Ang mga ulap, alapaap o panganorin ay matatagpuan sa atmospera ng daigdig. Nagmumula ang mga ulap sa pagtuyo at pagsingaw ng tubig mula sa balat (crust) ng daigdig. Kapag dumarami ang mga naiipon na singaw ng tubig sa atmospera, bumubuo ito ng mga ulap sa langit.

Mga Ulap

Anyo ng ulap

baguhin

May apat na pangunahing anyo ng mga ulap. Ito ang makapal na ulap (cumulus), sires (cirrus), malapad na ulap (stratus) at nimbus. Pinakamataas ang cirrus, sinusundan ng cumulus, stratus at pinakamababa o malapit sa balat ng daigdig ang nimbus.

Cumulus

baguhin

Ang ulap cumulus ay tanyag sa mala-bulak na anyo. Ito rin ay malalaki ang pagkakabuo at mapuputi. Madalas makita ang mga ulap cumulus kapag maaraw at mainit ang panahon.

Cirrus

baguhin

Ang pinakamataas na ulap ay tinatawag na cirrus. Mala-balahibo ng manok ang anyo ng ulap cirrus. Mahahaba ang mga ito at manipis ang pagkakabuo sa langit. Maputi rin ang mga ulap Cirrus ngunit hindi malalaki ang kumpol nang tulad sa ulap cumulus.

 
Mga Ulap sa tutok ng bundok.

Nimbus

baguhin

Tulad ng ulap Cumulus, malalaki ang kumpol ng mga ulap Nimbus sa langit ngunit ito ang pinakamababang ulap. Kulay abo ang mga ulap Nimbus. Ang mga ulap na ito rin ang nagtataglay ng pinakamaraming maliliit na patak ng tubig na pinagmumulan ng ulan.

Stratus

baguhin

Ang mga ulap Stratus ay tulad din ng cirrus na mala-balahibo ng manok ang anyo ngunit ito'y matatagpuan sa masmababang bahagi ng atmosphere. At tulad nang sa ulap Nimbus,hindi puti at kulay abo ang mga ulap stratus sa langit ngunit hindi ito nagdudulot ng pag-ulan.

May mga anyo din ng ulap na magkahalo o mestiso kung tawagin tulad ng ulap cumulo-nimbus at cumulo-cirrus.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.