Edukasyon

Pag-aaral o pagkatuto kung saan ang kaalaman at kakayahan ay naipapasa sa pamamagitan ng pagtuturo
(Idinirekta mula sa Education)

Ang edukasyon o pag-aaral ay prosesong ng pagpapadali ng pagkatuto, o pagtatamo ng kaalaman, kasanayan, prinsipyo, moralidad, paniniwala, at paggawi. Kabilang sa mga pamamaraang pang-edukasyon ang pagtuturo, pagsasanay, pagkukuwento, pagtatalakay at nakadirektang pananaliksik. Madalas nagaganap ang edukasyon sa patnubay ng mga edukador, subalit maaaring turuan ng mga mag-aaral ang kanilang sarili. Maaaring maganap ang edukasyon sa mga pormal o inpormal na tagpo at anumang karanasan na nakakapaghubog sa pag-iisip, pakiramdam, o pagkilos ng isang tao ay maituturing bilang edukatibo. Ang metodolohiya ng pagtuturo ay tinatawag na pedagohiya.

Lektura sa Pakultad ng Inhenyeriyang Biyomedikal, Pamantasang Teknikal ng Tsekiya, sa Prague, Republikang Tseko
Mga batang mag-aaral na nakaupo sa lilim ng halamanan sa Bamozai, malapit sa Gardez, Lalawigan ng Paktya, Afghanistan
Mga kalahok na mag-aaral sa FIRST Robotics Competition, Washington, D.C.
Isang sentro ng pagpapaunlad sa maagang pagkabata sa Ziway, Ethiopia
Ang indoctrination sa silid-aralan, ang pagsasama ng nilalamang pampulitika sa materyal ng pag-aaral o mga guro na umaabuso sa kanilang tungkulin upang ma-indoctrin ang mga mag-aaral ay laban sa mga layunin ng edukasyon na naghahanap ng kalayaan sa pag-iisip at kritikal na pag-iisip.

Karaniwang nahahati ang pormal na edukasyon sa mga yugto tulad ng preschool o kindergarten, mababang paaralan, mataas na paaralan at pagkatapos, kolehiyo, unibersidad, o pag-aaprentis.

Kinikilala ang karapatan sa edukasyon ng ilang pamahalaan at ng Mga Nagkakaisang Bansa.[a] Sa karamihan ng mga rehiyon, sapilitan ang edukasyon hanggang sa isang tiyak na edad. Mayroong kilusan para sa reporma sa edukasyon, at lalo na para sa edukasyon batay sa ebidensya na may pandaigdigang pagkukusa na may layunin na matamo ang Layunin ng Likas-kayang Pag-unlad 4, na nagtataguyod ng de-kalidad para sa lahat.

Pormal

baguhin

Nagaganap ang pormal na edukasyon sa isang estrukturadong kapaligiran na may malinaw na layunin na turuan ang mga mag-aaral. Kadalasan, nagaganap ang pormal na edukasyon sa paaralan na may silid-aralan ng maraming mag-aaral na natututo kasama ng isang sinanay at sertipikadong guro ng asignatura. Idinisenyo ang karamihan ng mga sistema ng paaralan sa palibot ng mga simulain o adhikain na namamahala sa lahat ng mga pagpipilian sa sistemang iyon. Kabilang sa mga pagpipilian ang kurikulum, mga modelo ng organisasyon, disenyo ng mga pisikal na espasyo sa pag-aaral (hal. mga silid-aralan), pakikipag-ugnayan ng mga guro at mag-aaral, pamamaraan ng pagsusuri, laki ng klase, gawaing pagtuturo, at higit pa.[1][2]

Inilikha ang Pandaigdigang Pamantayang Pag-uuri ng Edukasyon (International Standard Classification of Education o ISCED) ng UNESCO bilang batayan sa estadistika upang ikumpara ang mga sistema ng edukasyon.[3] Noong 1997, nagtukoy ito ng 7 antas ng edukasyon at 25 larangan, ngunit pinaghiwalay ang mga larangan sa kalaunan upang magbuo ng ibang proyekto. Ang kasalukuyang bersyon ISCED 2011 ay may 9 sa halip ng 7 antas, na inilikha sa paghahati ng tersiyaryong predoktoradong antas sa tatlong antas. Pinalawig din nito ang pinakamababang antas (ISCED 0) para masaklaw ang isang bagong subkategorya ng mga programa ng edukatibong pagpapaunlad sa maagang pagkabata, na nakatuon sa mga batang wala pang 3 taong gulang.[4]

Talababa

baguhin
  1. Kinikilala ng Artikulo 13 ng Internasyonal na Tipan sa Mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultura ng 1966 ng Mga Nagkakaisang Bansa ang pansansinukob na karapatan sa edukasyon. ICESCR, Artikulo 13.1.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Enhancing Education" [Pagpapahusay ng Edukasyon] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 19, 2003.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Perspectives Competence Centre, Lifelong Learning Programme" [Sentro ng Kakayahan sa Pananaw, Programa ng Panghabambuhay na Pag-aaral] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 15, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. ISCED 2011 classification [Pag-uuri ng ISCED ng 2011] (sa wikang Ingles)
  4. Revision of the International Standard Classification of Education (ISCED) [Rebisyon ng Pandaigdigang Pamantayang Pag-uuri ng Edukasyon (ISCED)] (sa wikang Ingles), nakuha noong 05-04-2012.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.