Ang Geisha (芸者) o Geigi (芸妓) ay mga babaeng tagapagtanghal sa Hapon na ang kanilang itinatanghal ay ang sining na Hapones, kabilang ang tugtugin at pagsayaw. Kapareho ng mga Geisha ang mga Gisaeng ng Korea at mga Hetaerae ng Sinaunang Gresya.

Ang tipikal na palamuti sa gawing bátok.

Ang mga Geisha ay lumitaw noong panahon ng Muling Pagkabuhay ng Meiji. Naging pangkaraniwan ang mga mga geisha noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo. Hanggang sa kanilang bilang unti-unting bumaba sa paglipas ng panahon.

Termino

baguhin
 
Isang maiko na naglalakad sa kanyang susunod na pagtatanghal sa Gion Kobu, Kyoto.

Ang salitang "geisha" ay binubuo ng dalawang Kanji, 芸 (gei) na ang ibig sabihin ay "sining" at 者 (sha) na ang ibig sabihin ay "tao". Kaya maaaring isalin ang geisha sa Wikang Filipino na "taga-sining".

Ang iba pang termino ginagamit sa Hapon ay ang "geiko" na kadalasang pinantatawag sa mga taga Kyoto. Ang naturang termino ay karaniwang ginagamit sa rehiyon upang ibatid ang pinagkaiba ng geisha sa larangan ng sining pangtradisyon mula sa mga babaeng bayaran na gumagamit ng imahe ng geisha. Isinusuot ng mga babaeng bayaran ang obi sa gawing harapan ng kanilang kimono, samantalang isinusuot ng mga tunay na geisha sa gawing likuran. Ang isang tunay na geisha ay kadalasang may isang ginagawa sa pananamit; ang kanilang pananamit ay binubuo ng maraming patung-patong na kimono at pang-ilalim,at ang obi ay higit pa sa simpleng bahagi ng damit. Ang pagdadamit ay tinataya sa loob ng isang oras, kahit na may tulong na propesyonal. Ang mga bayaran naman ay kinakailang tanggalin ang kanilang suot na obi ng maraming ulit sa isang araw.

Ang mga nagsasanay na maging geisha ay tinatawag na "maiko". Ang salita ay binubuo ng Kanji, 舞 (mai) na ang ibig sabihin ay "sumasayaw" at 子 (ko) na ang ibig sabihin ay "bata".

Ang mga geisha sa Tokyo ay hindi naman madalas na sinusundan ang proseso sa ritual na pagiging maiko. Ang panahon ng pag-eensayo ay tumatagal mula anim na buwan hanggang isang taon - na mas maikli sa maiko ng Kyoto - bago siya maging isang ganap na geisha.

Mga Geisha Sa Larangan ng Kultura

baguhin

Ang lumalaking pagka-engganyo sa mga geisha at sa kanilang magandang kaanyuan ang nagpalabong sa pagpapakilala ng naturang kultura sa Hapon at maging sa Kanluran. Ang pagka-engganyo ng mga taga Kanluran sa geisha ay umangat sa nobela noong 1997 at ang pelikulang Memoirs of a Geisha noong 2005, at ang talambuhay ng dating geisha na si Iwasaki Mineko, na pinamagatang Geisha of Gion.

Paglarawan sa Geisha

baguhin
  • The girl inherited Maiko (apprentice geisha) life (2007) ni Naoyuki Ogino sa Canon Gallery, Hapon

Mga Pelikulang tampok ang mga Geisha

baguhin

Tugtugin tungkol sa Geisha

baguhin
  • "Neo Geisha" by Zeromancer on the album Eurotrash
  • "Geisha Dreams" by Rollergirl
  • "Latin Geisha" by Illya Kuriaki and the Valderramas
  • "GEI-SHA" by S.K.I.N.

Tignan Din

baguhin
  • Gisaeng - mga babaeng tagapagtanghal sa Korea

Kawing Panlabas

baguhin