Ang "Gento" (isinusulat sa malalaking titik) ay isang awitin na inirekord ng bandang Pilipino na puro lalaki na SB19 para sa kanilang ikalawang extended play (EP) na Pagtatag! (2023). Ang pinuno ng banda na si Pablo ang nagsulat ng awitin at prinodyus niya ito kasama si Joshua Daniel Nase at si Simon Servida. Isang awiting pop at hip hop, ito ay may liriko na may tema sa pagpapalakas ng kapangyarihan, at gumagamit ng pagmimina ng ginto bilang isang metapora upang makamit ang tagumpay, na kung saan tumutukoy sa naging kareka ng grupo. Ang awiting ito ay inilabas ng Sony Music Philippines noong Mayo 19, 2023, bilang maging pangunahing single mula sa kanilang EP.

"Gento"
Single ni SB19
mula sa EP na Pagtatag!
Wika
  • Ingles
  • Tagalog
NilabasMayo 19, 2023
Tipo
  • Pop
  • hip hop
Haba3:52
TatakSony Philippines
Manunulat ng awitJohn Paulo Nase
Prodyuser
  • John Paulo Nase
  • Joshua Daniel Nase
  • Simon Servida
SB19 singles chronology
"Nyebe"
(2022)
"Gento"
(2023)
Music video
"Gento" sa YouTube

Ang single ay nakatanggap ng mga positibong pagpupuna mula sa mga kritiko, na pinuri ang nakakaakit nitong liriko. Ito ay ang kaunang-unang awitin ng grupo upang pumasok sa dalawang rekord tsart ng Billboard; ito ay lumitaw sa World Digital Song Sales tsart—unang pagpasok mula sa mga grupong Pilipino—at sa Philippines Songs tsart, na kung saan ito ay pumukaw sa numero otso at onse, ayon sa pagkakabanggit. Ang katuwang na music video ay idinerekta ni Kerbs Balagtas, na kung saan inililirawan ang grupo na nagmimina ng ginto. Inipromowt ng grupo ang awitin sa pamamagitan ng iba't ibang pagtatanghal at isinama ito sa set list ng kanilang pandaigdigang serye ng mga konsiyerto na Pagtatag! World Tour (2023).

Kaligiran at paglalabas

baguhin

Noong huling bahagi ng taong 2022, ang bandang Pilipino na puro lalaki na SB19 ay sumabak sa kanilang ikaunang pandaigdigang serye ng mga konsiyerto sa WYAT (Where You At) Tour (2022).[1] Sa isang pagpupulong, ipinahayag ng pinuno ng banda na si Pablo na ang SB19 ay may ilalabas na bagong musika na magbabatay sa salitang "pagtatag". Idinagdag ng iba sa mga miyembro ng banda na sila ay may gagalugarin na iba't ibang estilo ng awitin at mga karanasan sa buhay.[2]

Noong Abril 29, 2023, ang SB19 ay may inilabas na isang treyler para sa kanilang ikalawang extended play (EP) na Pagtatag!, at inihayag na ito ay ilalabas sa Hunyo 9, 2023.[3][4] Nagmarka ito bilang panibagong paglalabas ng musika ng banda mula noong inilabas nila ang Pagsibol (2021).[5] Ipinahiwatig din ng treyler na may isang single ang mangunguna mula sa EP, na wala pang nabanggit na pamagat.[3][4] Ipinahayag ng grupo noong Mayo 10, 2023, na ang pamagat ng pangunahing single mula sa EP ay "Gento", at pinalabas ito sa mga platapormang digital streaming upang ito ay unang ma-save.[6] Opisyal na inilibas ng Sony Music Philippines ang "Gento" noong Mayo 19, 2023.[7]

Mga tao sa likod ng awitin

baguhin

Ang mga tauhan ay iniangkop mula sa ABS-CBN News.[8]

  • SB19 – mga tinig
  • John Paulo Nase – manunulat, prodyuser
  • Joshua Daniel Nase – prodyuser
  • Simon Servida – prodyuser
  • Heo Chan-goo – mixing, mastering

Mga tsart

baguhin
Mga lingguhan taluktukang posisyon sa tsart para sa "Gento"
Tsart (2023) Taluktukang
posisyon
Philippines (Billboard)[9] 11
US World Digital Song Sales (Billboard)[10] 8

Mga sanggunian

baguhin
  1. "SB19 Announces WYAT World Tour Dates" [Nag-anunsyo ang SB19 ng mga Petsa ng Kanilang WYAT World Tour]. Rappler (sa wikang Ingles). Setyembre 5, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 15, 2023. Nakuha noong Hunyo 15, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Antonio, Josiah (Disyembre 15, 2022). "SB19 Shares New Details on Upcoming Album" [Nagbahagi ng Panibagong Detalye ang SB19 para sa Kanilang Paparating na Album] (sa wikang Ingles). ABS-CBN News. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 15, 2023. Nakuha noong Hunyo 15, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "SB19 Drops Trailer for EP Pagtatag! and Teases World Tour" [Inilabas ng SB19 ang Treyler para sa EP na Pagtatag! at Nag-anunsyo ng isang World Tour]. Rappler (sa wikang Ingles). Abril 30, 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 15, 2023. Nakuha noong Hunyo 15, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Mallorca, Hannah (Mayo 1, 2023). "SB19's New Album Pagtatag Features Six Tracks; Cites Fun Time Working with Pepe Herrera in Comeback Trailer" [Ang Panibagong Album ng SB19 na Pagtatag ay Binubuo ng Anim na Awitin; Binanggit na Masayang Makatrabaho si Pepe Herrera sa Treyler ng Kanilang Pagbabalik]. Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 1, 2023. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Llemit, Kathleen (Abril 30, 2023). "SB19 Releases New EP Pagtatag Trailer" [Inilabas ng SB19 ang Treyler para sa Bagong EP na Pagtatag]. The Philippine Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 15, 2023. Nakuha noong Hunyo 15, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "SB19 to Release New Single 'Gento' This May" [SB19, Nakaiskedyul ang Paglalabas ng Bagong Single na 'Gento' Ngayong Mayo]. Bandwagon (sa wikang Ingles). Mayo 10, 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 15, 2023. Nakuha noong Hunyo 15, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Basbas, Franchesca Judine (Mayo 19, 2023). "SB19 Find Gold in New Single 'Gento'" [Nakahanap ng Ginto ang SB19 sa Bagong Single na 'Gento']. Bandwagon (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 14, 2023. Nakuha noong Hunyo 14, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "SB19 Releases New Single 'Gento'" [Inilabas ng SB19 ang Bagong Single na 'Gento'] (sa wikang Ingles). ABS-CBN News. Mayo 19, 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 14, 2023. Nakuha noong Hunyo 14, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "SB19 Chart History (Philippines Songs)" [Kasaysayan ng Tsart ng SB19 (Philippines Songs)]. Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 26, 2023. Nakuha noong Hunyo 27, 2023.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "SB19 Chart History (World Digital Song Sales)" [Kasaysayan ng Tsart ng SB19 (World Digital Song Sales)]. Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 26, 2023. Nakuha noong Hunyo 27, 2023.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)