 Hong Kong
  Indiya Kavita Bhambani[43] 18 Bombay
  Inglatera Myra Van Heck[44] 22 Londres
  Irlanda Patricia Byrne[45] 25 Dublin
  Israel Chava Levy[46] 19 Haifa
  Italya Diana Coccorese[47] 23 Roma
  Kanada Jacquie Perrin[48] 20 Toronto
  Kolombya Margarita Reyes[49] 19 Cali
  Konggo-Kinshasa Jeanne Mokomo[50] Kinshasa
  Kosta Rika Clara Freda Antillón 18 San José
  Luksemburgo Marie Antoniette Bertinelli Esch-sur-Alzette
  Lupangyelo María Baldursdóttir 22 Reykjanesbær
  Malaysia Rosemary Wan[51] 20 Petaling Jaya
  Malta Natalie Quintana Gżira
  Mehiko Gloria Hernández[52] 20 Guanajuato
  Nikaragwa Soraya Herrera 18 Managua
  Noruwega Pia Walker 20 Oslo
  Olanda Welmoed Hollenberg[53] 21 Amsterdam
  Peru María Julia Mantilla[54] 19 Trujillo
  Pilipinas Gloria Diaz[55] 18 Maynila
  Pinlandiya Harriet Eriksson[56] 22 Turku
  Porto Riko Aída Betancourt 18 Río Piedras
  Pransiya Agathe Cognet[25] 24 Paris
  Republikang Dominikano Rocío García 18 Santa Bárbara de Samaná
  Singapura Mavis Young[57] 18 Singapura
  Suriname Greta Natsier[58] Paramaribo
  Suwesya Brigitta Lindloff[59] 22 Västra Götaland
  Suwisa Patrice Sollner[60] 24 Aargau
  Taylandiya Sangduen Manwong[61] 20 Bangkok
  Timog Korea Lim Hyun-jung 20 Seoul
  Tsile Mónica Larson[62] 25 Santiago
  Tunisya Zohra Boufaden[63] 21 Tunis
  Turkiya Azra Balkan Istanbul
  Urugway Julia Möller[64] 20 Montevideo
  Yugoslavia Nataša Košir[65] 21 Belgrado

Mga tala Baguhin

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian Baguhin

  1. "Reigning Miss Universe". The Jackson Sun (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1969. pa. 21. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  2. "Miss Philippines Wins Title of Miss Universe". The New York Times. 20 Hulyo 1969. Tinago mula sa orihinal noong 12 Nobyembre 2013. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
  3. "Gloria Diaz begins reign". The Daily News-Journal (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1969. pa. 5. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  4. "Filipino student new Miss Universe". Fort Lauderdale News (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1969. pa. 18. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  5. Berger, Ellis (21 Hulyo 1969). "Man on moon? Miss Universe just homesick". The Miami News (sa wikang Ingles). pa. 5. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  6. "Miss Universe time again". Pittsburgh Post-Gazette (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1969. pa. 27. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  7. "Weekend television highlights". The Evening News (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1969. pa. 12. Nakuha noong 21 Disyembre 2022.
  8. "Ratu Chantek Malaysia tidak pasti akan ka-Miami". Berita Harian (sa wikang Malay). 2 Hulyo 1969. pa. 5. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  9. "Sabrina tetap tidak mewakili Malaysia di-Miami". Berita Harian (sa wikang Malay). 3 Hulyo 1969. pa. 2. Nakuha noong 22 Disyembre 2022.
