Ang gatas ng asno o gatas ng buriko ay ang gatas na nagmumula sa mga babaeng asno o buriko. Ginagamit ito mula pa noong kapanahunan ng sinaunang Ehipsiyo para sa mga kadahilan may kaugnayan sa pagbibigay ng sustansiya o alimentasyon (alimentaryo) at kosmetiko sa katawan. Ginagamit itong pamalit para sa gatas na nagmumula sa babaeng tao.[1]

Batang asnong sumususo ng gatas mula sa kanyang ina.

Paglalarawan

baguhin

Mas kahawig ito ng gatas na nagmumula sa tao kaysa gatas ng baka. Napatunayang napakatagumpay sa pang-aaruga ng sanggol na kulang sa buwan noong ipanganak at yaong masasakitin ang gatas ng asno. Ngunit bagaman ginagamit na pamalit sa gatas ng inang tao, may kakulangan ito sa taba, kaya't dinaragdagan pa ng krema bago ipainom o ipasuso sa sanggol. Subalit maaari rin namang baguhin ang kayarian ng gatas ng baka upang maabot ang pamantayan ng gatas na ipaiinom sa sanggol ng tao.[1]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Asses' milk". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 56.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.