Gawad Grammy
Ang Gawad Grammy (sa Ingles: Grammy Awards, Inilarawan sa Pangkinaugalian ay GRAMMY, orihinal na tinawag Gramophone Award), o Grammy, ay isang karangalang iginagawad ng Recording Academy ng Estados Unidos upang kilalanin ang mahahalagang kontribusyon ng mga artista partikular sa industriya ng musika. Kadalasan, iginagawad ang parangal sa mga rekording na wikang Ingles, subalit mayroon na ring mga nanalong awit at album sa wikang Kastila, Pranses, Portuges, at Italyano. Ang taunang seremonya ng paggagawad ng parangal ay binubuo ng natatanging bilang mula sa mga prominenteng mang-aawit o grupong pangmusika. Sa broadkast na pantelebisyon pinapakita ang pagpaparangal para mga kategoryang pumupukaw sa pangkalahatang interes, gaya ng Album of the Year (Album ng Taon), Record of the Year (Rekord ng Taon), Song of the Year (Awit ng Taon), at Best New Artist (Pinakamagaling na Bagong Artista).
Grammy Awards | |
---|---|
61st Annual Grammy Awards | |
Ginagantimpala sa | Outstanding achievements in the music industry |
Ipinanukala ni | The Recording Academy |
Bansa | Estados Unidos |
Unang gantimpala | 4 Mayo 1959 | (as Gramophone Award)
Official website | grammy.com |
Television coverage | |
Istasyon | NBC (1959–1970) ABC (1971–1972) CBS (1973–present) |
Ang Gawad Grammy ay tinatrato bilang ang pinakaprestihiyosong pagkilala sa larang ng popular na musika, ay may pantay na antas ng pagkilala sa Gawad Academy (para sa mga pelikula), Gawad Emmy (para sa mga palabas pantelebisyon), at Gawad Tony (para sa teatro).
Unang isinagawa ang paggawad ng Grammy noong 4 Mayo 1959.
Mga Kawing panlabas
baguhin- Opisyal na website
- Grammy Awards winners at Grammy.com (searchable database)
- CBS: Grammys Official broadcast for Grammys
Padron:Grammy Award years Padron:Music awards
Kamalian ng Lua na sa package.lua na nasa linyang 80: module 'Module:Portal bar' not found.