  10. "Sobbing Sabrina: I'll try to stop her going". The Straits Times (sa wikang Malay). 4 Hulyo 1969. pa. 11. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  11. "Sabrina Loo membantah keputusan tidak akan ka-Miami". Berita Harian (sa wikang Malay). 4 Hulyo 1969. pa. 2. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  12. "No-yes Sabrina told: You changed your mind too late". The Straits Times (sa wikang Ingles). 3 Hulyo 1969. pa. 6. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  13. "10 Julai hari bersejarah bagi Rosemary Wan". Berita Harian (sa wikang Malay). 4 Hulyo 1969. pa. 10. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  14. 14.0 14.1 14.2 14.3 14.4 "Australia No. 3 for Miss Universe". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1969. pa. 6. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  15. 15.0 15.1 "Nova "Miss Universo" diz que se candidatou para aumentar relacoes com paises amigos". Jornal do Brasil (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1969. pa. 157. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  16. 16.0 16.1 "Two winners in Miss Universe pageant". St. Petersburg Times (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1969. pa. 2-B. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  17. "Beauty and peace". ⁨⁨B'nai B'rith Messenger⁩ (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1969. pa. 24. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng The National Library of Israel.
  18. 18.0 18.1 18.2 18.3 "Filipino girl is named "Miss Universe 1969"". The Morning Call (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1969. pa. 1. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  19. "5. Mai 1969: Eine Nürnbergerin ist die Schönste". Nürnberger Nachrichten (sa wikang Aleman). 5 Mayo 2019. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  20. "Jeanette Geerman, Miss Aruba 1969". Aruba Esso News (sa wikang Ingles). 20 Hunyo 1969. pa. 1, 7. Nakuha noong 28 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Digital Library of the Caribbean.
  21. "Australia's hope for the Miss Universe Quest". The Australian Women's Weekly (sa wikang Ingles). 11 Hunyo 1969. pa. 20–21. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  22. "Ehemalige "Miss World" Eva Rueber-Staier führt heute ein ruhiges Leben". Oberösterreichische Nachrichten (sa wikang Aleman). 2 Disyembre 2019. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  23. Paulin, Alastair (10 Agosto 2012). "Brains and beauty a Trump card". Stuff (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  24. "Among the fairest in the Universe". The Bermuda Recorder (sa wikang Ingles). 2 Agosto 1969. pa. 3. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.
  25. 25.0 25.1 "Zeven „schonen", deelneemsters aan de komende „Miss Universe" verkiezing in Miami Beach". Leeuwarder courant (sa wikang Olandes). 12 Hulyo 1969. pa. 1. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  26. Garcés, Ever (16 Nobyembre 2022). "Miss Venezuela: Ni tan niñas, ni tan venezolanas…". Diario de Los Andes (sa wikang Kastila). Nakuha noong 19 Disyembre 2022.
  27. "Miss Bermuda 1969". The Bermuda Recorder (sa wikang Ingles). 6 Hunyo 1969. pa. 1. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.
  28. "Tica Nicolaas Miss Bonaire". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 8 Abril 1969. pa. 9. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  29. "Catarinense e a nova "Miss Brasil"". Jornal do Brasil (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 1969. pa. 1, 31. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  30. "El título les dio alegrías, trabajo y fama que aún saborean". El Deber (sa wikang Kastila). 29 Hulyo 2017. Nakuha noong 19 Disyembre 2022.
  31. Lo, Ricky (25 Hulyo 2013). "The 1st Mutya, 45 years ago". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Nobyembre 2022.
  32. "Miss Curacao 1969". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 23 Hunyo 1969. pa. 1. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  33. "Early arriving Miss Universe hopefuls". St. Petersburg Times (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1969. pa. 3-B. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  34. "Familiares y amigos en adiós a Rosana Vinueza". El Universo (sa wikang Kastila). 26 Agosto 2009. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022.
