Ang Managua (pagbigkas sa wikang Kastila: [maˈnaɣwa]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Nicaragua, at sentro ng isang departamentong may parehong pangalan din. Matatagpuan sa timog-kanlurang baybayin ng Lawa ng Managua at sa loob ng Departamento ng Managua, tinatayang nasa 1,042,641 ang populasyon nito noong 2016 sa loob ng administratibong hangganan ng lungsod[1] at isang populasyon na 1,401,687[1] sa kalakhang lugar nito, na karagdagang kabilang ang Ciudad Sandino, El Crucero, Nindirí, Ticuantepe at Tipitapa.[2]

Managua
big city, municipality of Nicaragua
Watawat ng Managua
Watawat
Eskudo de armas ng Managua
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 12°09′16″N 86°16′26″W / 12.1544°N 86.2738°W / 12.1544; -86.2738
Bansa Nicaragua
LokasyonManagua Department, Nicaragua
Itinatag24 Marso 1819 (Huliyano)
Lawak
 • Kabuuan267.2 km2 (103.2 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2005, Senso)
 • Kabuuan937,489
 • Kapal3,500/km2 (9,100/milya kuwadrado)
Websaythttps://www.managua.gob.ni/

Dinideklera ang lungsod bilang pambansang kabisera noong 1852.[3][4] Noong nakaraan, nagpapalit-palit ang kabisera sa pagitan ng mga lungsod ng León at Granada.

Etimolohiya

baguhin

May dalawang posibleng pinagmulan ng pangalang "Managua". Maaring nagmula ito sa katawagang Mana-ahuac, na sa katutubong wikang Nahuatl ay sinasalin bilang "katabi sa tubig" o ang lugar na "pinapaligiran ng tubig."[3][4] O, maari itong nagmula sa wikang Mangue, kung saan ang salitang managua ay sinasabing nangangahulugang "lugar ng malaking tao" o "pinuno."[5] Tinatawag ang mga residente ng lungsod bilang managuas, managüenses, o capitalinos.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Anuario Estadístico 2015 (PDF) (Ulat) (sa wikang Kastila). INIDE. Pebrero 2016. pp. 2, 51. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Disyembre 15, 2017. Nakuha noong Disyembre 1, 2017.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Proyecto NIC10-59044: Promoción de un Transporte Ambientalmente Sostenible para Managua Metropolitana (PDF) (Ulat) (sa wikang Kastila). UNDP, Pamahalaan ng Nicaragua. Hulyo 2008. p. 9. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-05-09. Nakuha noong 2016-04-24.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Managua". La Prensa (sa wikang Kastila). Marso 9, 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 11, 2013. Nakuha noong Hunyo 19, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Resurge el centro de Managua en busca de su antiguo esplendor" [The center of Managua resurges in search of its old splendor]. El Nuevo Diario (sa wikang Kastila). Pebrero 1, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 9, 2020. Nakuha noong Mayo 27, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Richard Arghiris (Abril 10, 2014). Nicaragua Footprint Handbook (sa wikang Ingles). Footprint Travel Guides. p. 36. ISBN 978-1-907263-89-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)