Genserico
Si Gaiseric ( c. 389 - 25 Enero 477),[1] kilala rin bilang Geiseric o Genserico (Latin: Gaisericus, Geisericus; itinayong muling Bandaliko: *Gaisarīx [a]) ay Hari ng mga Bandalo at Alano (428–477), isang kahariang itinatag niya, at isa sa mga pangunahing kasangkot sa mga paghihirap na ikinakaharap ng Kanlurang Imperyong Romano noong ika-5 siglo. Sa pamamagitan ng kaniyang halos 50 taon ng pamamahala, itinaas niya ang isang bahagyang di-mahalagang tribong Hermaniko sa katayuan ng isang pangunahing kapangyarihan sa Mediteraneo. Gayunpaman, ang pinakatanyag niyang ginawa ay ang pananakop at pandarambong sa Roma noong 455 noong Hunyo 455. Tinalo rin siya dalawang pangunahing pagsisikap ng mga Romano upang ipatumba siya, ang unang isa sa pamamagitan ni Emperador Majorian noong 460 o 461, at isa pa sa pamamagitan ni Basiliscus sa Labanan ng Kabo Bon noong 468. Matapos mamatay sa Kartago, si Gaiseric ay sinundan ng kaniyang anak na si Hunerico.
Gaiseric | |
---|---|
Panahon | 428 – 25 Enero 477 |
Sinundan | Gunderico |
Sumunod | Hunerico |
Anak | |
Ama | Godigisel |
Kapanganakan | c. 389 Lawa Balaton, Hungary |
Kamatayan | 25 Enero 477 (edad 87) Kartago, Tunisia |
Pananampalataya | Arianismo |
Talababa
baguhin- ↑ See the following for more detail https://www.academia.edu/691311/Tracing_the_Language_of_the_Vandals, Nicoletta Onesti, "Tracing the Language of the Vandals", https://www.academia.edu, 16 pages, 22 February 2015. Also see: https://www.academia.edu/1516556/THE_LANGUAGE_AND_NAMES_OF_THE_VANDALS, Nicoletta Onesti, "THE LANGUAGE AND NAMES OF THE VANDALS", https://www.academia.edu, 2009, 3, 22 February 2015
Mga sanggunian
baguhinWalang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023) |