  35. "Press ball Queen Sheena went on to be crowned Miss UK". Stirling Observer (sa wikang Ingles). 15 Marso 2019. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
  36. Dominguez Valencia, M. (10 Marso 2010). "Dos reinas de la belleza en la misma familia". Levante-EMV (sa wikang Kastila). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  37. "Virginia blonde is new Miss USA; Miss California is 4th runner-up". The Sacramento Bee (sa wikang Ingles). 25 Mayo 1969. pa. 4. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  38. "Miss Wales is from Colwyn". The North Wales Weekly News (sa wikang Ingles). 12 Hunyo 1969. pa. 9. Nakuha noong 20 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  39. "Better than average". The Tampa Tribune (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1969. pa. 36. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  40. "Photo Flash-back". The Gleaner (sa wikang Ingles). 5 Agosto 2017. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
  41. "Untitled". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 13 Mayo 1969. pa. 4. Nakuha noong 17 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  42. Gámez, Sabino (25 Abril 2008). "El Miss Honduras, una historia que contar". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
  43. Sikarwar, Ayushi (13 Hulyo 2022). "Who is former Miss India Kavita Singh, and why she's holding Sonam Kapoor's baby shower at her residence? Know here". Newsroom Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  44. "Hoping to bring back the title". The Guardian Journal (sa wikang Ingles). 5 Hulyo 1969. pa. 16. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  45. "For Rosemary, such a lovely leggy threat from the west". The Straits Times (sa wikang Ingles). 6 Hulyo 1969. pa. 4. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  46. "A miss que chega". ⁨⁨A Hebraica (sa wikang Portuges). 1 Setyembre 1969. pa. 34. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng The National Library of Israel.
  47. "Sterfelijk en onsterfelijk". Limburgsch Dagblad (sa wikang Olandes). 3 Hulyo 1969. pa. 2. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  48. Lambrinos, Tim (Marso 2019). "Yesterday & Today: Up, Up and Away". Emery Village Voice (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  49. "Del Valle la nueva soberana". El Tiempo (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 1968. pa. 1, 14–16. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  50. "When black is really beautiful". The Straits Times (sa wikang Ingles). 13 Hulyo 1969. pa. 3. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  51. Beltran, Rudy (3 Hulyo 1969). "No-yes Sabrina told: You changed your mind too late". The Straits Times (sa wikang Ingles). pa. 6. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  52. "Yawning beauties". Star Tribune (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1969. pa. 16. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  53. Roodnat, Joyce; Schumm, Niels (1 Marso 2008). "Ik ben niet oud ik Bben vintage". NRC (sa wikang Olandes). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  54. Bustamante Ravina, Enrique (5 Hulyo 2021). "María Julia Mantilla: una reina proclamada durante la dictadura de 1969". Trome (sa wikang Kastila). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  55. Villano, Alexa (19 Hulyo 2019). "LOOK BACK: Gloria Diaz, forever Miss Universe icon". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  56. "Harriet Eriksson toinen Miss Universum-kisoissa". Helsingin Sanomat (sa wikang Pinlandes). 21 Hulyo 2019. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  57. "Miss Young leaves for Miami". The Straits Times (sa wikang Ingles). 5 Hulyo 1969. pa. 24. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  58. "Miss Surinam door Premier Ontvangen". Vrjie Stem (sa wikang Olandes). 9 Hulyo 1969. pa. 1. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  59. Lo, Ricky (10 Mayo 2007). "Days of Glory on Magpakailanman". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Disyembre 2022.
  60. "Ho hum... and then some". The Miami Herald (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1969. pa. 28. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  61. "Beauty wins in a tuk tuk". The Nation Thailand (sa wikang Ingles). 22 Disyembre 2015. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.
  62. "Aspirantes a Miss Universo, en Miami". El Tiempo (sa wikang Kastila). 13 Hulyo 1969. pa. 50. Nakuha noong 30 Disyembre 2022.
  63. "Stuntman has close call". The Miami News (sa wikang Ingles). 17 Hulyo 1969. pa. 16. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  64. "Las confesiones de Julia Möller". El Pais (sa wikang Kastila). 6 Agosto 2016. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
  65. Kek, Franci (3 Pebrero 2019). "Nataša Košir Mušič, miss Jugoslavije 1968: Obisk v Beli hiši in pri milijonarjih". Dnevnik (sa wikang Eslobeno). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.

Panlabas na kawing Baguhin