Genus
(Idinirekta mula sa Genera)
Ang genus (mula sa Latin) ay isang ranggo sa taksonomiya na ginagamit sa klasipikasyong pam-biyolohiya ng mga organismong buhay at posil gayundin sa mga birus. Sa pagkakasunod ng klasipikasyon sa biyolohiya, ang genus ay nasa itaas ng espesys at nasa ilalim ng pamilya. Sa pagpapangalang binomiyal, ang genus ang unang bahagi ng pangalangan ng espesyes sa bawat espesye sa loob ng genus. Halimbawa, ang Panthera leo (leon) at Panthera onca (jaguar) ay dalawang espesye ng genus na Panthera. Ang Pantehera ay genus sa loob ng pamilyang Felidae. Ang criteria ng isang genus ay:
- monopilya-lahat ng inapo ng ninunong taxon ay pinagsasasama
- Ang isang genus ay hindi dapat palawagin nang hindi kinakailangan
- Pagiging tangi-sa criteria ng ebolusyon gaya ng ekolohiya, morpolohiya, bioheograpiya, ang mga sekwensiya ng DNA ay konsekwensiya sa halip na kondisyon ng paghihiwalay ng mga linyang ebolusyonaryo maliban sa mga kaso kung saan sila ay direktang humaharang sa pagdaloy ng gene. Sa karagdagan, ang genera ay dapat binubuo ng mga unit na pilohenetiko ng parehong uri gaya ng ibang genera.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.