Dinamika ng pluwido

Sa larangan ng pisika, ang dinamika ng pluwido[tb 1] (Ingles: fluid dynamics; Kastila: fluidodinámica) ay isang kabahaging disiplina na humaharap sa buhos o agos ng pluwido (tumutukoy ito sa mga likido at gas). Ito ay mayroong mga sub-disiplina, kabilang dito ang aerodinamika (pag-aaral ng dinamika ng hangin at iba pang mga gas) at hydrodynamics o hidrodinamika (pag-aaral ng dinamika ng mga likido). Isa ito sa pinaka matandang mga bahagi ng pag-aaral ng pisika. Pinag-aaralan ito ng mga pisiko, mga matematiko, at mga inhinyero. Mailalarawan ng matematika kung paano gumagalaw ang mga pluwido sa pamamagitan ng mga pormulang pangmatematika na tinatawag na mga ekwasyon.

Ang pag-unawa at pagpapaliwanag sa kung paano ang kaasalan ng mga pluwido ay nakakatulong na maintindihan ang mga bagay na katulad ng paglipad o pagpapalipad (aeronotika), taya ng panahon (meteorolohiya), at Agham ng Isports (Palakasan). Bilang halimbawa, maaaring magamit ang dinamika ng pluwido upang maunawaan ang panahon o weather dahil ang mga ulap at hangin ay kapwa mga pluwido (mga "lusaw"). Maaari ring gamitin ang dinamika ng pluwido upang matalos ang kung paano nakakalipad ang mga eroplano habang lumalagos sa hangin, o kung paano nakapaglalayag ang mga barko at mga submarino habang nasa tubig.

Magagamit ng mga programang pangkompyuter ang mga ekwasyong pangmatika ng dinamika ng pluwido upang makagawa ng mga modelo o huwaran at mahulaan ang magiging kilos ng gumagalaw na mga likido. Nakakatulong ang mga kompyuter sa pag-intindi sa dinamika ng pluwido, at may ilang mga tao na nag-aaral kung paano maimomodelo o magaya ang mga pluwido sa pamamagitan lamang ng mga kompyuter. Ang pag-aaral sa kung paano naisasagawa ang dinamika ng pluwido sa pamamagitan ng kompyuter ay tinatawag na computational fluid dynamics (CFD) o komputasyunal na dinamika ng pluwido (pangkomputasyon na galaw ng pluwido).

Mayroong tatlong mahahalagang mga saligan ng dinamika ng pluwido na nakabatay sa tatlong mga prinsipyo: ang konserbasyon (pagpapanatili) ng masa, ang konserbasyon ng enerhiya, at ang konserbasyon ng momentum.

Bago ang ika-20 siglo, ang hidrodinamika ay kasing-kahulugan ng dinamika ng pluwido. Sumasalamin pa rin ito sa mga pangalan ng ilang paksa tungkol sa dinamika ng pluwido, tulad ng magnetohidrodinamika at estabilidad ng hidrodinamika, na parehong nailalapat sa mga gas.[1]

Klasipikasyon

baguhin

Matatag laban sa hindi matatag na daloy

baguhin
 
Simulasyon ng hidrodinamika ng karupukang Rayleigh–Taylor[2]

Ang isang daloy na hindi punsyon ng panahon ay tinatawag na matatag na daloy. Tumutukoy ang estadong-matatag na daloy sa kondisyon kung saan ang mga katangiang pluwido sa isang punto sa sistema ay hindi nagbabago sa paglipas ng panahon. Tinatawag na hindi matatag na daloy ang daloy na dumedepende sa panahon (tinatawag din na transitoryo[3]). Kahit pa ang isang partikular na daloy ay matatag o hindi matatag, ay maaring dumepende sa perspektibo. Halimbawa, ang isang daloy na laminar sa isang espera ay matatag sa perspektibo na nakatigil na may kinalaman sa espera.

Mga uring multidisiplinaryo

baguhin

Magnetohidrodinamika

baguhin

Ang magnetohidrodinamika (sa Ingles: magnetohydrodynamics, MHD, magneto fluid dynamics o hydromagnetics) ay isang akademikong disiplina na nag-aaral ng dinamika ng elektrikal na nagkokonduktang mga likido. Ang mga halimbawa ng gayong likido ay kinabibilangan ng mga plasma, likidong metal, at asing tubig o mga elektrolito o electrolyte.

Pinasimulan ang larangan ng MHD ni Hannes Alfvén,[4] na kung saan nakatanggap siya ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1970.

Talababa

baguhin
  1. galaw ng pluwido, kilos ng pluwido, kasiglahan ng pluwido o daloy ng pluwido

Mga sanggunian

baguhin
  1. Eckert, Michael (2006). The Dawn of Fluid Dynamics: A Discipline Between Science and Technology (sa wikang Ingles). Wiley. p. ix. ISBN 3-527-40513-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Shengtai Li, Hui Li "Parallel AMR Code for Compressible MHD or HD Equations" (Los Alamos National Laboratory) [1] Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  3. "Transient state or unsteady state? -- CFD Online Discussion Forums". www.cfd-online.com (sa wikang Ingles).
  4. Alfvén, H (1942). "Existence of electromagnetic-hydrodynamic waves". Nature (sa wikang Ingles). 150 (3805): 405–406. Bibcode:1942Natur.150..405A. doi:10.1038/150405d0.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)