Gawad Tony
Ang Gawad Antoinette Perry para sa Kahusayan sa Teatro, higit pa karaniwang kilala sa impormal nitong pangalang Tony Award, ay kinikilala ang tagumpay sa teatrong live Broadway. Ang mga parangal ay ginagawad sa pamamagitan ng American Theatre Wing at The Braodway League[1] sa isang taunang seremonya sa Lungsod New York. Ang mga parangal ay ibinibigay para sa produksyong Broadway at pagtatanghal, at meron ding binibigay naparangal para sa rehiyonal na teatrong Amerikano. Ilang di-kompetitibong parangal din ang ibinibigay, kabilang ang Espesyal na Tony Award, ang Tony Honors for Excellence in Theatre, at ang Gawad Isabelle Stevenson.[2] Ang parangal ay ipinangalan kay Antoinette "Tony" Perry, isa sa mga nagtatag ng American Theatre Wing.
Ang Tony Awards ay itinuturing na ang pinakamataas na karangalang panteatrong Broadway, na katumbas ng Gawad Academy (Oscars) para sa mga pelikula, ang Gawad Grammy para sa musika, at Gawad Emmy para sa telebisyon. Ang Tony Awards ay ang katumbas ng Laurence Olivier Award sa United Kingdom at ang Molière Award ng Pransya.