James A. Garfield

(Idinirekta mula sa Garfield)

Si James Abram Garfield (19 Nobyembre 1831 – 19 Setyembre 1881) ay naglingkod bilang pangulo ng Estados Unidos. Siya ang ika-20 pangulo ng Estados Unidos. Naupo siya sa loob lamang ng anim na buwan. Noong 2 Hulyo 1881, kulang dalawang buwan sa pagkakaupo niya bilang pangulo, nabaril si Garfield habang naghihintay sa isang tren sa isang estasyon ng tren sa Washington, D.C.. Si Charles J. Guiteau ang asesinong pumatay kay Garfield, na ang dahilan ay ang pagtanggi ni Garfield na bigyan si Guiteau ng trabaho sa pamahalaan. Namatay si Garfield noong Setyembre 19 matapos maghirap ng higit sa dalawang buwan. Isa lamang siyang mahirap na bata na naging presidente sa kolehiyo, heneral, kongresista, at pangulo ng Estados Unidos. Si Garfield ang unang pangulo ng Estados Unidos na gumamit ng telepono.[1]

James Abram Garfield
Ika-20 Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika
Nasa puwesto
4 Marso 1881 – 19 Setyembre 1881
Pangalwang PanguloChester A. Arthur (1881)
Nakaraang sinundanRutherford B. Hayes
Sinundan niChester A. Arthur
Kasapi ng Estados Unidos na Kapulungan ng mga Kinatawan
mula sa Ohio na ika-19 (na) distrito
Nasa puwesto
4 Marso 1863 – 3 Marso 1881
Nakaraang sinundanAlbert G. Riddle
Sinundan niEzra B. Taylor
Personal na detalye
Isinilang19 Nobyembre 1831(1831-11-19)
Moreland Hills, Ohio
Yumao19 Setyembre 1881(1881-09-19) (edad 49)
Elberon (Long Branch), New Jersey
KabansaanAmerikano
Partidong pampolitikaRepublikano
AsawaLucretia Rudolph Garfield
Alma materKolehiyong Williams
TrabahoAbogado, Edukador, Ministro
Pirma
Para sa anak niya na isa ring politiko, tingnan ang James Rudolph Garfield.

Talambuhay

baguhin

Isinilang si Garfield sa Orange, Ohio noong 19 Nobyembre 1831. Nagtapos siya mula sa Kolehiyong Williams noong 1856. Naging presidente siya ng Western Reserve Electric Institute mula 1857 hanggang 1861. Napangasawa niya si Lucretia Rudolph noong 1858.[1]

Nahalal siya sa Senado bilang kinatawan ng Ohio noong 1859. Noong 1861, naglingkod siya sa Hukbo ng Unyon at naging tenyente-koronel. Noong taon ding iyon, nilisan niya ang hukbo na may ranggong komandante-heneral upang maupo sa Kongreso.[1]

Mula 1863 hanggang 1880 naglingkod siya sa House of Representatives ng Estados Unidos. Noong 4 Marso 1880, nanumpa siya bilang ika-dalawampung pangulo ng Estados Unidos. Namatay siya sa Elberon, New Jersey.[1]

Anak niya ang isa ring kilalang politiko sa Amerika, si James Rudolph Garfield.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "James A. Garfield". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.