Si Garry Kasparov (Ruso: Га́рри Ки́мович Каспа́ров; Pagbigkas sa Ruso: ˈgarʲɪ ˈkʲiməvʲɪtɕ kɐˈsparəf) (ipinanganak bilang Garry Kimovich Weinstein noong 13 Abril 1963, sa Baku, Sobyet na Sosyalistang Republika ng Azerbaijan, Unyong Sobyet; Azerbaijan sa kasalukuyan) ay isang Rusong dating kampeon ng ahedres, kadalasang pinupuri bilang pinakamagaling na manlalaro sa kasaysayanng ahedres. Isa rin siyang manunulat at aktibista.

Garry Kasparov
Garry Kasparov, 2007
Pangalan Garry Kimovich Kasparov
(Гарри Кимович Каспаров)
Bansang pinanggalingan  Rusya
Kapanganakan (1963-04-13) 13 Abril 1963 (edad 61)
Baku, Sobyet na Sosyalistang Republika ng Azerbaijan, Unyong Sobyet
Titulo Granmaestro
Kampeon ng Sandaigdigan 1985–1993 (di pinagtalunan)
1993–2000 (klasiko)
Pinakamataas na nakuhang puntos 2900 (Hulyo 1999)

Si Kasparov ay naging pinakabatang kampeon noong 1985. Napasakamay niya ang opisyal na titulo ng FIDE hanggang 1993, nang ang isang alitan sa FIDE ay nagtulak sa kanya upang magtatag ng isang karibal na organisasyon, ang Asosasyon ng Propesyonal na Ahedres. Pinanghawakan niya ang kanyang klasikong titulo hanggang sa matalo siya ni Vladimir Kramnik noong 2000. Kilala din siya bilang ang kauna-unahang kampeon ng ahedres na natalo sa isang laro laban sa isang makina, nang matalo siya ng makinang pinangalanang Deep Blue noong 1997.

Kabilang sa kanyang mga natamo sa ahedres ay ang pagiging pinakamagaling sa daigdig sang-ayon sa sistemang Elo halos tuluy-tuloy mula 1986 hanggang sa pagreretiro noong 2005 at ang paghawak sa pinakamataas na puntos na 2851. Mayroon rin siyang tala sa kanyang mga sunud-sunod na tagumpay sa mga torneo.

Ipinahayag niya ang kanyang pamamaalam mula sa propesyonal na ahedres noong 10 Marso 2005, upang pagtuunan ng pansin ang politika at panitikan. Itinatag niya ang Nagkakaisang Kilusan ng Mamamayan at sumali sa Ang Isa pang Rusya, isang koalisyong salungat sa pamamalakad ni Vladimir Putin. Kumandidato siya sa halalang pampangulo sa Rusya noong 2008, ngunit nang maglao'y umatras. Kilala sa kanluran bilang kasalungat ni Putin, ang kanyang supporta sa Rusya ay mababa.[1][2]

Sanggunian

baguhin
  1. Conor Sweeney, Chris Baldwin, Putin "heir" on course to win Russia election: poll - "Widely regarded in the West as a symbol of opposition to Putin, Kasparov's support at home is slim and pollsters say he had no chance of winning."
  2. Michael Stott, Reuters Russia votes for parliament, Putin triumph expected Naka-arkibo 2008-06-20 sa Wayback Machine. Calgary Herald - "But polls show few Russians support Kasparov or the marginal pro-Western parties under his banner." (sa Ingles)