George Gabriel Stokes

Si George Gabriel Stokes (13 Agosto 1819 – 1 Pebrero 1903), na nakikilala rin bilang si Sir George Gabriel Stokes, Unang Baronet FRS, ay isang matematiko, pisiko, politiko, at teologo. Ipinanganak sa Irlanda, inilaan niya ang panahon para sa kaniyang larangan doon sa Pamantasan ng Cambridge, kung saan naglingkod siya bilang Propesor na Lucasiano ng Matematika mula 1849 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1903. Gumawa si Stokes ng mahahalagang mga ambag sa dinamika ng pluwido (kabilang na ang mga ekwasyong Navier-Stokes), optika, at pisikang matematikal (kasama na ang unang bersiyon ng sa ngayon ay nakikilala bilang teorema ni Stokes). Naging isa siyang sekretaryo, pagdaka ay pangulo, ng Royal Society.

George Gabriel Stokes
Kapanganakan13 Agosto 1819
  • (County Sligo, Connacht, Irlanda)
Kamatayan1 Pebrero 1903
  • (Cambridge, Cambridgeshire, East of England, Inglatera)
MamamayanIrlanda
United Kingdom of Great Britain and Ireland
United Kingdom
NagtaposUnibersidad ng Cambridge
Trabahomatematiko, pisiko, politiko, teologo, propesor ng unibersidad

MatematikoPisikaIrlanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko, Pisika at Irlanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.